Chapter 33 - Friend's Wedding

15 1 0
                                    

Chapter 33

Ilang oras na lang at kasal na nila Cris at Jet. Nandito ako ngayon sa GoldRibbon kahit na madaling araw pa lang, para ayusin na ang mga cupcakes at mismong ang cake. Isasara ko na muna sana ang main door ng biglang nagulat ako sa pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng shop. Bumaba si Seph ng kotse at agad na tumakbo papunta sa akin.

“Oh, ang aga mo naman Seph!”

“Ah hehe, gusto kitang tulungan eh!” Napailing na lang ako. Hanggang ngayon kasi di pa rin siya nagbabago.

“Oh siya, halika na sa loob. Ilalagay pa natin ang mga cupcakes sa box. Medyo marami rami rin ito.” Sabi ko, tapos ay ngumiti siya.

“Nina anong itsura ni Ethan?, mas pogi ba siya sa akin?” Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako tapos ay pumunta na ng kitchen. Sumunod naman siya, pero medyo hindi ko na nagustuhan ang mga sumunod na pangyayari.

Iniharap ako ni Seph sa kanya tapos ay binigyan ako ng madiin na halik. Lumalim pa ng lumalim ito hanggang sa makaramdam ako ng panginginig sa tuhod ko. Di ko alam ang gagawin ko. Gustong gusto kong kumalas pero parang ayaw ng sistema ko. Ng bitiwan niya ako ay kinuha ko na ang pagkakataong iyon para lumayo at masampal siya ng hindi sinasadya.

“Sorry Nina. Nami-miss na kasi talaga kita eh. I want you back!. I badly need you.” Hindi na ako naka-imik dahil nag-uunahan na ang mga luha sa mga mata ko. Kinabig niya ako ulit para yakapin.

“Nina Sorry sa lahat ng pagkakamali ko. Alam kong hindi na natin kaya pang ibalik ang nakaraan. Alam kong si Ethan na ang laman niyan” Sabay turo ni Seph sa dibdib ko. “Kahit wala siya ngayon sa piling mo ay nararamdaman ko ang paghihintay mo sa kanya.” DI na ako kumibo at yumakap na lang din ako kay Seph habang umiiyak. Alam kong alam niya na nahihirapan ako. Pero alam kong magbabalik si Ethan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Finally ikinasal na sina Cris at Jet. Hay nako, ang sweet nila. Nandito kami ngayon sa reception at kasalukuyan nilang hinahati ang cake na ginawa ko. Tapos ay magto-toast na sila. Nagumpisa akong kalembangin ang wine glass gamit ang tinidor. Nagulat sa akin sina Tere, pero ngumiti lang ako at sumunod na din sila. Hudyat para angkinin na naman ni Jet ang mga labi ni Cris. Shit ang sweet nila… sarap ispreyan ng baygon. Nilalanggam eh.

“This is the most awaited event by all the single ladies.” Sabi ng Host. Ngumiti na lang ako at nanatiling nakaupo. Pinilit ako nila Tere na tumayo. Pero ayaw ko talaga kaya di nila ako mapilit. Nanuod na lang ako at ngumiti ng marahan. Naisip ko lang. Kung natuloy kaya ang kasal ko kay Seph dati sino kaya ang makakasalo ng bulaklak? Si Jam kaya? Si Tere, si She oh yung iba ko pang tropa?, Hay nako. Pag hindi ment edi hindi na talaga.

.

.

.

.

.

.

Sandali akong natahimik at marahanag pumikit. Pero laking gulat ko ng may tumama sa mukha ko, na agad namang ikinamulat ng mata ko. Nabigla ako, nasa lap ko ngayon ang boquet ni Cris.

“Tignan mo nga naman, Miss Nina of GoldRibbon got it. Sorry girls, but this is not your lucky day! Please come on stage miss Nina!” Shocks ano ba naman to. Naghiyawan ngayon ang buong crowd sa akin. Maging ang tropa ko ay walang humpay sa kapapa tunog ng wine glass. Hay wala akong nagawa kung di ang umupo sa stage at hintayin ang lalaking makakasalo ng garter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon