MARION'S POV
Mag isa na naman ako sa bahay ngayon. It's been 3 days at di nako nagdamdam sa sinabi ni Valora nung nakaraang araw. I hope na naitama ko yung pagkakamali ko.
Umalis na din siya galing sa trabaho. Tutal, mag isa naman ako sa bahay nilabas ko na yung laptop ko saka yung mga devices na need ko para sa mission. May tumawag kasi sakin... Ate ko pala. Not actually sister in blood. Pero ate na yung turing ko sa kanya.
Nag ring yung cellphone ko at agad ko itong sinagot. "Hello! This is Marion!"
"Wag ka sumigaw na para kang nanalo sa lotto. Let's do our jobs na."
"Grabe ka naman Ate Lunaria. Bat moko minamadali?" Siya si Lunaria Blanc, five years agwat ng age namin. An assassin na lisensyado... I lost my title as a hired assassin a few years ago. Pag pumatay ako ng tao ngayon, makukulong ako.
"Kamusta married life?"
"Ito, nakakapagod. Yung asawa ko nasa trabaho habang ako mag isa sa bahay para maglinis. Ako na din yung tagaluto saka -"
"Wala bang katulong diyan? Ang laki ng bahay niyo para sa dalawang tao. Bat hindi pa kayo mag-anak?" Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa biglaang sinabi niya.
"Ate, alam mo naman na yung kasal namin ay para sa pagreresolba ng issue. Once na maayos natin yung problema aalis na ako. Pera lang din habol ko para mamuhay ng maayos... Isa pa... Hindi ako mahal ng asawa ko." Paglilinaw ko.
Our relationship inside and outside were more like a roleplay. Nasanay na din ako sa trabaho ko, mabait naman si kitty. Madalas lang may maka misunderstood ng inuugali niya.
"Anyways, notify me. Ano nang nangyari?" I asked her.
"The job is done... Napatay ko na."
"I'll do the rest." I confirmed saka nag end call. Binura ko lahat ng nasa history ng calls ko saka patuloy na itinuon yung pansin sa laptop. As I read the new article ng bagong victim na pinatay ni ate.
━━━━━❘༻༺❘━━━━━
Pag dating nang tanghali, narinig ko ang pagbukas ng pintuan namin. Sinalubong ko si Valora at nung kaibigan niya.
"Oh? May bisita? Papasukin mo. Tamang-tama at may naihain na akong tanghalian." I welcomed them as I placed a small kiss on my kitty's lips.
"Ugh, don't mind lamok." She talked to her friend habang akala niya isa akong invisible man sa harapan nila. Napangiti naman yung kaibigan niya habang pinipigilan yung ngiti.
"Kitty naman, maka lamok ka sakin. Walang lamok na marunong magluto." Naglakad kami papunta sa kusina at kinausap ko yung kaibigan niya habang naghahanda ako ng kutsara, tinidor at plato.
"Ako pala si Marion! Yung bebe ni Valora."
"Ew, bebe is so baduy."
"Grabe ka naman sa asawa mo Valora." Natatawang sabi ng kaibigan niya.
"Bakit type mo ba?" Tanong ni Valora... Nagseselos ba siya? Sana oo HAHAHAHHA!
"Well marunong siya mag luto saka naiiwan siya ng mag-isa sa bahay ninyo. Mahirap kaya makahanap ng lalaki na househusband, bibihira lang ako makakita ng ganun."
"Ugh, whatever." Sumandok na sila ng Afritada at kanin. Ganun din ginawa ko, madalas kong katabi si Valora pag kaming dalawa lang. Pero ngayon, kaharap ko siya saka yung kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
『 GEMINI'S FIRST SMILE 』COMPLETED
De Todo❝ Hanggat kaya kitang pasayahin. Iyon ang mas importante Valora. Mahal kita ng sobra. ❞ - Marion Forge. Nagkaroon ng issue tungkol sa bandang pinapasukan ni Valora Reynard. Dahil sa pangit niya'ng ugali ay balak siyang siraan ng isang tao na ayaw s...