Ilang araw na akong ginugulo ng sulat na nakita ko. Hindi ako sigurado kung tama din ang nasa isip ko. Gusto kong makausap si Bel ng kami lang pero nitong mga nakaraan ay palagi syang pinapatawag ni Mathilda.
Noong una, may kaba ako na baka sinusumbong nya na medyo nagkakalapit na kami ni Riyu. Pero nung minsan magkaroon ako ng pagkakataon na makausap sya, tinanong ko na kaagad sya kung may sinasabi ba sya kay Mathilda tungkol sa pagpunta palagi ni Riyu dito. Sinabi ko sa kanya na hindi nya kailangan maglihim. Hindi ako magagalit kung isumbong nya man ako kay Mathilda dahil iyon ang tama.
Hindi din nagkulang si Mathilda na pagsabihan at pagbawalan ako pero heto pa din at kinakaibigan ko si Riyu.
Nang araw din na iyon, nilinaw ni Bel na walang tanong si Mathilda tungkol kay Riyu. Ang madalas na tanong ni Mathilda ay kung kumusta ako at kung maayos at malakas na ba ang pangangatawan ko. Noon din ay kinuwento ko kay Bel ang naging panaginip ko kaya ganon na lang ako kung magtanong sa kanya.
Oo alam ko, kaaway ang tingin ni Mathilda kay Riyu. Hindi man nya sabihin ng diretso, alam at ramdam ko yun sa mga pagbabawal nya pa lang sa akin. Saka kaaway naman talaga sya dahil pinagbantaan nya ang buhay ko.
Kung kay Riyu naman, may pakiramdam ako na mas pipiliin nyang magsinungaling sakin kesa magsabi ng totoo. Hay! Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari!
"Binibini!" napalingon ako sa humahangos na si Bel.
Huminga muna sya ng malalim bago uli nagsalita.
"Maghanda daw po kayo dahil bukas din ng madaling araw ay magsisimula na ang pagsusulit nyo sabi ng punong babaylan."
Napatango nalang ako kay Bel. Hindi ako kinakabahan sa pagsusulit na yon. Mas iniisip ko kung sino iyong si Atalia na nagbigay ng sulat.
"Ayos lang po ba kayo binibini? Ilang araw na po kayong mukhang balisa."
Naupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko naman si Bel. Umiling ako.
"Wala ito Bel. May iniisip ako pero hayaan mo pag hindi ka na busy, mag uusap tayo."
Kumunot ng bahagya ang noo ni Bel. "Bisi?"
Natampal ko ang noo ko. Nakalimutan ko na naman!
"Busy, ibig sabihin ay wala ng masyadong ginagawa at inaasikaso."
Tumango tango naman sya.
"Hayaan mo binibini, kapag hindi na ako 'bisi' ay ako mismo ang kakausap sa iyo."
----
Maaga pa ako bumangon. Ni hindi nga yata ako natulog. Ewan ko ba. Kahit si Riyu na nagiging makulit na ulit ay nagiging tahimik bigla dahil hindi ko sya iniimikan.
Masyadong madami ang tumatakbo sa isip ko.
Lumabas ako ng kubo. Pinagmasdan ko ang anino ko. Saglit akong natawa, hindi pala akin anino, kay Anastasia. Sa tagal ko dito, natututo na akong mabuhay bilang si Anastasia at hindi si Angela.
"Binibini ko."
Naupo kaming dalawa sa upuang kahoy at mula dito ay matatanaw ang ilog. Ito ang upuang kahoy na ginawa nya.
"Bakit ka nandito?"
"Sabihin na lang natin binibini ko na hindi ako makatulog."
"Natutulog ka pala?" biro ko.
"Oo naman!"
Nilingon ko si Riyu. "Osige, bakit naman hindi ka makatulog?"
Nilingon nya din ako. Nakita ko ang paggalaw ng adam's apple nya bago sya nagsalita.
BINABASA MO ANG
CONNECTED
RandomDahil sa hindi sinasadyang aksidente ni Angela, nagising sya sa lugar na hindi nya alam at hindi nya tukoy kung anong taon o panahon. Nang makilala nya ang Dyosang si Haliya ay saka nya nalaman na kinakailangan ni Anastasia ang tulong nya, ang babae...