Chapter 25 - The Tour

54 8 0
                                    

Nina's Point Of View.

After namin sa Great Wall of China. Eh pumunta naman kami ni Ethan sa isang eskinita dito sa may Shanghai, China

Di Basta Basta eskinita ang pinuntahan namin, dahil sobrang daming pagkain ang makikita mo dito.

May Siopao, Siomai, Chicken Feet. Tapos iba't-ibang klase ng noodles. Tapos marami ring nagbebenta ng mga kung ano anong cute na gamit.

Isa sa pumukaw ng atensiyon ko ay ang malaking siopao na kasing laki yata ng isang bilao.

"Ethan, gusto ko yun!"

"Alin, mahal?." Tapos ay tinuro ko yung Siopao na kasing laki ng bilao.

"Ah, sige Bibili tayo." Tapos ay lumapit siya sa nagtitinda at akmang Bibili.

"Pero Teka!. Mauubos ba natin iyan? Ang laki niyan masyado. At sobrang mahal siguro niyan." Sabi ko tapos ay siya namang tanong niya sa nagtitinda. Ang kulit nita talaga.

"Wo Xiao, Bang Di Lay Fen?"

***Gawa gawa ko lang na lenggwahe yan. Hehe. May alam akong konting Mandarin, pero di ko Ganun, ka-kabisado. Panay:

Xie Xie - Thank You

Bu Ke Xi - You're Welcome

Wo Jiao? - What's your name

Yi - 1

Er-2

San - 3

Si - 4

Fei Lu Pin Ren - Philippines

Hehe, Puro ganoon lang ang alam ko. May iba pa, kaya lang nakalimutan ko na!.

****

Shocks.  Marunong mag Mandarin si Ethan. Galing niya ah!!!

"Wo Xia, Fang Li Pu, Xia Ren, Wai Fu"

Kinalabit ko bigla si Ethan, para itanong kung ano ang sinabi ng matanda.

"Sabi niya, 30 Yuan daw." Ano kayang katumbas noon?

"Magkano yun sa Pesos?"

"Per Yuan kasi is 7-8 pesos. So Bali 30 x 7. Bali 210." Nagulat ako. Ganon kalaking siopao, 210 lang.

Mura talaga ang bilihin sa China.

Di namin mauubos ang ganon kalaking siopao, kaya maliit lang ang pinabili ko. Yung pinakamaliit dito, kasing laki ng pinggan.

Tapos ay umorder din si Ethan ng Siomai at Mami.

Tapos ay umupo na kami sa lamesang Malapit doon.

Habang naghihintay ng order, ay di ko mapigilan ang mapangiti. Masyado akong natutuwa.

"Nina, masaya ako dahil tayo ng dalawa. Gusto kong humingi ng tawad sa lah- " Di na siya nakapag - salita dahil tinakpan ko ng kamay ko ang mga labi nita.

" Please Ethan. Stop saying sorry. Tapos na yun. And ang mahalaga ngayon, eh yung kung ano ang meron tayo. Yung masaya ay chill lang!" Pagkatapos kong sabihin noon ay hinawakan ko ang mga kamay niya, tapos ay tiningnan siya sa mga mata.

"I love you Nina."

"I love you too." Tapos ay dumating na bigla ang mga orders namin.

Tapos ay nag ngitian na lang kami.

Kumain na kami ng mga orders namin.

Habang kumakain, nagulat ako ng subuan niya ako ng siomai na nasa tinidor niya.

"Thank you!" Sabi ko, tapos ay sumubo na ako ulit.

"Bakit ako, di mo sinusubuan?"

"Ih, nahihiya ako eh."

Lumapit siya sa akin, at hinawakan ang mga kamay ko.

"Nina. Di ka na dapat mahiya sa akin. " Then He kissed me on my forehead.

" Thank you!" Tapos ay nag yakap kaming dalawa.

Grabe, di ko ine expect na mangyayari lahat ng nangyari kanina. Ni sa hinagap o kahit sa panaginip.

Pero iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa tao. Napapasaya niya ito, kahit sobrang lungkot pa nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

After 5 days...

After ng China exploration naming dalawa ni Ethan, napag desisyunan namin na umuwi na ng Pilipinas. Unang una, marami akong dapat na asikasuhin at kailangan kong magsabi kay tita Sophia.

Kailangan alam niya. Hehe.

Tapos ang mga kaibigan ko pa pala.

Baka mag-tatalon silang lahat.

Pero bago ko makalimutan....

Ay hindi, ayoko na palang alalahanin ang nakaraan. Isa lang itong masamang alaala, na hindi dapat pang inaalala. Nakaka stress lang.

Dapat laging good vibes and always positive. Tsaka hindi na dapat pang balikan ang mga nakaraan na.

Basta masaya akong nandito si Ethan sa tabi ko.

.

.

.

.

NAIA, PASAY CITY...

"Hay, salamat. Nakarating na rin tayo sa wakas. Grabe Ethan." Tapos ay niyakap niya ako. Pinagtitinginab na kami ng mga tao, pero wala akong pake. Mahal ko to eh.

"I Love You Nina."

"I Love You Too." Tapos ay magka Holding hands kaming lumabas ng airport at sabay na sumakay ng kotse niya. Nasa loob lang din ito ng NAIA, dahil isa siya sa mga Head Captain. Ibig sabihin, VIP Siya dito. Siya lang at hindi ako.

Nasa kotse na kami, tapos ay nagtanong siya sa akin.

"Saan mo gustong kumain Hon."

Nabigla ako sa tawag niya ah. HON, ibig sabihin HONEY! .

"Ay hehe. Kahit saan. Medyo napapagod pa ako eh! "

Sabi ko sa kanya dahil totoong pagod ako. Grabe kaya ang byahe.

★★★★★

Dito muna po, mga Friends!

Sobrang pagod si Author. Nagbantay kasi ako sa ospital. Pero worth lahat ng pagod, dahil nakaka recover na ang binabantayan ko from stroke. He is my uncle at sooner or later, ilalabas na rin siya ng ospital.  Let's pray for him ha!

Mwah!!!

Love,

YellowGreeNette..

★★★★★

The Business Affection (On-Going-Under Contruction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon