Chapter 14 - The Teddy Bear

82 8 0
                                    

Ethan's Point of View.

Nandito ako ngayon sa GoldRibbon, holding flowers and isang malaking Teddy Bear. I will give this to Nina.

After 1 hour.

"Miss, saan ang may ari ng GoldRibbon? Matagal pa ba siya?" Tanong ko doon sa kahera, na animoy sa kanya ibibigay ang flowers. Paano Kilig na Kilig.

Well gwapo kasi talaga ako. Gwapo na Pogi pa!!!. Sobrang hunk.

Medyo mahangin.

"Nako sir, nasa Bakery Equipments po siya ngayon. Sa may Taguig pa po!. Sa tabi ng isa pa naming branch."

Sauce MARYOSEP. 

Grabe na talaga yung babae na iyon.

May dental clinic, may GoldRibbon tapos may laundry shop. Tapos yun pala may equipment store din para sa baking.

Kaya siguro wala pang asawa yun?.

Szzzzzzzzz. Ano naman.

Lols. Kung ano ano ng naiisip ko!.

Lumabas na ako ng GoldRibbon.  Pupunta ako sa Bakery and Supplies shop niya sa Taguig. Tutal sabi naman nung kahera na tabi lang yun ng isa pang GoldRibbon branch.

Jam's Point of View.

Medyo nahihilo ako, pero pinilit ko pa ring pumasok.

Nandito ako ngayon sa Bakery and Supplies Shop ni Nina. Ako ang namamahala dito. Minsan si She. Pero wala pa siya eh. Nagpaiwan sa La Union.

Gustong masolo si Vince.

Makapag patugtog nga muna.

Tutal wala pa namang customers.

In or Out

by: Sandara Park

In or Out,

I Like in or out.

In or out

sana ay okay sayo

Pero-

Pinatay ko agad yung radyo. Putspa naman eh. Lumang luma na yan masyado.

KNOCK KNOCK KNOCK

Nako may customer na. Bahagya kong inayos ang damit ko, tapos ay binuksan na ang pinto.

"Welcome Si-"

Sh*t. Grabe kahit buntis ako, ang dami pa ring nagkakandarapa sa akin.

May flowers and teddy bear pa talaga.

"Uhm Miss. Okay ka lang?" Ay bigla pala akong nawala sa katinuan ko. Nagwala ang buhok ko...

Para kasing si Superman yung nasa harap ko eh..

Nako Ijan, hehe pasensiya... Pero mas gwapo ka pa rin talaga..

"Ah, ah ano yun?!" Tanong ko sa kanya habang kunyari ay inaayos ko yung display.

"Ahm Nandiyan ba si Nina?"

"Manliligaw ka ba niya? Nililigawan mo na ang bestfriend ko?"

"Uhm miss, hehe Teka. Ibibigay ko lang to, bilang thank you gift!" Sabi ni Superman, ay este ni Kuya, na hindi ko alam ang pangalan.

"Thank you gift na pala ang red roses at teddy bear ngayon. Pero wala pa siya. Nakikita mo naman siguro diba?!" Medyo sinungitan ko si Superman. Hihi.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Nina. Oh come on.

Exit muna ang peg ko.

Nina's Point of View

"Nandito na ako!" Nagulat ako. May isang lalaki na may dalang Red roses at Teddy bear.

Dahil sa sobrang laki ng teddy bear eh hindi ko nakita yung mukha nung lalaki.

"Jam, aga aga eh, dinadalaw ka na agad ni Ijan ah!." Tumingin ako kay Jam, na may nakakalokong ngiti. Ang sweet talaga ni Ijan sa kanya.

"Ikaw naman Ijan, aga aga eh. Hehe."

Di gumagalaw yung si Ijan. Nakatayo pa rin siya hawak hawak ang Teddy bear at Roses. Si Jam di pa rin talaga kumikibo.

Pumasok na muna ako sa loob.  Nako mag kwe kwento talaga ako kay Jam.

Ethan's Point of View

Anak ng Tiger. Sino bang Ijan yun?

Pumasok si Nina sa loob ng counter. Habang ako sinenyasan ko yung Jam na wag ng maingay.

Na gets niya naman ako agad.

Good Girl.

"Jam, may ishe share nga pala ako sa iyo!" Ayan makikinig ako. Pakiramdam ko ako ang ishe share niya.

"Oh ano yun? " Sabi naman nung Jam. Umupo muna ako saglit. Nakikinig.

"Alam mo ba na may 'KUMAG' akong nakilala. Nakakinis ugali, tapos mayabang. Tapos ay nako Basta. Siya rin nga pala yung dahilan kung bakit ako na ospital noong isang araw! " Nako sinong 'KUMAG' yan?. Ako ba yun?

"Really. Anong itsura girl?" Sabi nung Jam, na amazed na amazed.

"Ayos lang. Matangkad, Moreno, pero barunbado. Ah Basta. Nako wag na nga nating Pag usapan. Naiirita kasi ako sa kanya."

Kitang kita ko sa mukha ni Nina yung pagkainis. Sobra sobra nga talaga yung inis niya sa akin.

"Yun ba yung kinekwento mong anak ng may-ari ng The Caterers? " Sabi nung Jam. Aba at nakwento na pala ako ni Nina.

Patay na! Wala na ang reputasyon ko.

"Oo siya nga. Si Kumag. Yun nga yun!" Biglang napatingin sa direksyon ko si Nina.

Lumapit siya

"Ijan, bakit na hindi ka kumikibo?" Bigla niyang kinuha yung Teddy Bear, at ayun nagulat.

"Ku-Ethan?. Hala!" Bigla siyang lumayo sa akin. Nagulat nga siya diba.

Tapos nakarinig na lang ako ng tawa. Tumatawa yung Jam.

"Jam,  lukrita ka! Bakit hindi mo sinabi na nandito si Ethan."

Nanginginig siya na nakatingin sa akin. Ay hindi,  nag iiwas ng tingin.

"Hindi ko naman siya kilala eh!"

"Bakit ka nagpapapasok ng hindi mo kilala?.Mamaya holdupper na pala!"

Ay nako, di naman ako papayag na sabihan ako na holdupper.

"Excuse me ha. Hindi ako holdupper!"  Sabi ko sabay tingin ng masama.

"So, ako pala ang Kumag."

Lumapit ako sa kanya. Palapit ng palapit hanggang sa ma corner ko siya sa isang sulok.

"Please, sorry na sorry na Ku- ay Ethan. Please." Nakapikit na siya sa akin.

"I will accept your apology kung papatawarin mo rin lahat ng ginawa

kong masama sa iyo!"

"eh. Pero that's unfa-".

"Szzzzz."

"Eth-"

"Szzzzz."

"Ayaw ko."

"Sige, hindi na lang din kita papakawalan."

"Ethan naman eh." Para siyang batang nagmamakaawa.

"Sige, papakawalan kita." Umaliwalas ang mukha niya. "Pero, in one condition" Sumimangot ulit siya. Nakakulong pa rin siya sa mga braso ko. Hindi ko siya niyayakap pero Basta cornered ko na siya.

"Anong condition?"

"Let's Have a date."

"Fine, Just Leave me!"

"Yesssssss!"

I got her. Makakapag sorry na ako ng maayos at makakapag thank you.

*****Chapter 14 na po!!!.

Kilig scenes na kaya next chapter?

Abangan!!!!*****

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon