9. New Roommate

244 8 1
                                    

VANE'S POV

Napatanga na ang ako sa mga nangyari... Nakatitig ako dun sa  lalaking bumuhat sa akin kanina at kasalukuyan itong lumulubog sa lupa.

Sa kabilang banda naman ay yung malaking taong toro na sinusuntok ang higanteng golem. Unti unting nabibitak ang golem sa lakas ng mga suntok nito.

Wizard ang lalaking yun! Yung babae naman ay wizard din.. Paano kaya sila nakapasok sa Academy city ng naglalaban?         Bawal yun ahhh...

 "Änong tinitingin mo jan! Alis na! Takbo!" sigaw nung gwapong mama. Sorry ka! Di ako takot sa mga magician, sa tingin ko naman mabait yung lalaki dahil gwapo...

(Ahh ganun? dahil gwapo mabait na? Landi!)

Di naman... Tinulungan kaya ako nyan kanina. Nawask ang golem sa wakas at yung babaeng may gawa nun ay ngumisi lang? Parang tanga..

"Di pa ako tapos!"Sigaw nung babaeng nakapanty na may kapa at nakared na lingerie.

"terra gigas monstrum" chant nung babae..

 Biglang lumuwa sa lupa ang napakalaking golem, na 5x pa ang laki kesa sa unang golem na pinalabas nya.

 Wooaaah!!!!! Lagot tayo jan...

"Hoy! Kuya!"sigaw ko dun sa lalaki kanina. "Alis ka jan... Mapipisat ka!" sigaw ko dun..

"Di pa rin nakakawala sa pagkakalubog sa lupa yung lalaki. Hanggang bewang na ang lubog nya.

"Kaya yan ni Taurus!"confident nyang sagot.

"Sinong Taurus? Yung Taong Toro? Naglaho na sya kanina pa.."

"Ano? Shit! Wala na akong natitirang spirits..."

 Ako nang bahala....Agad kong iniWARP yung lalaki paalis sa lupa na hanggang leeg na syang nakalibing..

Habol hininga syang napaubo at nakahandusay dun sa Kabilang damuhan. Kailangan ko nang tumulong. Oras na ganito ang pangyayari, bilang healer ay kailangan kong makialam.

POWERUP... yun ang ginawa ko ulit. Naging kulay blue ang mga mata ko.

Unti unti kong nararamdaman ang kakaibang init na hindi nakakapaso.

"Makikialam ka pa bata? "pabulyaw na sabi nung babaeng panty.

"Bawal ang pakikipaglaban dito sa academy city maliban na kung pinahihintulutan ng gobyerno. Kasama na din dun ang pagbabawal ng pagsuot ng mga malalaswang damit babaeng panty!"Sabay taas noo?

"Anong malaswa? Ako? Excuse me? Sexy dress ang tawag nito. Humanda ka sa pangiinsulto mo!"Atakehin sya!"naainis nitong tugon . Kita ang paglaki ng butas sa ilong nya...

Huh! Akala siguro nyan tantantanan ko sya! Kawawa naman yung kuya....

Dahil sa laki ng golem ay mahina ang galaw nito kaya naiiwasan ko ang mga suntok at palo nito.  Tumalon ako sa harap nito at sinuntok ang panga ng mukhang lupa at nawasak ang buong pisngi nito..

 Kitang kita naman ang gulat nung babae! Agad akong nag space warp at nawala sa ere, Lumitaw ako sa gitnang likod nung golem at sinuntok ng pagkalakas lakas. Nasira ang buong katawan nito, agad kung sinugod yung babae ng napansin kong unti unting nabubuo yung golem.

Agad hinarangan ng babae ang sarili nya ng lupa.

"scutum terra" chant nya pero nawasak parin ito kaya tumilapon sya ng pagkalaks lakas papunta sa taas hanggang sa naglaho sya sa kalangitan... Hhehe, napasobra ata? Kawawa naman yung babae...

Tadhana (When  Two Worlds Collides)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon