13. Here They Comes

268 8 1
                                    




Nagsimulang lumiwanag ang paligid na syang nakapukaw ng pansin ng mga kasamahan nina Eriole. Nagpakawala ng kakaibang lakas na enerhiya si Eriole . Nakatayo sya habang nakataas ang magkabilang kamay sa gilid nya, si Vane naman ay nawalan ng malay at unti-unting bumabalik ang kulay ng buhok nya sa itim maliban nalang sa maliit na bahagi ng buhok nya ay nanatiling asul na parang nakahighlights lang.


" Creation: Jurassic Earth.." Muli nyang sigaw ng kumalat sa buong paligid ang enerhiya nya. Unti-unting parang natutunaw ang mga basag na bubog sa paligid nya na parang nag eevaporate na parang buhangin .

Maging ang mga sirang kotse at mga bato ay nag evaporate din sa hangin at unti-unting nag anyo na 7 feet tall na dinosaurs, Iba-iba ang klase ng mga dinosaurs, may TREX,Pterodactyl, Raptors ,Ankylosaurs at marami pang iba.

Nagkaroon din ito ng mga buhay at parang totoo talagang nilalang. "Ubusin ang mga itim na halimaw," utos ni Eriole na syang sinunod ng mga Dinosaurs na gawa nya.

Nagsipagtakbuhan naman ang mga Espers papunta sa mga sibilyan at pinalibutan ang mga ito.


"Si Vane!" Turo ni Evangeline sa kanyang kaibigang nakahandusay. Mabilis namang tumakbo si Matthew sa walang malay na si Vane. Pilit nyang iniiwasan ang mga naglalakihang dinosaurs sa field. May iba pa nito ay umaabot pa sa 20 feet at nilalapa ang mga nanlalabang mga halimaw na anino.


" Shit" napangiwi si Matthew ng matamaan ng buntot ng isang Raptors at tumilapon uli paatras. Sa kabilang banda namn ay sinusubukang kontakin ni Kira ang mga kasamahan nya sa AMS (Anti-Magic Squad)


" This is Captain Jakira, all available AMS Agents of Squadron 6 report to the following coordinates:

Sector 8 Area 12 Vicinity 7 to 9 NW 90 degress. There are 10 non-espers and 19 Espers in need of Medical attention and back up. 1 unconscious. I repeat in need of Back up . Do you copy?" sunod sunod na commands ni Kira habang hawak hwak ang communicator headpiece nya.



" Roger that Captain. On the Move." biglang sagot ng isang myembro na syang ikinabuhay ng loob ni Kira. " Everyone. Create a barricade, compress. Protektahan ang mga Non espers." Utos ni Kira na agad naman sinunod ng mga kasamahan nila.


Tumayo ulit si Matthew at bahagyang yumuko upang makaiwas sa isang tumilapon na pterodactyl.

" Kailangan kong matulungan si Vane,..." Kahit sugatan ay binunot ni Matthew ang isa pa nyang Gate Key.

" Ikaw nalang pag asa ko. Open! Gate of the White Swan . Deneb!" at nagbukas ang isang malaking magic circle kasabay ang paglitaw ng isang Celestial Spirit.


Isang magandang babae ang lumitaw. Isa syang pinaghalong ibon at tao. Ang mga paa nito ay parang sa isang ibon at ang mga kamay nito ang nagsisilbing pakpak nya kung saan may maraming balahibo ng ibon ang nakapaligid dito. Maputi ito at ang mga mata ay nakapikit. Nakabalot ang katawan nito ng telang kulay ng araw at naka monghe ang get up.

" Kunin mo si Vane. Ilayo mo sya dito." utos nya dito.

" Fine! What EVZ!" maarteng sagot nito at binuka nya ang mga pakpak nya.


Mabilis itong nakarating kay Vane at kinuha ito gamit ang mala inong paa nito. Lumipad ito pataas sa langit habang iniiwasan ang mga naglalakihang dinosaurs na lumilipad.

Tadhana (When  Two Worlds Collides)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon