013 - SIKRETO

60 24 5
                                    

MARION'S POV

Pagkagising ko sa umaga ay pumunta na ako sa kusina upang magluto ng agahan. Nagising ang diwa ko na kanina'y parang gusto ko ulit matulog. Dali daling nadatnan ng mata ko si Valora.

As usual, she looks sexy in her night dress. To add the fire, she paired it with my apron.

Hays... Heart. Wag ka mag tsugudug tsugudug.

"KITTY KOOOO!!" Nakakatuwa. Pinagluto niya ako ng masarap na agahan! I gave a kiss on her exposed neck and smelled her scent.

"Anong masamang espiritu ang sumapi sayo? Sabi ng asawa ko nakakakita siya ng kaluluwa... Asawa ba kita? Hindi ka ba legit na nasapian? " seryosong saad ko. Dinilaan ko and gilid ng tenga niya pero napukpok nako ng sandok ni Kitty.

"Pwede ba lamok? Umayos ka. Habang patagal ako ng patagal sa bahay na ito lalo akong nangingilabot sa kalokohan mo. Are you sure na di ka nakahithit ng drugs o naitakas sa mental hospital?"

"Pag nakahithit ako ng drugs at umamin na takas mental nga ako? Ano gagawin mo sakin?" I twirled her around like were partners inside the ballroom.

Putek... Wala talaga future sa pagluluto misis ko. My Mrs. Forge cooked a burnt pancake.

"Kitty... Mahal kita... Pero baka pag kinain natin niluto mo baka parehas tayong mailibing ng maaga sa sementeryo." pag aamin ko.

Nagsalubong ang mata namin. Her brownish eyes are throwing daddgers at my directions.

"Putangina mo naman." Inis niya akong kinurot.

"AHHHH OUCH OUCH ARUY!" Gulat na saad ko. Tumakbo ako papunta sa dining room. Bali sa isang side ako tapos siya naman ay nasa kabila ng table. Paikot ikot kami na parang naglalaro ng merry go round. Binato niya yung sandok sa direksyon ko pero agad ko itong nasalo gamit ang kaliwang kamay ko.

"I MADE THOSE PANCAKES." She hissed. "You need to kain those!"

"Ngayon alam mo na nararamdaman ko. Ako nga hindi nga ako nagbabato ng kung ano ano pag inaaksaya mo mga niluluto ko." I acted. Well lahat naman ng yun ay totoo, dahil madaming pagkain na nasasayang tapos siya nagsasayang.

"Di mo ba alam kasalanan mag sayang ng pagkain? Pag namatay ka yung mga sinayang mo bibisitahin ka. Tapos lalamunin ng buhay yung kaluluwa mo." nag sign pa ako sa kanya ng 'lagot ka' habang pinanlakihan ko mata ko.

"Oh please. Di yan totoo. Iyan ay isa lamang pamahiin." kumuha na siya ng pinggan at ako naman ay kumuha na ng kutasara saka tinidor. Sayang talaga yung pagkain pag di namin kakainin HAHAHAHA!

"Huwag ka na bumili ng pagkain through online. Mag-aaral akong magluto. My butt hurts doing nothing all day long. Ikaw na bumili ng dapat bilhin lamok."

"Noted po boss kitty." I smiled. Dati dati naiinis si Valora na tinatawag ko siya na kitty, pero ngayon parang normal na sa kanya HAHAHAHA!

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

Si Valora na naghugas ng pinggan nung umalis ako sa apartment. Nakabili na ako lahat lahat kaso... Di ako bumili ng chichirya saka cokes dahil di din maganda sa katawan namin iyon.

Habang papabalik ako dala dala ang dalawang box ng grocerry. Napahinto ako sa harap ng coffee shop. May mga masasarap na tinapay saka dessert sila.

Pumasok ako sa loob at tiningnan yung paligid. In fairness mala gucci yung kagamitan. Nakakatakot naman umupo sa upuan nila... Mas mahal pa ata kesa sa buhay ko.

Charout joke lang.

"ATE! Isang box ng donut flavored cookies and cream at dalawang iced coffee." Saad ko dun sa babae. Pink buhok niya tapos nakatali into high ponytail. Around ka height ni Wingsleigh or baka medyo matangkad siya.

"A-Ay... T-teka lang po saglit." Nauutal na saad nito. Pumunta siya sa harap ng counter para kunin yung bayad ko. I suggested na take out na lang dahil may naghihintay pa saakin.

"Ku-Kuya... Ito na po yung order mo."

"Salamat po!" I greeted back. Nung kinuha ko na yung order dali-dali ako lumabas ng coffee shop on my way back to our apartment.

Pagkabalik ko sa bahay agad kong tinawag si Valora. "KITTYYYY NASA BAHAY NAKO PSPSPSPSPS."

Sinalubong niya agad ako. Bagong ligo siya samantalang ako ay babad sa pawis. I pouted and tried to kiss her but she avoided me. "Ayoko sa amoy pawis na lalaki. Maligo ka na lamok." kinuha niya lang yung box ng pasalubong ko pero hindi yung boxes ng groceries.

OK lang, mabigat. Hindi kaya ng mala walis tingting niya'ng braso.

Dumiretso ako sa kusina saka nilapag yung mga boxes. Tapos nun tinungo ko ang aking kwarto para makakuha ng bagong damit. Want ni misis ng fresh na lalaki kaya sundin na lang natin siya.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

VALORA'S POV

Pagkabuklat ko ng plastic mula sa dala dala ni Marion, nag init ang ulo ko sapagkat may nakita akong letra dun. Imbes na resibo makikita isang letra?

Simula ng kaso dun kay YELENA at yung babae na multo may hindi pamilyar na nilalang na bumubulong saakin. I decided to pray everyday ng mabawasan yung nararamdaman ko kaso lalo atang lumalala.

Nagulat na lang ako ng may matulis na bagay na dumaan sa bandang mukha ko. Tumingin ako at ito ay kutsilyo. Namatay sindi na din yung mga ilaw namin kahit yung ibang ilaw ay nakapatay na.

"KITTYYY Tanong mo nga kay Ma'am kung may problema ba sa ilaw?" Sigaw sakin ni Marion. Nasa living room ako ngayon at binabasa yung letter.

"OKAY I'LL INFORM HER LATER." I lied.

Binasa ko yung letter. Ang sabi –

DEAR SATSUJIN,

   I know na marami akong nagawang
   kasalanan sayo. Pero now that I
   found you, I'll make sure na I'll do
   anything for you. Even if I have to
   force you to love me back I
   love you. Idadaan ko sa dahas
   ngayon ang gagawin ko. Wala ako
   pake kung ano man mangyari
   sa iba. Ang mahalaga ay
   makakamit ko ang inaasam
   na buhay kasama ka.

The text of the letter is scary. WTF, Is this his stalker?!

Pinunit ko yung papel hanggang sa pira piraso na ito ng butil ng bigas. Nanginginig din kamay ko dahil intentionally ba ibinigay ni sender ang letter kay Marion?

That's wrong send... Yes, right. Nagkamali lang ng bigay ng letter yung nagbigay kay Marion.

"HIHIHI PANO YAN VALORA? MUKHANG PAREHAS KAYONG MAY TINATAGO NG ASAWA MO?" Sagot ng isang nilalang mula sa ere. I could clearly hear their voices na. Lalaki siya... Tatlo ulo saka yung buong katawan ay puno ng saksak. Labas ang bituka at walang mata.

"No... Marion cannot keep his secrets. Aamin siya. Hindi siya nagtago ng ano mang sikreto saakin."

"IKAW BAHALA, ANG NAKIKITA KO AY IBA SA IYONG NAKIKITA. MALAY MO ANG SIKRETONG YAN ANG MAGIGING PAGSUBOK NIYO SA BUHAY." Nawala siya sa ere na parang bula pero yung ulo niyang nakalutang ay nakikita ko pa din. Umalis na lamang ako sa aking puwesto at tinungo ang kusina.

I hugged him from the back. Ng maramdaman ko na may balak siya sabihin I cut him off.

"Shut up lamok. I just want to hug you."

『 GEMINI'S FIRST SMILE 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon