Dapat kagabi tong update ko guys. May mga na-message ako but unluckily may mga sudden na nangyari that's why. Hahaha! SOrry guys! Hope you all enjoy.
Miss ko na comments niyo! Hart hart.
( p.s. Try hard maging Brey si Ako. Hahahaha! Ako po nasa media ha hindi si Brey. Lol. Hahaha )
-----
*BRITTANY JULES MORALES*
"Kuya, I really don't think that this is a good idea."
Nakatingin lang ako kay Kuya Yrvin habang pinapanood siyang ayusin yung bow tie niya.
"And why?" nakaharap siya sa salamin. Ang professional tignan ng pinsan kong to.
"You know naman na hindi okay yung tingin sakin ng pamilya Morales right? Kahit na nandun pa si mommy and daddy. Aish! Bat niyo ba ako pinagkakaisahan? Ayoko ng gulo kuyaaaaaa!"
Eh kasi naman. Andito ako ngayon sa hotel kung saan nag-stay si Kuya Yrvin. Nakaayos na ako actually. Pero hindi ko feel magpunta sa party na yon dahil na sa situation.
"Okay I'm done. Now, let's go."
(-______-)
So ganon? Andami ng drinama-drama ko pero hindi manlang ako pinansin?
Psh. Sapakin ko na kaya tong lalaking to? Tsk.
Sumunod nalang ako sakanya palabas. Hindi na din ako umimik. Wala naman na akong magagawa e. Actually meron pero syempre, ayoko namang idis-respect si Kuya Yrvin.
Hindi naman ako takot sa kanila actually.
Kinakabahan lang ako kasi nga diba pamilya Morales yun na for so many many years hindi ko sila nakasama at nakita.
Namimiss ko din naman sila pero ako ba namimiss din kaya nila?
Sumakay na kami ni Kuya Yrvin sa kotse ko pero siya nagmaneho kasi siya yung may alam kung saan yung venue.
Nagtext na sakin si mommy kanina na nandun na din daw sila ni daddy. Hindi ko nireplayan.
"All you have to do is be yourself Brey."
I just looked outside the window.
Be myself?
I am myself already. And the fact na kahit ako na ito, hindi padin nila ako matanggap.
"We're here."
Napatingin ako sa harapan ko as we entered a mansion.
Kuya Yrvin said na binili nila Appa and Amma ang mansion na ito para kapag may ganitong celebrations, dito gaganapin.
And it's really huge.
Pumasok na yung kotse ko and we went straight to the garage.
Mas bumibilis yung tibok ng puso ko.
Fuck.
This is it.
No turning back now.