Chapter 1 - Meet up

181 8 0
                                    

Nina's Point of View

"Nina, good news, nag propose na sa akin si Jet kahapon at magpapakasal na kami next year."

Finally ikakasal na rin si Cris after 7 years sa boyfriend niyamg si Jet. Ang dami dami na nilang pinagdaanan, kaya naman it's worth the wait. Sabi nga nila. "Sa hinaba haba man daw ng prusisiyon sa simbahan din daw ang tuloy. Ay ewan basta yun na yun. Kahit medyo bitter ako. Hehe Wala na iyon sa akin. It's been years, ikaw nga nila. Nag hilom na ang mga dapat maghilom at wala na akong kailangan pang hintayin. Kundi ang araw na may magmahal ulit sa akin.

"Congrats Cris" tumawa ako at saglit na tinapik siya sa balikat. "Sa wakas after 10 years ng panliligaw at panunuyo sayo niyang si Jet eh, papakasalan mo na rin."

College pa lang kami  ng magkakilala sina Cris at Jet. Na love at first sight daw si Jet. Pero si Cris sobrang laki ng galit at inis kay Jet. Napaka kulit daw kasi. Palagian siyang dinadalhan ng mga chocolates at flowers sa room namin. Ang sweet nga ni Jet eh. Imagine nangunguntsaba pa yan ng professor, para lang makapan ligaw.

"wow Nina, hiyang hiya naman ako sayo ah. Ikaw nga tong walang boyfriend diyan eh. Ano ba balak mo sa buhay mo", sabay patong niya ng mga kamay niya sa balikat ko, at nakipag eye to eye pa sa akin. "Look Nina, 28 years old na kaya tayo. And hindi naman makakaila na were not getting any younger. Tingnan mo sila Jam, Tere at She, super saya na ng lovelife. At shempre ako na rin pala." Fine siya na. Meron naman na kasi dapat eh. Tapos bigla na lang nag Fly Away, ni hindi ko rin nga alam ang easing eh. STOP THIS!!! Nakakalungkot lang kasi eh.

"Over Qualified ka na kaya girl. Ang ganda ganda mo na ang yaman yaman mo pa. Sa dami ng naipundar mo, hindi imposibleng hindi mo kayang bumuhay ng pamilya. Tapos ilan pa ang business mo. Tapos isa pang problema sa iyo, yung mga nanliligaw sayo lahat bina - busted mo. Teka baka naman hinihintay mo lang si--." pinigilan kong magsalita pa si Cris. Ayoko ng balikan pa iyon.

"No it's not him. Ayaw ko lang munang lumagay sa tahimik, gusto ko pang mag explore ng maraming bagay. Bagay na tiyak na hindi ko na magagawa pag may asawa na ako. Gusto ko pa mag ipon ng mag ipon ng mag ipon. Ang L O V E kusa yan na dumarating, di yan dapat na inuunahan!!." Hindi na ako nagpapaligaw, dahil masyadong masakit ang pag-iwan sa akin. Ayoko na...........

"Oo na po, ziplips!."

Hay buhay parang life. Diba!!!. Teka dada ako ng dada dito, di niyo pa naman pala ako kilala. Ako si Nina. Marienina for long, Nina for short. Mas trip ng friends ko na Nina na lang daw kasi sobrang haba daw ng name ko. I am 28 years old. And graduated Cum Laude sa course kong Business Administration sa Far Eastern, University of the East . Meron akong 3 laundry shop and katulong ko sa pag mamanage nito si Tere. Yung Bakery and Supplies equipment ko naman sa Taguig si Jam ang may hawak at yung mga bakeries ko si She, mahilig kasi kaming kumain ng mga pastries kaya naman, napag desisyunan namin na magtayo ng bakeshoppe, GoldRibbon ang pangalan nito. Sa awa ng Diyos ay meron na rin kaming sampung branch sa Manila at 15 branches sa Province. Meron din akong mina manage na isang Dental Clinic. Nag hire na lang ako ng mga dentists, bale 60-40 kami sa kitaan. Nung high school pa lang ako, Dentistry na talaga ang gusto kong course, pero ayaw ni mama, matagal daw kasi. Tapos isa pang dahilan eh dahil mahal ang tuition. Kaya naman akong pag aralin nila mama, pero gusto nila after 4 years ay may trabaho na ako agad. So I decided to pursue, something related sa business dahil hilig ko rin naman talaga yun. Bata pa lang ako super business minded na talaga ako. Tapos yung kinikita ko nilalagay ko sa bangko, para naman lalo pang dumami ang pera ko. About my LOVE & PERSONAL LIFE... Uhm Basta. You will know. Pero as of this moment, wala pa!. Kasi naranasan ko ng naiwan noon, kaya takot ako ngayon. Kaya parang wala pa rin sa vocabulary ko ang Love ngayon.

Nga pala nandito kami ngayon ni Cris sa Dental Clinic na mina - manage ko. Ngyaon kasi ako mag a-update ng progress ng clinic. Once a week ko to chine - check, dahil di lang din naman ito ang business ko. Kinausap ako ni Cris na magkita daw kami ngayon, at mukhang excited talaga etong bruhildang to. HEHE :p

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon