Chapter 9 - The Argument

84 7 0
                                    

Nina's Point of View.

Paggising ko, nakakita ako ng puting kisame. Teka diba skyblue ang kisame ko?. Anong nangyari?.

Iginala ko ang mata ko. May nakita akong dextrose na nakadikit sa balat ko. Tapos ay may lalaking nakahiga sa sofa.

Teka, Bakit nandito tong kumag na to.

Naiihi ako. Patayo na ako ng bigla akong natumba.

Nakahandusay ako ngayon sa sahig.

"AH ARAY!!!"

Narinig kong tumayo ang kumag tapos ay lumapit sa akin.

"Szzzz. Kasi naman. Bakit ka ba tumayo? " Inalalayan niya akong makatayo, tapos ay iniupo niya ako sa kama.

"Na - a - iihi kasi ako." Nakahawak ako sa braso ko. Ang Sakit ng pagkakabagsak ko.  Tapos umakyat pa yung dugo ko.

"Halika na. Sasamahan kita." Hawak hawak ng kumag na ito ang dextrose ko. Tapos ay medyo isinara niya ang pinto, para bigyan ako ng privacy.  Iihi kaya ako.

Ng tapos na akong umihi ay inalalayan niya akong makahiga ulit sa kama ko.

"Salamat ah!" Sabi ko sabay hawak sa braso niya. Kahit naman bad siya, dinala pa rin niya ako sa hospital. Okay na ako doon.

"Szzzzzzz." Ahas ba to?. Puro na lang kasi Szzzzzz.

May inabot siya sa kamay ko. Nagulat ako. Wallet ko. Yehey.

"Ayan na wallet mo. Dahil diyan nakarma ako. Szzzzzz!" Sabay smirk niya.

"Bakit naman?"

"Wag mo ng alamin." Sungit niya.

Binuksan ko ang wallet ko. Tapos ay lumabas siya ng pinto.  Di man lang nag paalam. Basta naka larga eh.

BLURP BLURP.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa nga pala ako kumakain.

Tinignan ko ang side table pero walang pagkain. Cellphone ko lang at saka flower vase na walang flower.

Kinuha ko yung cellphone ko. Dami kong miss call.

Text Message::: From Jam

(Nina, pasensiya ka na kung di ka namin agad mapuntahan. Pero uuwi na rin kami agad. Buti tumawag yang anak ng may ari ng The Caterers. Nalaman namin na sinugod ka sa ospital. Pagaling ka ah. Uuwian ka namin ng onion. Hehe. <3.)

Nako nalintikan na. Uuwian daw ako ng onion. Tsk tsk.

Naupo na lang muna ako sa higaan. Ng makita ko ang balat ko. Nagulat ako. Shemay.

Ang dami dami kong pasa.

Huhubels. Ang dami ko na namang gamot na kailangang inumin. Vitamins din nga pala. Hayaan na nga. Basta maging okay ako.

MAKALIPAS ANG 30 Minutes

"Kumain ka ba nga!" Inabutan ako ng kumag ng styro. Hmmm ano kaya to?

"Thank you ah!" Then I smiled at him. Sa totoo lang okay naman siya eh. Ang babaw lang talaga ng dahilan kung bakit kami magka- away.

Ay hayaan na nga. Kakain na muna ako.

Pagbukas ko ng styro, nagulat ako...

"WOW, Gulay. !!!" Para akong bata na na amaze. Hehe umuusok pa kasi ang ginataang sitaw at kalabasa na dala niya.

"Szzzz. Kainin mo na nga yan!" Sabay upo niya sa sofa at humawak sa ulo niya. Pakiramdam ko may problema ang kumag. Parang ang lalim kasi ng iniisip.

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon