KATH'S POV
Nandito na kami sa dining room. At maniwala man kayo't sa hindi, kakain ulit kami. Hahaha. Si Tita kasi eh. Sobrang namiss ko sila. At feeling ko naman miss din nila ko kasi dikit ng dikit sakin tong si Mela at Magui. Clingy nila forever.
Naghanda si Tita ng Red Velvet Cupcakes. Favorite namin to ni DJ simula nung bata pa kami. Habang dikit ng dikit sakin itong dalawa. Sobrang PDA naman ni DJ at Julia.
"Kuya, Ate Ju, we're eating sweets na yet you're still sweet" pang-aasar ni Magui sakanila.
"Oo nga kuya, andami ng langgam oh!" pang-aasar din ni Carmela.
Nako parang alam ko na sunod na mangyayari dito ah.
"Ah, PDA pala ha. Lagot kayo kay Kuya!" sabi ni Deej. Sabi na eh.
"Carmela! Run!" sigaw ni Magui tapos tumili tili sila. Tumabi naman sakin si Julia tapos tawa kami ng tawa.
"Lagot kayo sakin! Tickle torture!" at binuhat naman ni Dj yung mga kapatid niya at kiniliti.
"Aaahhh-hahahahaha-ku-haha-ya-stooopaaahhh-hahahahaha" halos sabay na tili, sigaw at tawa nila. Hahaha! Ang cute nila tignan.
After nila magkulitan, parang may sinabi si DJ sakanila. Pumunta sila samin tapos parang may balak sila at nasense namin ni Julia.
"Takbooo!" sigaw namin ni Julia at hawak kamay kaming tumakbo sa garden.
"TICKLE TORTUUUURE!" sabay sabay na sabi ng magkapatid.
And at the end, nahuli kami at nahiga sa garden at tawa ng tawa.
DANIEL'S POV
After nung kulitan namin, nagkwentuhan pa kami nila Mama. Pagkatapos nun, nagpaalam na rin kami para umuwi.
Nag take-out kami sa McDo for dinner dahil pagod nanaman kaming tatlo.
Pagkauwi, kumain nalang kami tapos natulog na kami.
KATH'S POV
Pagka-gising ko, I did my morning rituals tapos nag cook ng breakfast. And then naalala ko, kailangan ko ng maghanap ng trabaho.
"Goodmorning Bes/ Goodmorning Kath!" sabay na bati sakin ni DJ at Julia. Binati ko rin naman sila.
"So movie marathon tayo ngayon? Wala namang gagawin eh." aya ni Deej.
"Uhm kasi kailangan ko ng maghanap ng trabaho, di naman kasi pwedeng umasa lang ako sainyo diba? Hehe." pagpapaalam ko sakanila.
"Sakto Bes! Di mo na kailangan maghanap, kailangan ko kasi ng assistant at nagresign na yung assistant ko." sabi ni DJ. Hala, pag sineswerte ka nga naman oh.
"Talaga! Omg thankyou Deej! Mags-start na ko bukas ha?" excited kong tanong sakanya.
"Sige sige. So, tuloy movie marathon?" tanong ni DJ at tumango kami ni Julia.
3RD PERSON'S POV
Kasalukuyang nasa sala ang tatlo at as usual nagtatalo sa papanoorin.
"Chick Flicks!" sabi ni Kath and Julia.
"Action nalang para exciting!" sabat naman ni DJ.
At sa huli, syempre nanalo ang girls. Kaya naman nagtiis si DJ na manood ng chick flicks at pinapatahan niya rin ang dalawang babaeng nasa magkabilang tabi niya.
"Chick flicks, chick flicks pa kayo iiyak din naman. Tahan na mga prinsesa." sabi ni DJ.
Kiniss niya sa forehead si Kath at sa cheeks naman si Julia. Syempre sweet, agad namang tumahan ang dalawa.
After nun nag Wii nalang sila dahil pinipilit nilang sumayaw si DJ at kung di sasayaw ay di makakapasok sa kwarto ni Julia. Kaya sumayaw si DJ at halos hindi na makahinga sa kakatawa ang dalawa. Pinagtripan nila ng pinagtripan si DJ nun ng biglang may nag-door bell.
"Ako na!" sabi ni Kath. Pagbukas ni Kath, napatili siya sa nakita niya.
"OMG GUYS! WAAAH" sigaw ni Kath.
Dahil sumigaw si Kath, agad napatakbo si DJ at Julia sa pinto.
"UY! KAMUSTA! / HI GUYS OMG!" sabi din ni DJ at Julia.
Nandun lang naman si Arisse, Pat, Chie, Alex, Inah, Dominic at Marlann.
Friends sila simula bata pa lang. Pero si Julia, nakilala lang nila nung naging mag fiance na sila.
Pinapasok nila yung barkada at walang humpayan ang tawanan at kwemtuhan. Halatang namiss nila ang isa't isa.
Hanggang nag gabi na at di man lang napansin. Dun nag overnight ang barkada at mga 2 na sila nakatulog.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys! Here's the update for today.
PS: Pasayahin niyo si author at magu-update pa siya ng isang chapter dito! Hihi.
NEXT CHAPTER NA *winks*
-frvryoungggxx