1. The Great Battle

939 27 4
                                    

Dalawang daang taon ang nakalipas...

Taong 2178

Itinatag ang Galacia City o mas kilala bilang Academy City para sa mga taong may superhuman abilities. Centro ito ng siyensya para tulungan ang mga espesyal na tao na tuklasin ang natatago nilang kapangyarihan.

Yun ay ang mga taong may psychic, telekinesis, shapeshifting, lightning railguns, superhuman strength, agility, adaptation, pyrokinesis, at marami pang iba. Tinatawag silang mga Espers.

Itinatag ito gamit ang isang state of the art anti-gravity island na kasing laki ng japan located sa gitna ng pacific ocean.

Sa kabilang nanda naman...

Sa panahun din kasing ito ay ang pagsibol ng magic users sa mundo. Wizards, mages, warlocks at necromancers.

Madalas na mag kaaway ang mga magic users at espers dahil sa magkasalungat na paniniwala nila.

Madalas ay nauuwi ito sa malaking labahan na umaabot pa ng ilang taon dahilan upang maraming buhay ang nawala.

Hanggang sa isang araw napagkasunduang gawin ang huling laban. Isang makapangyarihang wizard na lalaki na nagngangalang Daimas at isang 1st Generation Class A Level 5 Esper na babae na si Ariana ang nagtuos na ginanap sa bansang china na siyang magdedetermine sa kinabukasan.

Sa labanan

"Gamuros santavi amorista!! " nagliwanag ang kaliwang kanay ni Daimas at itunotok ito kay Ariana na kasalukuyang lumilipad palapit sa kanya.

Agad naman itong nakailag dahil sa supersense ability niya. Agad bumawi ng ataki si Ariana.

"Lightning railgun!" at nagsimulang nagkaspark ang buhok sa noo ni Ariana at lumipat ang pagkalakas-lakas na kidlat sa kanang kamay ay ibinato ito kay Daimas.

" Divina defensa amorista"

Agad namang nakagawa ng harang si Daimas ngunit nabasag agad ito at natamaan ang kabilang balikat niya.

"Sumuko ka nalang ng matapos na ito...akala mo ba madali para sakin ito." hingal na sigaw ni Arianah.

"Isuko mo yang mukha mo. " sagot naman ni Daimas habang kasalukuyang nag kacast ng spell.

"Pyros Vanado Amorista." at ibinuga niya ang apoy galing sa bibig niya na parang dragon.

Awtomatikong umandar ang intelectual ability ni Ariana at inanalyze ito.

Imbes na umilag ay gumawa nalang siya ng malakas na hangin at imbes na kontrahin ang apoy ay pina ikot niya ito at ibinalot ang apoy na unti unting humihina dahil sa kawalan ng oxygen.

"Malapit na akong maubusan ng Han. Marami rami din akong naicast na spells. Kapag nagtagal ito ay matatalo ako. Gagamitin ko muna ang emergency energy reserve magic." bulong ni Daimas sa sarili niya.

Pinaulanan siya ng kidlat ni Arianah kaya wala siyang magawa kundi ang umilag.

Mabilis siyang gumuhit ng magic circle at sinimulan ang incantation.

"Light of the sun, circling around the universe. Grant thee power of astral light. Gumiliente Inertia Veerdano Aoh amorista!.." at lumiwanag ng kulay asul ang katawan ni Daimas.

Nararamdaman niyang bumalik ang kalahati ng Han(Magic energy) niya.

Kasalukuyan namang nanghihina si Arianah. Nauubusan na din siya ng lakas. Kaya napagdesisyunan na niyang gamitin lahat ng natitira niyang lakas sa isang pag ataki.

"Gagamitin ko na ang Final Light Spectral Burst sa isang ataki. Bahala na."

"Aaahhhhhh!!!!" pag iipon ni Arianah ng lakas sa huling ataki niya. Ipinukos niya ang lahat ng light atoms at photons sa kamao niya na nagliwanag ng kay lakas.

Kasalukuyan namang nag iipon si Daimas ng lahat ng lakas na naipon niya sa restoration spell niya kanina.

" Gagamitin ko na ang Forbidden Magic: Divine Darkness. Ito na lang ang paraan." sabay guhit ng star pentagram.

"I call upon the darkest space in the universe. Wrath that unleashed by satan. Shadows that dwells upon the world...Asarath mithrion Zentous!!!" at na eecho ang boses niya kasabay ang pag dilim ng mata niya. Nagsilabasan naman ang labing anim na magic circles at nagkokonek ito ng sunod sunod sa harapan niya na parang kanyon.

Sabay namang inilibas ng dalawa ang kanya kanyang final attack dahilan upang magkaroon ng sobrang laki at sobrang lakas na pagsabog.

Natabunan ng usok ang lahat.

Umabot ng limang minuto bago mawala ang usok at bumungad ang dalawang tao na nakatayo. Si Arianah at Daimas ay sabay natumba..

Sino ang nanalo?

-------------------------------------

A/N : Oa noh?! Cliff hang muna tayo.. Flashback pa naman yan.. Hehe

Vote naman po kayo . If like ..hehe

Comment din!!! No bad words po!!!!

Tadhana (When  Two Worlds Collides)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon