Chapter 2 - Money Matters

127 9 1
                                    

Ethan's Point of View.

SH*T such a waste of time. Hay my goodness. Hinding hindi na ako babalik sa bakeshoppe na ito.

Paalis na ako sa nakakainis na GoldRibbon na to. Makapag drive thru na nga lang sa McJollibee, kasi gutom at uhaw na talaga ako.

"Miss, isa ngang coke float at yum with tlc."

"Yun lang po sir?"

"Add extra large fries too."

"Sir, 97 pesos po lahat."

"ah wait"

"take your time sir"

Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ko. SH*T, naiwan ko ang wallet ko, bakit wala dito. Tinignan ko yung gilid ng pinto ng car ko to check kung may pera pa ako... Nako naman talaga. sakto nga may 25cents pa tapos puro coins.

"Miss eto bayad ko." sabay abot sa kanya nung sangkaterbang coins na napulot ko sa side ng pinto ng car.

"Sir, thank you for giving me the exact amount. Buti na lang po coins ang binayad niyo. Hehe"

Nag bitter smile na lang ako. Fine Thanks to me, dahil nagbayad ako ng coins. Whatever, waste of time... SZZZZZ.....

"Sir Please proceed to window no. 2"

At ayun nag drive na nga ako papunta dun sa next window, to get my orders. Nagugutom na talaga ako. Pero nasan kaya ang wallet ko? Di kaya naiwan ko yun doon sa GoldRibbon?

Pag-ka uwi ko ng condo ko, nakita ko yung mga damit ko sa may laundry basket. Hay, di ko na naasikaso to simula ng ng magka flight ako ng sunod sunod sa Europe.

Bukas ko na nga lang ipa laundry, dun sa Shop sa baba.

Saka ayoko ng istorbohin ang labandera ni mommy.

KINABUKASAN 

Nina's Point of View

Papunta na ako ngayon sa Laundry Shop. Ipapa laundry ko yung damit ko. Hehe. Ako rin naman gagawa nun eh. Sana Nandun si Tere, para mabigyan ko siya ng favorite niyang Ube Macapuno cake.

Nasa sasakyan na ako ng bigla kong maalala yung wallet nung Ethan slash kumag na yun. Ng binuklat ko yun kahapon, nagulat ako kasi Puro 1,000 ang laman. Tapos, identification card niya sa Phil-Cebu Pacific. Ang kumag na tokwa na yun, Isa pa lang piloto. Kaya naman pala masydong LIKE A BOSS!!!.

Ayun kinuha ko yun, tapos ay umalis na.

Sa Laundry Shop.

"Welcome Ma'am" bati sa akin ni Tere. Naka shades kasi ako tapos may hat pa ako. So siguro di niya ako nakilals. Nakapag panggap nga na customer.

"Oh good morning. Mag papa laundry ako.".

"Ah okay po mam. Saan po yung lalabhan?"

"Here" sabay abot ko sa kanya nung laundry basket."

Kinilo niya muna yung mga damit. Tapos ay bumalik na sa counter para kuhanin ang form.

"Mam pa fill up na lang po. Tapos 380 pesos po lahat."

"Okay".

Ayun natapos na ang autograph signing. Bago ako umalis inabot ko muna sa kanya yung box ng cake tapos ay binuksan ko na yung pinto.

"Teka mam. Ano po ito?". Kitang  kita ang pagtataka sa mukha ni Tere.

Inalis ko na yung hat at shades ko tapos humarap sa kanya.

"Ninaaaaaaaaaaa". Dali daling lumabas siya ng counter at pumunta agad sa akin.

"Bruha ka. Nag disguise ka pa talaga. Pero salamat sa cake ah. Nga pala may good news ako sa iyo?".

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon