15. Final Six Part 2

330 12 3
                                    

A/N: Maraming salamat sa nagbabasa at nag vovote dito. Sana ay patuloy pa rin kayong magbasa.?? Hehe.

Pasensya na kung matagal update kase busy pa sa work pero pag Rest Day ko naman ay sure akong mag uupdate ako... Heres a piece of action, comedy at romance chap.. Enjoy!!!!!

Dont forget to comment ahh???

----------------

Nagsimula na kaming mag hiwa hiwalay para sa plano. Ako bilang healer ay kasama sa assault team at back up sakaling may nanghina o sugatan. Ako, si Anya at Helen ang part ng grupong ito.

Sa strike team na siyang magiging diversion at cover namin ay sina Lea, Matthew at Nene. Nag umpisa na silang maghiwalay. Habang naghahanda si Matthew ay gagawa ng diversion si Lea sa bandang unahan para siya ang lapitan ng mga halimaw na magtatangkang pigilan si Matthew at si Nene naman ang parang Bodyguard niya.

Kami naman ay nasa rooftop ng isang 6 story hotel na 10000 meters away sa kinaroroonan nina Matthew.

Para hindi kami ma ispatan ng mga summons na lumilipad ay gumawa ng isang maliit na parang storage room sa rooftop si Anya gamit ang sizeshifting ability nya para di kami mapansin ng mga iyon..

" Handa na ang lahat, in position na ang strike team." pagcoconfirm ni Lea.

" Assault team in position and ready. Let's GO!" pagkasabi ni Anya nun ay bigla nalang nagkaroon ng pag sabog sa kinaroroonan ni Lea.

" Masyadong Excited itong si Lea. Tsk.tsk."palingo-lingo na sabi ni Helen. Osha. Be Alert.

At makalipas ang 3 segundo ay nagsimula na kaming magtalon takbo sa mga rooftop ng building. Hanggang sa may isang lumilipad na summon ang nakapansin sa amin. Agad namang nakagawa nang paraan si Helen at nagpakawala ng sonic waves at naglaho ang summon. Nang makalapit na kami ay agad na naming sinenyasan si Matthew na simulan na ang kung ano ang gagawin nya. Sana nga lang ay masira nya ang barrier sa isang tira lang nang hindi kami mabulilyaso. Naniniwala naman akong kaya niya yun astig kaya sya.. GO!!

Nagsimula nang itaas ni Matthew ng patagilid ang kaliwang kamay nya habang may hawak na isang susi ngunit di ito gaya nung dati na kulay ginto kundi para itong gawa sa krystal, mas malaki ito ng kaunti sa dating gate keys na gamit nya at tadtad ito ng mga runes na nagliliwanag.

" Light that purifies all darkness, Power that wields the sun, I summon thee, GATE OF THE WINGED HORSED. PEGASUS!" at nagliwanag ang gate key na hawak nya at may mga lumalabas na parang hibla ng asul na kapangyarigan dito. Ramdam na ramdam ang lakas ng mahika na inilalabas nya. Gumuhit sa langit ang isang napakalaking Magic Circle at nagliwanag ang kalangitan, panandaliang humiwalaay ang araw sa buwan at iniluwa nito ang isang nagliliwanag na kabayo , para itong nag aapoy na kulay puti .

Itinuro ni Matthew ang susi sa barrier at sinunod naman ito ni Pegasus at sa isang mabilisang pag ataki ay naglaho ang barrier. Shit! Lakas nya! Walang ano anoy lumapit ang kabayo kay matthew at sumakay sya.

" Anong tinitingin tingin nyo jan? lets go!!!" Nag space out ako sandali sa pagkamangha at nakabalik naman sa ulirat at inumpisahang mag takbo at talon sa mga gilid ng building pero nasa hulihan ako kina Helen dahil kahit nakaka power up ako ay hindi ako sanay sa actual battle lalo na sa pagtalon talon sa mga building habang umiiwas sa mga summons. Nakakadrain ito ng lakas pero napansin ko lang na parang lumakas ako ng kaunti kasi nagagawa ko ng patagalin ang power up ko ng ilang minuto.

"Nandito na kami ... Kayo?" -- Lea
"Malapit na" sagot naman ni Anya. "Mukhang nageenjoy ka jan ahh."
"Matagal na rin akong di nakikipaglaban ng ganito.. I just wanna feel this moment". Lea said na maoobvious mo sa boses nya ang kaligayahan.

Nang makalapit na kami sa entrance ng airport ay may humarang sa amin na mga shadow fiends at aktong aatakihin kami kaya naghiwalay muna kami sa tatlo para mas makaiwas sa mga ataki nila.

Nagsimula nang umataki ang mga halimaw kaya agad akong tumalima at nagsimulang lumaban. May konti naman akong natutunan sa martial arts dahil sa lolo ko. Mabuti nalang magagamit ko rin pala for self defense. Nakaiwas ako sa unang ataki , nag roll down habang hinahampas hampas nito ang mga galamay nya. Gumulong ako papunta dito at binagyan ito ng isang uppercut at boom! Wasak ang ulo nito..

Nilingon lingon ko ang paligid para hanapin ang dalawang kasama ko. Nakita ko si Anyang walang kahirap hirap na tinalo ang anim na halimaw na nakapaligid sa kanya.

Habang sa kabila ay si Helen na naghahagis ng mga maliliit na holen sa mga halimaw na sa oras na malapit na tumama ay pinapalaki nya na kasing laki ng bowling ball at sa oras na tumama ito ay sabog talaga ang mga bungo ng mga halimaw ( kung may bungo ang mga ito.)

"Vane, mauna kana. Susunod nalang ako. Helen samahan mo sya." Utos ni Anya na agad namang sinunod ni Helen.
"Dito tayo." Pangunguna ni Helen ng pumasok kami sa departure area at ng makalagpas na kami ay malapit na kami sa landing area ng airport ng itinulak ako ni Helen sa gilid.

"Ang lamig ng sahig." Comment ko ng maramdaman ng pwet at palad ko ang sahig.

Nagpakawala ng malakas na sonic wave si Helen ng may malalaking ice spikes na lumilipad sa ere at papunta sa kanya. Agad naman itong nabasag . Ngunit may mga ice spikes parin sa kabilang direksyon at agad namang sinuntok ito ni Helen.

"Vibration fist." Sunod sunod na pinagsusuntok ang mga ice spikes na sunod sunod paring bumabagsak . Ang iba ay naiiwasan nya at ang iba ay nabasag . PAra syang nag shshadow boxing. Gumulong sya sa kanan at walang ano anoy.
"Sonic Territory" pinalakpak nya ng dalawang beses ang palad nya at isang nakakabinging ingay ang kumalat sa paligid.

"Huli ka!"napangising saad ni Helen ng makita ang isang babaeng tumilapon malapit sa kanya.

"Pagbabayaran mo to.!" Sigaw nung babae.
"Bring it on!" Hamon naman ni helen..


-----------------

ABANGAN

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tadhana (When  Two Worlds Collides)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon