010 - SHATTERED HAPPINESS

84 44 7
                                    

VALORA'S POV

"Babe!" Sigaw ko sa babae na nakatalikod sakin. Graduating na ako sa High-school pero hindi ko aakalain na makakatagpo ako ng para saakin. My Annalise is enough for me.

I hugged her from the back. She asked me on a date at magkita kami sa school pagkatapos ng klase.

"Ano... Val. Pasensya ka na kung hindi ganun ka garbo ang pagd-date natin ah. Don't worry, pag nagkapera ako I'll treat you in a luxurious restaurant." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko saka kami naglakad papunta sa karinderya na bagong bukas. Pagkapasok namin, alam ko na yung iba magbibigay naman ng insulto but I don't care. Buti na lang nakakain kami ng maayos ng walang gumagambala samin. As we parted ways, I never tell her to say good-bye but instead, I whispered "I love you."

She was my comfort zone. Annalise is my everything. Siya lang din ang babae na nakapag pa-realize sakin na hindi lahat ng lumalapit sakin ay puro pera lang ang mahahakot. Our first meeting was unpredictable.

To make it short, I met my girlfriend when I was performing a solo performance on the street using my Bass. Sa gilid gilid lang ako ng kalsada pero madalas na nahahagip ng mata ko ang pigura niya. Napapansin ko din na lagi na lang siyang nasa harapan ko tuwing nagpe-perform ako.

Tumagal kami ng one year... When my graduation strikes, iyon din ang araw na na wala ang girlfriend ko. You know why? Hahahaha... Ang sakit isipin na nagpaparamdam yung kaluluwa niya sa harapan ko.

I confessed to her again saying "I love you." Akala ko ba naman kaya niya din sumagot in the same way as I did. Pero hindi ko ine-expect na katulad din siya ng ibang patay na kaluluwa na nakikita ko.

"HUSTISYA." Pagalit na saad niya. Ibang iba siya sa nakilala kong Annalise. Hindi na siya yung masayahin na akala mo walang problema at laging nagbibigay ng ligaya.

Her pale body that was covered in blood is still clear to me. Her chest was filled with scars like it's been slashed by something sharp. Yung dalawang kamay niya ay mahigpit na naka hawak sa mga pugot na ulo na hindi ko alam kung bakit niya hawak. She was laughing like a maniac while tilting her head like a music box.

Bakit kita hahanapan ng hustisya? When I feel like you lied to me pero nagpakatotoo ako sayo sa relasyon natin? Ako lang ba ang nagmahal? Kung mahal mo ako, bakit hindi mo din masabi na mahal mo din ako?

Annalise... Katulad ka ba din ng iba?

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

Pagkabukas ng dalawang mata ko, inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid but it was only a dull white color. Naramdaman ko din ang mga suero na nakakabit sa kamay ko at ang malamig na pagtama ng hangin ng aircon. Nahihilo pa din ako at sobrang bigat ng katawan ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa kuwarto ko at bumungad ang asawa kong peke.

"Valora." Saad niya sakin.

"What? Go away. I am fine." Not really, gusto ko na siyang umalis dahil ayoko na nakikita niya ako sa ganitong kalagayan. Is he going to scold me na masyado akong pabigat sa buhay niya just like the others did?

"No. Asawa kita kitty... Dito lang ako sa tabi mo." Kumuha siya ng upuan at inilagay ito sa gawi ko kung saan ako nakaharap. I tilted my head to the other side ng magsalita siya —

"Lilipat na tayo ng bahay. Mrs. Reynard told me that we should move on a smaller place like an apartment. Nasabihan niya na ako na may reservation na tayo." Seryoso niyang saad.

『 GEMINI'S FIRST SMILE 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon