Chapter 27 - I Will Never Leave You

84 9 5
                                    

Nina's Point of View

Umalis na muna kanila ni Ethan sa bahay nila. Kailangan kong mag update sa shop. Sinamahan muna ako ni Ethan sa Dental Clinic. 

Pagdating namin doon. Sinalubong agad ako ni Tere, na naka bukol na ang tiyan. Malamang ko eh mga 5-6 na buwan na ang tiyan nito.

"Oh Tere, bakit ka nandito sa clinic?"

"Ah kasi sinamahan ko si Rolly, ngayon kasi naka schedule ang check up niya.!"

"Ah, hehe. Sana sinabi mo, para naipag gawa kita ng favorite mong cake."

"Nako, okay lang yun. Saka Ayaw ko ring mag cake ngayon. Di ko alam kung bakit, pero nasusuka na ako sa amoy noon. Ay siya nga pala Nina, Ninang ka ng anak namin ah!"

"Nako, oo naman. Hehe, tagal tagal pa niyan lalabas eh. Excited ka naman masyado."

Nagtawanan lang kami pagkatapos. Tapos napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa mga kamay ni Ethan.

"Ano yan?" Sabay turo niya sa kamay namin.

"Eto? " Tapos ay tinaas ko pa ang magka holding hands naming kamay.

"Oo yan nga! Ano yan?"

"Tere, I want you to meet my BOYFRIEND, Ethan. Ethan, This is Tere my Bestfriend."

"Pero, oo kilala ko na siya. Ikaw Nina ah"

Nakatingin siya ng nakakaloko sa amin si Tere.

"Nako Tere, tigil tigilan mo ako ah!."

"Yeeeeeeeeh. Si Nina may love life na. Nako Ethan, ingatan mo ang puso ng bestfriend namin. Pag hindi. Sasabunin ko ng sabon sa laundry shop ang mukha mo. Subukan mo lang saktan yan, at Tiyak na bubusugin kita ng fabric conditioner." Napatawa naman kaming dalawa ni Ethan sa mga sinasabi ni Tere. Hehe ang CUTE EH.

"Oi oi, Teresa. Ano na naman yang ginagawa mo?. Nang aaway ka na naman." Nagulat kami ng lumabas si Rolly sa may pinto. Indikasyon, na tapos na siya sa check up niya.

"Nako, Rolly,  HIndi niya kami inaaway, nag eexplain lang!" Sabi ko kay Rolly, tapos ay sabay tingin kay Tere.

"Nako pare. Pag pasensiyahan mo na lang tong si Tere ko ah! Ganyan lang talaga yan. Matapang sa ibang tao, pero duwag na duwag sa akin.  Hihihihi!"

Sinamaan ni Tere ng tingin si Rolly.

"Ah. Ganun.  Mamaya sa labas ka ng bahay matulog. Walang matutulog sa tabi namin ni Baby."

Tapos ay lumayo na si Tere, tapos ay hinabol naman siya ni Rolly.

"Nako, Halika na nga kay Darlene Kukunin ko pa ang report."

"Halika na!"

Pumunta na ako kay Darlene,  para kunin ang monthly report ng clinic.

Ayun dito. Malakas ngayong buwan ang clinic, maraming walk in patients at maraming ortho cases.

Yes.

.

.

.

.

.

Blurp

Blurp

" Nina ikaw ba yun?" Tanong sakin ni Ethan na parang may pagtataka sa mukha.

"Hihi." Tapos ay hinawakan ko ang tiyan ko. Nagugutom na kasi ako. Hehe.

"Ayan kasi!  Di ka gaanong kumain kanina, kaya Ayan. Nagwawala na ang tiyan mo." Sabi niya sa akin, sabay hawak sa tiyan ko.

"Ano ka ba Ethan?. Nakakahiya ka kaya!"

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon