Chapter 26

2K 114 31
                                    

The Great Gangstah Book Two updated! ❤️‍

Si Luhan na natawa sa sinabi ni sehun. At si Sehun na napapokerface sa tawa ni Luhan.

-----



*BRITTANY JULES MORALES*





Bumalik ako sa park kung saan ko nakita si Luhan.





Bumalik ako dahil gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang mahawakan. Gusto ko siyang makasama.





Madami akong tanong. Madami akong gustong malaman.





Kaya gagawin ko ang lahat maibalik lang ang lahat ng kanyang alaala.





I don't f*cking care kahit magmukha man akong tanga. Wala na akong pakielam sa iisipin ng iba.





Si Luhan lang ang mahalaga.





Siya lang wala ng iba.





Umaasa ako na makikita ko siya ulit dito.





Kahit kasama pa niya yung sinasabi niyang anak niya. Kahit na kasama niya pa yung sinasabi niyang asawa niya.





Wala akong pakielam. Ang mahalaga, si Luhan lang at ang maibalik ang kanyang alaala.





---





Inabot ako ng tatlong oras na naghihintay. In my whole life, ngayon lang ako naghintay ng ganito katagal.





At hindi naman yun nasayang dahil nakita ko siya.





Siya lang mag-isa.





"Luhan...."





Agad akong tumayo at nilapitan siya. Nakaupo siya sa isang swing.





I really am so nervous but I tried so damn hard to compose myself. Ayokong umiyak sa harapan niya kahit na gustong gusto ko nanaman.





Ayoko kasing mainis nanaman siya sakin at iwanan ako ng hindi ko manlang naririnig na makipag-usap siya ng maayos.





Kahit na ang sakit sakit na makita siyang hindi ako kilala, kinaya ko padin.





Pagdating ko sa harapan niya agad siyang napaangat ng ulo at yun nalang ang gulat niya ng makita ako.





Hindi ko alam pero, napalitan ng inis ang kanyang mukha.





"Ikaw nanaman?"





Two words.





Dalawang salita lang yung lumabas sa bibig niya pero sobrang sakit na sa part ko.





Halo-halo na kasi yung nararamdaman ko.





Yung pakiramdam na sa salitang sinabi niya, para bang ayaw na niya akong makita.





Na para bang nagsasawa na siya sa kakulitan kong ipaalala sakanya kung sino nga ba siya.





Na para bang sobrang dali lang para sakanya ang ipagtabuyan ako.





Tumayo na siya at akmang aalis pero hindi ko na siya hinayaan pa.





Hinawakan ko siya sa braso niya. Mahigpit na hawak. At alam kong nasaktan siya don.





The Great Gangstah(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon