Chapter 6 - Birthday

92 7 0
                                    

Ethan's Point of View.

Nagising ako na may bimpo sa noo ko.

Teka huh????. Ano ako bata? Noong bata ako may bimpo ako Lagi sa noo Pag may Sakit ako.

Effective daw. Szzzzz. Waste of time

Basta ayokong ayoko ng may bimpo sa noo. Naiinis ako.

Kinuha ko ang bimpo sa noo ko, tapos ibinalibag ito.

Medyo masakit ang ulo ko, pero tumayo pa rin ako.

Hinahanap ko ang tsinelas ko pero.

"Ahhhh Ouch!". May sumigaw.

"IKAW NA NAMAN? "

Anong ginagawa ng babaeng to dito?

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Kas-"

"Umalis ka na nga. Bwisit. Kung pinapunta ka ng mommy ko dito, bakit kailangan eh dito ka pa matulog. Oh baka naman may plano kang masama sa akin?"

"A ano kasi-". Di na siya nakasagot ng hinawakan ko siya sa braso niya. Pakiramdam ko ba ay hinang hina siya. Pero wala akong pakielam.

"Ah aaray." Nabitawan ko siya ng makita ko na kulay itim na halos ang braso niya. Nakita kong naluluha na siya. Nakayuko lang siya, pero naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya.

Binitawan ko siya, tapos ay lumabas siya ng kwarto. Susundan ko sana siya ng narinig ko naman na kinausap siya si Elle paglabas.

"Ate Nina, di ka pala umuwi kahapon? "

"A ah. O o"  Base sa pagsasalita niya ay nanginginig siya.

"Okay na ba si kuya?. Grabe yung tama niya kahapon. Buti na lang inihatid mo. Salamat ate ah. Kung wala ka siguro, malamang napahamak yang si kuya. "

Nakita ko lang na tumango si Nina, tapos ay akmang aalis na.

"Te Teka ate, bakit ganyan yung braso mo?. Nabugbog ka ba?"

Hinawakan pa ni Elle ang braso niya at inuusisa.

"Ah ah a a a a"

"Ay sorry ate."

"A a ano kasi, anemic ako, kaya mabilis akong magkapasa."

"Ah,  Teka okay ka lang ba ate?. Gusto mo ba dalhin na kita sa hospital?"

"Oo naman, okay lang ako. Di ko na kailangang pumunta sa ospital. Sige ha. Uuwi na ako. Pagod na pagod na rin ako kahapon, kaya diyan na ako nakatulog. Pasensiya na ah."

"Okay lang ate." Nakita kong inihatid siya ni Elle sa gate, hanggang sa kotse niya.

Pagbalik ni Elle ay sinamaan niya ako ng tingin tapos ay inapakan ang paa ko.

"Kuya ang sama sama mo.!!!. Kahit na sinaktan mo siya sa may clinic kahapon, nagawa pa rin niyang ihatid ka dito, dahil Lasing na Lasing ka. Binuhat ka niya papasok ng kwarto mo. Tapos papaiyakin mo lang!. Alam mo bang Anemic siya ah?. Alam mo ba yon?."

"DON'T SHOUT AT ME. Wag mo akong pagsasabihan ng ganyan. Wala akong pake.". Umalis na ako tapos ni lock ko ang pinto.

Malamang na si Nina ang naglagay ng bimpo sa noo ko.

Nakita ko sa kama ko ang wallet ni Nina. Malamang naiwan niya iyon kanina. Binuksan ko ito, tapos nakita ko ang isang id...

Marienina Yvette Hill

28 years old

October 24, 1985

Unit 216, SMDC Blue Residences, Makati Manila.

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon