VANE'S POV
"Ohh. Ano na? Anong gagawin natin DITO. Tatayo lang pala tayo bakit dito mo pa naisipang magtambay?" naiinis kong sabi kay Eva ng nakarating ako . Halos 30 minutes na kaming nakatayo sa tapat ng MARKIN'S . Nangangalay na paa ko.
"Relax lang! Hindi pa sya dumadating." Kalmado niyang saad.
" Sino ba kasi yan? Crush mo? Sinama sama mo pa ako sa pag iistalk mo." Naiinis ko paring sagot.
"Fine,fine! Sasabihin na! Alam ko na kung sino yung hacker. Yung dahilan ng pagshift ng city at sa computer virus. Sinearch ko kanina ang ip address ng virus. Natrack ko yung pinagmulan ng upload at matapos ang sangkaterbang firewall ay na trace ko ang account niya." Mahabang niyang paliwanag.
"Ahh.So anong ginagawa natin dito? Isumbong na natin siya sa mga Hunters." Agad kong sagot.
"Shunga kaya tayo nandito. Tayo ang huhuli sa kanya."nakasmile niyang sagot
"AHHHHH...Akala ko...........WHAAAAATTTT!!! NAHIHIBANG KA NA BA? ANONG AKALA MO SA SARILI MO SUPERMAN?" naghahyperventilate na ako. Sa sobrang panonood ng action movies akala yata niya magaling na sya.
"Relax ka lang Vane, Ohh ayan na siya" turo niya dun sa lalaking matangkad at nakacap na kulay blue. Papunta ito sa likod ng restaurant. Sasagot pa sana ako ng hilahin ako ni Eva pasunod dun sa lalaki. Pumasok ito sa CR sa likod at sumunod kaming pumasok ni Eva. Ang baho naman! Pinagbubuksan namin ang mga cubicle pero wala nang tao! Asan na ang isang yun!
Nang binuksan namin ang huling cubicle at tulad ng iba ay bumungad sa amin ang mabahong toilet bowl.
"Ehhhkkk...anu bayan, bakit kasi di nalang dumaan sa harap ng pinto.. Sa Cr pa talaga" reklamo ni Eva.
"Ayan! Yan ang sinasabi ko sayo na tantanan na natin to. Ikaw pumili nito tapos rereklamo ka." Naiinis kung sabi.
"Fine!" napa rolled eyes nalang siya.
Tsk.tsk. tsk. Kahit kelan talaga itong si Eva. Tiningnan ko ulit si Eva ng biglang nagbago ang kulay ng mata nito at naging green na parang may mga letra o codes na dumadaan sa mga mata niya. Ginagamit na niya ang technopathy niya. Kaya niyang Makita ang mga codes or fiber kahit mga simpleng machines ay nakakaya niyang masense at macontrol.
"Got yah!" sabi niya na parang may nakita siya. Pinatabi ako ni Eva sa gilid at tinumbok ang likuran na kinatatayuan ko kanina. Pinindot niya ang isa sa mga tiles ng wall at umilaw ito. Lumitaw ang parang touchscreen na pad sa harapan namin. Humihingi ito ng password. Itinapat lang ni Eva ang mga kamay niya sa harapan ng screen at agad itong nag ACCES GRANTED. Kaya biglang bumukas ang secretong pinto at nahati ang toilet bowl sa dalawa at naging parang doorway ito. Napatingin kami ni Eva sa isat-isa at nakataas ang kilay niya na parang sinaabing "Oh? Anong say mo?" .tsk.tsk.
EVA'S POV
Ito talagang si Vane wala atang kabilib bilib sa akin. Pumasok na kami sa pinto ni Vane at pinailaw naming ang mga bracelets naming para magsilbing flashlight. Sa unang tingin ay nasa underground sewers kami kaya agad kong tinakpan ang ilong ko sa sobrang baho!
"My god!" bulalas ko na agad na ikinatingin ni Vane sakin.
"Sinong nakakatiis sa lugar na ito? Why would villains do always pick an old and dirty liars?" I cant stand it kaya lakad takbo ang ginawa ko.
Makalipas ang isang siglo. I mean 30 minutes, but swear to God! Its like hell in here ay sa wakas ay narating namin ang kadulo dulohan ng tunnel. Dahan dahan kaming sumilip sa loob ng kwarto sa kadulo dulohan ng tunnel. At yun nga! Nahuli naming ang isang lalaki na nagtatype sa computer at kaharap niya ang lima o hanggang siyam na holographic screen at parang may hinahack nanaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/19665503-288-k393793.jpg)
BINABASA MO ANG
Tadhana (When Two Worlds Collides)
FantasyWelcome to the world of Science and Magic where both sides fighting for domination. In this new dystopian world nagkakilala ang dalawang binatang nagmula sa magkaibang panig na pinagbuklod ng tadhana at pag ibig. Can there love change the world for...