Chapter 23 - The Surprise Arrest

78 8 5
                                    

Nina's Point of View

Eto ako ngayon at nakatayo. Hindi man lang ako pinosasan ng pulis, tapos ay hinayaan akong maglakad sa may rampa.

Nakakita pa ako ng isang police at pinalapit ako sa kanya.

"Halika, sumama ka sa akin. "

"Sir, saan niyo ho ba talaga ako dadalhin!"

"Wag ng maraming tanong. Eto poposasan na kita."

Iyak ako ng iyak, pero wala akong magagawa.

"Kuya. Pwede ko po bang tawagan ang kaibigan ko?"

"Bawal!"

"Pero sir, labag po yan sa batas!"

"Wala akong pakielam sa batas batas mo!"

Ayan naka posas na ako. Tapos ay nilagyan din ako ng blind fold.

Ngayon lang ak nakakita ng hinuli na may blind fold pa!. Nako bibitayin kaya ako?

"Sir, ay - a a ah ayoko po!" Umiiyak na talaga ako. Pero naramdaman kong may hagdan akong inaakyat. Maliit lang siguro, kaya inalalayan ako ng police.

"Wag ka ng malikot! Baka mahulog ka!" Sabi sa akin ng pulis, tapos ay pinaupo niya ako.

Hindi ko alam, Basta pinaupo ako. Pero naka blindfold pa rin ako.

"Wag mong tatanggalin yan, hanggat di sinasabi! "

Tumango lang ako.

Umiiyak ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pero halos humagulgol na ako...

Maingay sa paligid ko.

Basta na lang akong nakatulog. Hindi ko na namamalayan kung saan na ako dinala ng eroplano.

Basta isa lang ang inuusal ko.

'Lord, kung saan man po dalhin ng pulis, kayo na po ang bahala sa akin!. Wala po akong masang ginagawa sa mga pagkain ko. At di ko po intensiyon na magka ipis ang mga inihahain ko. Kayo na po ang bahala sa mga kaibigan ko, lalong Lalo na kay Ethan'.

.

.

.

.

Pagkatapos noon ay nakatulog na ako, dahil sa sobrang Pag iyak ko.

After 5 Hours.

"Welcome to Beijing Airport "

Nagulat ako, kaya ako napabalikwas ng bangon.

Beijing daw sabi ng flight stewardess. Nako lagot. Naiwan ko pa man din ang cellphone ko sa GoldRibbon.

Agad ko ng tinanggal ang blindfold ko. Tutal ay wala na naman ang pulis na nagsabing, wag ko munang tanggalin, hanggat walang nagsasabi.

Nagulat ako ng biglang magsalit ang stewardess sa mic.

"Miss Marienina Hill, please don't remove your blindfold "

Luminga ako sa paligid ko, pero wala namang tao.

Nako lagot. May mga hidden camera siguro.

Na Set-up lang yata ako, para malugi ang GoldRibbon. Malamang ang may ari ng RedDillocks ang may gawa nito. Halos lahat kasi ng cake sales at napunta sa GoldRibbon, this past months.

Pero no. Alam kong kaya ko ito. Walang sinuman ang kayang magpabagsak sa akin.

Pero malamang eh, nag aalala na sa akin si Ethan at ang mga kaibigan ko.

After 1 hour

"Miss, sumama ka sa akin." Sabi ng lalaki na animoy nag uutos. Malang siya ang pulis na humuli sa akin.

"Teka muna ho. Saan niyo po ba ako talaga dadalhin?"

"Wag ka ng maingay! Halika na!".

Naglakad ako ng naglakad, tapos ay isinakay nita ako sa loob ng kotse.

"Yuko!"

"Bakit po?"

"Baka ka mauntog."

After ilang hours ay nakarating na siguro kami, sa lugar kung saan ako ikukulong.

Pinaupo niya ako, tapos ay nagpaalam siya.

"Diyan ka na!"

"Wag niyo po akong iwanan!" Sabi ko, pero humahagulgol na ako. Iyak na ako ng iyak. Sobrang lungkot ko.

Giniginaw na ako dahil sa sobrang lamig,  tapos ay gutom na gutom na ako, dahil hindi pa ako kumakain.

Iyak ako ng iyak.  Pakiramdam ko eh dito na ako mamatay sa malamig na lugar na ito.

Ilang sandali lang ay biglang may yumakap sa akin. Tapos ay pinahid ang mga luha ko. Tapos ay unti unti na ring nawala ang blindfold ko.

Nakita ko si Ethan na nakaluhod sa harap ko.

"Ethan!" Agad naman akong yumakap sa kanya.

"Nina, will you be my girlfriend? " Nagulat ako ng magtanong si Ethan sa akin.

"Yes, Ethan." Tapos ay yumakap na ako sa kanya, tapos ay napahagulgol.

"Nina, wala ng bawian yan ah!"  Sabi ni Ethan na umiiyak na din.

"Oo wala na."

"YES!!!! YES!!!!. Girlfriend ko na si Nina!" Nagsisigaw si Ethan, habang nakatingin sa amin ang mga tao sa paligid.

Teka, parang nakita ko na tong lugar na ito ah!.

Saan nga ba ito.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya, dahil inusisa ko pa ang lugar kung Nasaan ako.

SHOCKS.

Nasa Great Wall of China ako. Medyo madilim dilim na, pero okay lang. Naalala ko nga pala ang mga pangyayari kaninang umaga!.

Malamang lamang na itong Kumag na ito ang may pakana ng lahat ng mga pangyayari.

"Teka nga pala Ethan. May kasalanan ka sa akin." Tapos ay nag cross arms ako at tumingin ng masama sa kanya.

Tapos ay ngumiti lang siya na parang walang nangyari.

"Uhm eh. Uhm Hihi!" Tapos ay bigla na lang siyang yumakap sa akin. "I LOVE YOU, NINA!!!"

Bumitaw ako sa yakap niya.

"Hephephep. Di mo ko madadaan sa pa ayla I love you mo!". Tapos ay medyo lumayo ako sa kanya. Naglakad lakad ako.

Ang ganda pala sa Great Wall of China. Hehe. Nasabi ko dati kay Jam na pangarap kong pumunta dito. Hehe Ayan natupad na!.

Lumayo ako ng lumayo kay Ethan, tapos ay biglang nagliwanag ang buong paligid.

Napaka ganda ng mga ilaw at sobrang liwanag ng paligid.

Pero pagkatapos ng ilang minutia ay namatay ito at biglang may nagliliparan na maraming maraming sky lanterns.

"Nagustuhan mo ba?"

Tanong sa akin ni Ethan, na biglang yumakap sa likod ko.

"Oo nagustuhan ko. Pero hindi pa tayo bati ah!"

"K. Fine. Szzzzzz."

"Ayan na naman ang mga Szzzz mo. Kakainis ah!"

"o sige hindi na po mam." Tapos ay isinakay niya ako sa likuran niya at tumakbo takbo siya sa kahabaan ng Great Wall of China.

"I Love You, Ethan!" Tapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.

★★★★. Medyo mahaba to ah!!!

Hehe, Sana po nagugustuhan niyo ang story ko. Thank you sa mga nag vo vote.

Sana napapasaya ko kayo sa storya kong ito. Hehe.

*★*★*

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon