009 - HINT

90 52 6
                                    

VALORA'S POV

"A-Ano ang nangyayari?" Tanong ko. Pagkagising ko kasi dumeretso ako sa kabilang kuwarto ngunit wala na sila Wingsleigh at YELENA doon.

Last day na namin sa Boracay. Magkakaroon kasi ng SOLO album teaser sila Wings at YELS. More like involved ako sa project dahil need din nila ng guidance sa pagco-compose ng piyesa na gagawin nila.

Tapos nako mag impake ng mga gamit ko. Ugh, ano bang ginagawa ng ibang members?

"VALORA!!" Niyakap ako ni Wingsleigh. "Magt-taxi tayo ngayon."

"What? Asan si Manong Driver?" I asked her. Di ko alam yung name ng nagd-drive samin eh. Hindi ko kasalanan kung makakalimutin ako, sadyang mahaba lang talaga yung pangalan niya.

"Pa-Patay..."

"Huh?" Kinakabahan din ako kasi ano bang sinasabi ni Wings ngayon? Na pansin ko din na hindi niya nasuklayan yung pekeng blonde hair niya. Nanginginig din siya na akala mo nakahubad papunta sa Russia.

"Namatay na si Manong Peter."

"HUH?" Gulat na saad ko.

"W-What? Bakit? Anong nangyari?!" Bigla biglaan naman. Kahapon lang buhay siya ah!

"Pati na din yung ibang kasama natin." Napahagulgol si Wingsleigh.

"Nasan si YELENA?" Tanong ko.

"Nasa kuwarto nila Manong Peter. Tatlo yung patay sa ibabaw ng kama."

Agad akong pumunta sa room nila Manong Peter. Madami ding pulis na nakapaligid. I was planning to enter but the police officer blocked my way.

"Ma'am, pasensya ka na pero—"

"I CAN TALK TO GHOST!!" Saad ko. Tinalikuran na lang ako ng pulis dahil akala niya nagbibiro ako. Nag aatempt na sana ako pumasok kaso may humila sa dalawang braso ko kaya hindi nako nakatakas sa pagkakahawak nila.

"LET ME IN!!" Sigaw ko. I tried to shove away their grip from me.

"LET ME IN SABI!! I CAN HELP I PROMISE!!" Sigaw ko. Walang tumitinag kaya ang ginawa ko, tinapakan ko yung paa ng mga pulis so they can let me go.

"Let her go." Malamig na saad ng hindi pamilyar na boses mula sa gilid namin. I look to the left as I found a girl who looks younger than me. Medyo maitsura siya at halatang may lahi. Her blue eyes matched perfectly to her blue hair.

"Miss Lunaria, ok lang ba sa inyo na papasukin si Valora?" Tanong nung pulis.

"Yeah, siya na din mismo nagsabi na baka makatulong siya sa atin." She grabbed my hand. Ang lamig din ng palad niya na akala mo naghawak ako ng yelo.

"You said you can see ghost? Is that true?"

"Yes! Although I can't hear most of their voices... Pero yung ibang words na malinaw kaya kong sabihin." Pagkatapak namin sa loob ng kuwarto bumungad ang mabahong amoy dala ng dugo ng namatay.

May nakalagay sa pader na 'HUSTISYA'.

Just like before... Yung mga ghost na nanghihingi sakin ng tulong ginagambala din ako dahil sa word na hustisya. I'm so frustrated  right now dahil sa dinami dami ng pwedeng gumawa ng trabahong ito bakit ako pa? Pwede naman nila multihin ang mga pulis o ibang tao na mas capable gumawa ng trabaho kesa saakin!

May pulis na lumapit saamin at may dala itong laptop. "Ito pala yung CCTV Footage nung madaling araw. Mayroong pumatay sa sa tatlong biktima."

『 GEMINI'S FIRST SMILE 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon