Chapter 10

230 3 2
                                    

KATH'S POV

Many weeks have passed. Nagta-trabaho na ko. Minsan nga nagh-half day ako para masamahan si Julia sa appointments niya. Pinapayagan naman ako ni DJ. At isang week nalang kasal na nila ni DJ.

DJ....

Alam niyo guys, tanga na ata ako. Nababaliw na rin ata eh. Pano ba naman, pag lalapit sakin si DJ, parang kumakalabog lahat ng body organs ko, tapos parang gusto nang makawala ng puso ko. Tapos pag magkakadikit o hahawakan niya ko, para akong nakukuryente, parang naba- blackout ako. Nawe- weirdohan na rin ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung yung nararamdaman ko masaya ba, kinakabahan, naiinlove, nagugulat.

Teka teka ano ulit yun Kath?

NAIINLOVE?!

AAAAHH. HINDI PWEDE TO KATH. HINDI KA PWEDENG MAINLOVE SA BESTFRIEND MO! IKAKASAL NA SIYA KATH.

Kung bakit ba naman kasi ngayon ko lang naisip yung salitang yon.

Hindi ko nalang iisipin to. Focus sa trabaho Kath. FOCUS!

DJ'S POV

Ilang weeks nalang, ilang weeks nalang matatali na sakin ang babaeng mahal ko. Excited na ko mga tsong! Sino ba namang hindi excited makasama ang pinakamamahal mo araw araw. Julia Francesca B. Padilla. Bagay na bagay shet! Yan lang ang naiisip ko simula kahapon.

Gusto ko na nga ifast forward next week eh, kung pwede lang talaga. Speaking of Julia, wala siya dito sa bahay kasi nag-bonding sila ng mga pinsan niya. Kaya kaming dalawa lang ni Kath dito.

Kath, oonga! Di ko pa nakikita yung babaeng yon! Tanghali na kaya. Gusto ng mangain ng tyan ko. Mapuntahan nga sa kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto niya, isang tulalang Kath ang nakita ko. Ano naman kayang iniisip ng babaeng to?

Ginawa ko yung lagi kong ginagawa pag tulog siya, pero ngayon gising siya pero parang tulog pa rin. Gets niyo ba hahahaha. Basta ayun, dinaganan ko siya. Hahahaha.

"ARAY DEEJAAAY! Umalis ka dyaaan. Ang bigat mo baboy ka, layas dyan." aba inasar pa ko ng babaeng to ha?

"Sinong baboy ha? Sinong baboy?" kiniliti ko siya ng kiniliti.

"Aaahhh! Deejaaay hahahahahahahaha-tigil naaaa-hahahaha-ayoko-hahahaha-nahahahaha" tawa siya ng tawa. Kaya tinigilan ko na siya. Pagkatigil ko pinalo palo niya ko ng unan.

"Bwisit kaaa,umagang umaga ganyan ginagawa mo haaa" sabi niya habang pinapalo palo ako.

"Aray Kath. Aray-hahahaha-sorry na-hahahaha" sabi ko sakanya. Ang cute cute talaga mainis ng bestfriend ko.

Habang pinipigilan ko siya, hawak ko yung dalawang wrists niya. Bigla kaming nagkatitigan.

Mga ilang minutes, nagsalita na siya.

"Uhm, CR lang ako."

Hala? Anong nangyari?

KATH'S POV

Pagpasok ko ng CR, napahawak ako sa dibdib ko. Grabe yung tibok niya. Kulang nalang makalabas siya ng katawan ko.

Ganto na ba kalala yung nararamdaman ko?

Ugh. Hindi to tama eh. Bestfriend mo din yung fiance ng bestfriend mo Kath! Pag bestfriend, bestfriend lang!

After ko maghilamos at titigan ang sarili ko sa salamin, lumabas na ko ng CR. Pagtingin ko sa kama andun pa rin si DJ. Eto nanaman po yung puso ko at mga paru paro sa tyan ko. Nagwawala nanaman sila.

"Bes" tawag niya sakin.

"Hmmm?" sagot ko.

"Halika dito" aya niya sakin. Bat ba ang iikli ng sinasabi namin. HAHAHA.

"Bakit?" lumapit naman ako sakanya.

"Gutom na koooo" sabi niya tapos hinila niya ko pahiga.

"Ayyy gutom!" tili ko. Ikaw ba naman hilahin pahiga bigla.

"Hmmm." niyakap niya ko ng mahigpit.

"Nakakamiss bes." sabi niya. Hayyy, chill lang Kath. Chill!

"Ang alin?" tanong ko naman.

"Yung ganto. Naka-chill lang tayo. Tapos nagkukulitan lang." sabi niya.

"Ganun talaga Deej. Kahit naman ako namimiss ko tong mga moments nating ganto. Pero walang permanente sa mundo, laging may mababago. Gusto man natin o hindi mangyayari at mangyayari." sabi ko sakanya. Lalim diba. HAHAHA.

"Pero akalain mo yun bes, ikakasal na ko! Nakaka-excite. Parang dati nagbibiruan lang tayo ngayon ikakasal na ko kay Julia" sabi niya sakin. Aw.

"Oo nga bes. Ang bilis ng panahon. Dati solo lang kita ngayon may kahati na." pabulong na sabi ko yung dulo. Hindi naman ako nagagalit kay Julia eh. Diba nga bestfriend ko siya? Naiinis lang ako sa sarili ko kasi sa dami ng lalaki dyan, sa bestfriend ko pa ako nainlove.

"Ano yon bes? Di ko narinig." sabi niya.

"Wala wala. Sabi ko gutom na ko kaya bumaba na tayo para makapagluto na ko." sabi ko sakanya. Pero bago ako makawala sa yakap niya, hinila niya muna ko tapos kiniss sa forehead.

"Goodmorning bes." baliw talaga to. Kanina pa naguusap ngayon lang bumati.

Binati ko nalang din siya. Sasabog na ata ovaries ko nung hinalikan niya ko sa noo. Dati wala lang sakin to pero ngayon meron na. Waaaaah.

Bumaba na kami tapos nagluto at kumain na kami.

Hay, this would be a long day.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Second update for today! Saya ko kasi eh. HAHAHA.

Sa babaeng laging nabibitin sa update ko TippyThumbelina eto na bebe. Hahahaha.

-frvryoungggxx

Babymaker?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon