The Great Gangstah: Book Two
[Chapter 2]
Multimedia made by Mylene Visitacion
Thank you for this. :)
-----
(2 YEARS LATER)
*ARKIN PARKINSON*
2 years.
2 years had passed since Luhan died.
We tried to move on. We focused on other things. Nakatulongnamanangpagbalingnamin sa ibang bagay para maka-move on sa pagkamatay ni Luhan.
Pero kay Brey, wala.
dalawang taon na kaming nagsu-suffer mula sa malulupit niyang suntok tuwing pinipigilan namin siyang makipag-away sa kung sino-sino nalang.
Sa pagdaan ng araw, akala namin makakatulong ang pananatili namin sa tabi niya tuwing nasasaktan siya, pero nagkamali kami.
Dahil araw-araw, nababalutan kami ng takot dahil palala na ng palala ang sitwasyon.
Lagi siyang umuuwi ng gabing gabi na at lasing na lasing. Hindi na din siya nag-aaral. Pati ang mga magulang niya, hindi na alam kung ano ang gagawin.
Dahil ibang iba na si Brey. Nagbago siya ng sobra.
Pain changed her.
Big time.
Hindi na namin siya makausap ng matino. Bihira na naming makitang magsalita siya. Lagi siyang lumalabas at umuuwi ng lasing. Ni hindi na nga namin siya nakikitang naghawak ng kutsara para manlang kumain eh.
At sa kalagitnaan ng gabi, lagi kaming nakakarinig ng sigaw, iyak at kalabog sa kanyang kwarto.
Gabi gabi siyang umiiyak na punong puno ng sakit. Gabi gabi din niyang sinisigaw ang pangalan ni Luhan.
Alam namin na sobra siyang nasasaktan, at sa loob ng dalawang taon, hindi nabawasan kahit konti ang sakit na kanyang nararamdaman.
Kilala bilang malakas at matapang na tao si Brey, pero unti unti na iyong nawawala para sa paningin namin na mga taong malapit sakanya.
Minsan tuwing nakikita nalang namin siya sa isang kalsada na nakikipag-away, napapaupo nalang kami sa isang sulok, at napapaluha....
Dahil hindi na siya yung Brey na nakilala namin. Hindi na namin siya kilala. Masakit saamin ang makita siyang nagkakaganito, pero wala kaming magawa.
Kaya heto kami, hinihintay nalang kung sakali mang may milagrong mangyari at bumalik na siya sa dati.