Chapter 12 - The Celebration

79 7 0
                                    

Ethan's Point of View.

"Mom si Nina po?"

"Ah Ayaw niya nga muna kumain eh, ayun nagmamadali na umalis " Pagkasabi noon ni mommy ay tumakbo na ako sa labas.

Masyado akong naging masama kay Nina, kasalanan ko rin naman kung bakit siya naospital. Kung binigay ko lang sana yung wallet niya, Edi hindi sana siya napagod. Kung sana eh naging gentleman ako, Edi sana hindi kami parang mortal na magkaaway. Hay nako. Drama ko ngayon. Pero kailangan ko rin na pasalamatan siya. Ang laki laki ng utang na loob ko sa kanya.

Nakita ko si Nina, na sinu susian na ang kotse niya.

Hinawakan ko siya sa braso niya.

"Nina, kumain ka muna sa loob."

Tapos ay nakayuko lang siya.

"Nako Ethan, wag na nagmamadali kasi talaga ako. Next time na lang siguro. "

"Sige na please."

"Wag na talaga."

"Please Nina ikaw naman yung dahilan kung bakit may handaan dito ngayon. Saka gusto ko na rin palang humingi ng sorry sa iyo. Sorry kung masyado akong naging hard sa iyo. At thank you kasi kahit masama ako sa iyo, ang bait bait mo pa rin sa akin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay niyakap ko siya.

"Thank You!" sabi ko habang yakap ko pa rin siya. "Dahil sa iyo, kaya natupad ko yung mga pangarap ko."

Bumitiw siya sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Ikaw ang may dahilan kung bakit ka nasa kinatatayuan mo ngayon at hindi ako. Naging instrumenting lang ako. Pero kung para sa iyo, eh para sa iyo talaga." Sabi niya sabay bukas ulit ng kotse niya.

"Please Nina, can you just spare your time here. Please eat lang. Then go after." Lumhod ako sa harap niya pagkatapos. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ethan, tumayo ka nga diyan. Sabihin pa ng ibang tao na salbahe ako."

"Kumain ka muna!''

"Oo na nga sige na. " Tumayo na ko, tapos ay sabay na kaming pumasok sa loob ng opisina.

"Ladies first " Pinagbuksan ko siya ng pinto, tapos at pinauna na siyang pumasok.

Sinalubong kami ulit kami ni mi.

"Oh, iha nagbago na ba desisiyon mo?"

"Nako masyado ho kasing mapilit si Ethan."

Pagkatapos noon ay kumain na sila ni Mi, tapos ay sumunod na rin ako sa table nila. I even tell mom about what Nina did. At ayun tuwang tuwa. Nga pala sinabi ko na rin kay mom na nagkakilala kami sa GoldRibbon.  Pero hindi maayos ang una naming pagkikita.

"Nina, I am Ethan nga pala. Ethan Mendiola" Inabot ko yung kamay ko, then nakipag shake hands siya. Pero tumingin muna siya sa mom ko bago nakipag shake hands.

"Nina, name ko. " Inalis niya rin agad yung kamay niya.

" Nako Tita Sophia, Ethan hindi na rin ako magtatagal, kailangan ko na talagang umalis."

"Sige iha. Tutal nakakain ka na rin naman. Ingat ka ah." Tumingin si mom sa akin. "Ethan, hatid mo siya sa labas!"

"Opo mommy."

"Wag na po. Kaya ko naman po." Ayaw niyang ihatid ko siya. Naiilang siguro siya sa akin, dahil sa mga pinag gagawa ko sa kanya.

"Sige na. Please." Sabi ko sa kanya.  Tumango na lang siya. Ngayon pangako kong hindi ko na siya sasaktan. Dahil sa kanya kaya ako na promote sa trabaho. At magiging mabait na ako sa kanya.

***12th Chapter na. Sa Mga umabot pa dito. Maraming maraming thank you, kasi pinagtsatsagaan mong basahin ang The Business Affection. Sana ay nagugustuhan mo. Comment ka ah. Tapos Pag may time ka VOTE mo na rin.

Mag ingay kayo ah!!!.

Salamat...

Lovelots.

YellowGreeNette

Dine dedicate ko to ulit sa mga friends ko at

kay

.

.

.

.

.

.

.

.

Tototooootot.::::. Lols. ****

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon