14. Final 6 part 1

293 13 1
                                    

Happy 1k reads to me!!!!

Kaya mas pagagandahin ko pa ang mga susunod na chaps..

Mas na inspire ako ehh :P


——————————————————————————————


Vane's POV

Unti-unti akong nakakaramdam ng lakas. Ngunit di ko parin maibuka ang mga mata ko. Feeling ko ay para akong lumulutang sa ere. Hayysss... Eto na yung sinasabi ni Lolo na epekto ng Revival, kaya pala ayaw nya akong turuan nito ngunit pinilit ko parin. Tsaka, paksheet!! XD


Nakakahiya dun kay Eriole!

Baka masapak ako nun ng wala sa oras.

Ano na kaya ang nangyari sa mga kasama ko, sina Eva at Javier , kasama na din ang iba pang mga espers sana ay ligatas sila.


By the ways anyare sakin? Hala baka nakain na ako ng mga halimaw..

WAAAHHH!!! Wag naman sana! Di pa nga ako nagkakajowa! Please Lord! Wag muna...


Makalipas ang ilang minuto ng pagsisisi at pighati.. (Drama mo!) ay unti unti ko nang naibubuka ang mga mata ko, malabo? may liwanag hanggang sa unti unti akong nakakita ng lupa, teka bakit parang lumilipad ako? Da sheet!! Anghel na ba ako??


May pumapagaspas at nilingon ko ang itaas....

WAAAAAAHHHH!!! " sINO KA?! bITAWAN MO KO!" Pinipilit kong pumiglas nang malaman kong dinadagit na pala ako ng higanteng babaeng ibon? Ano to?


" Shut Up!" lang hiya! Nagsasalita yung babaeng ibon..


" Please, di po ako masarap, alam kong mukha po akong Yummy (Yabang mo !) puno po ako nang lason sa katawan.." pagmamakaawa ko sa kanya.


" I dont eat Garbage!" sagot nung ibon.

the pak?! Ako garbage? The shit?! Umeenglish pa! Kala mo kung sino...

Aba! Kung di lang ako takot sayo baka nadali ka nang ibon ka!


" Bluuurrrggg!!!" owwww!!! Nagugutom na ako, kaya parang nawalan ako ng lakas kaya napayuko ako na parang lantang gulay. May geeshh paano na ako nito.


Di nagtagal ay may narinig akong sumigaw mula sa ibaba. " Deneb, ibaba mo na syan okay na!" Sinubukan kong tingnan kung sino yun pero shit lang mga dre! Di ko na maigalaw ang mga daliri ko kahit ang ulo ko, mga mata ko na lang ang gumagalaw,. Para akong naparalyze.


Bumaba na kami nung babaeng ibon. May humawak sa katawan ko at inaalalayan itong umupo, di ko masyadong nakikita ang mukha nung tao pero sure ako lalaki ito at kilala ko.


Si Matthew! " uHHMMM" shit kahit bibig ko di na gumagalaw.. Paano ba to?

" Vane, gising ka na pala, heto tinapay kumain ka muna." at akmang isusubo na nya sa akin ang malaking tinapay ng bigla ko itong sinunggaban.

Bigla nalang nag take over ang instinct ko at nilamon ng buo ang tinapay.


" Aray ang kamay ko.." may gaaasss!!! Nasama yung buong kamay ni Matthew sa pagkakagat ko. Iniluwa ko ito ng buong puso ngunit siniguro ko na maiiwan yung tinapay..

Tadhana (When  Two Worlds Collides)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon