Chapter 23

9 4 0
                                    


"DOC!"




Nakapako lang ang mga mata ko sa kisame habang rinig na rinig ang tarantang yabag ng nurse na lumabas at nagtatawag ng doctor.

Tahimik lang sa loob ng hospital room ko sa loob ng limang minuto bago dumating ang doctor at mga nurse. Sa loob ng limang minutong iyon ay hindi ko mapigilan ang luha na nag-uunahan sa pag-agos.

Habang chinicheck ako ng doctor ay walang patid ang pagluha ko. Hindi naman ako humahagulhol. Umaagos lang ng umaagos ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung saan galing yung sakit na nararamdaman ng puso ko. Hindi yung sakit na may problema ang puso kundi emotional pain na nagmumula sa puso ko.

Wala akong matandaan na dahilan kung bakit ako ganito.

"Stable na sya. We can remove anything maliban sa IV. Tawagan din ang parents ni Ms. Ignacio. Tell them she's awake." pagkatapos ay rinig kong umalis na ang doctor.

"She's lucky 'no? Almost 1 and a half month syang walang malay but she's okay. Wala sya sa vegetable state." lumapit sakin ang nurse at ngumiti.

"Tanggalin na po natin yung oxygen nyo. Get well soon Ms. Angela. I'm sure your mom and dad will be very happy dahil gising ka na." pagkatapos nila ay nagpaalam sila at may aasikasuhin pa daw na pasyente next door.

Tumango naman ako.

8am ang oras na nakita ko sa wall clock ng room. Around 10 ay bumalik ang nurse na may dalang phone. Si mama daw. Gusto daw akong makausap dahil hindi makapaniwala na gising na ako.

She was about to leave her afternoon class just to see me pero sabi ko tapusin nya na lang kasi for sure marami na syang absent sa trabaho nya dahil sakin.

Nung una ayaw ni mama pumayag pero napilit ko naman sya na 5pm na lang sya pumunta. Sobrang excited na sya makita ako. Sinabi ko din na isama nya si Angelou at umoo naman ng umoo si mama.

After ni mama, si papa naman ang sunod kong nakausap via phone call. Pahapon na daw sya makakalabas ng work dahil puro meeting daw sila tapos may malaking client pa sya na nagbigay ng tulong ng malaman na nasa hospital ako kaya hindi ni papa mapabayaan ang pinapagawa nitong system ng website sa kanya. Minake sure ko naman na ayos lang kahit hapon na sya makapunta.

To be honest, nalulungkot ako kasi wala sila mama dito ng magising ako pero naiintindihan ko din naman. Hindi naman kasi pwedeng matigil ang mundo nila dahil lang sa nahospital ako. Kailangan pa din nila magtrabaho para sa panggastos sa bahay lalong lalo na dito sa hospital.

Nung unang limang oras, nakahiga lang ako pero kalaunan naman ay kinaya ko ng maupo. Ang init kasi sa likod ng nakahiga ng matagal lalo na at foam ang higaan.

Saktong 12, lunch break, pumasok yung nurse na kausap ko kanina sa room ko. Sinabi nya na nasanay na daw kasi syang sa room ko kumakain kapag lunch break nya dahil kinausap sya personally ni mama na kung pwede ay tingnan tingnan ako in her behalf.

Ayos lang din para may kausap ako. Ang dami nyang naikwento sakin, mga panahong wala akong malay. February 14 daw ako isinugod sa hospital. 5am daw non at end duty na sya dahil 3pm daw sya pumasok noon pero naextend ang duty nya dahil daw hindi pumasok yung dapat kapalit nya.

February 15 saturday, maaga daw sa hospital si mama. Noon declared na ng doctor na comatose ako. Dumaan daw sya sa ICU noon at nakita nya sa labas yung mama ko na umiiyak. Akala nya daw patay na ako yun pala stressed si mama at hindi makapili kung uunahin ba ang trabaho dahil wala syang kapalit sa pagbabantay sakin.

"That time ata based sa sinabi ni mama mo, madaming event ang school nyo. As a faculty, madaming nakaassign sa kanya. Kung sya daw ang tatanungin, gusto nya dito sya sayo. Pero kapag tumigil ang isa sa parents mo magwork, walang magtutustos sa gastos mo dito sa hospital."

Yun nga ang problema kapag average lang ang status nyo. May pera naman pero hindi pwedeng hindi madagdagan kasi kung magagastos ang pera nila mama at papa dito sa hospital, posibleng kulangin ang budget para sa bills at iba pa. Kaya nga pareho silang nagtatrabaho.

Sa pagbabantay naman sakin sa hospital, only child kasi si mama, si papa naman nasa probinsya ang mga kapatid at pinsan ko kaya wala silang masusuyo. Syempre nga naman, imbes na ibigay pang pamasahe pa paluwas dito sa manila, idadagdag na lang nila pambawas sa bill dito sa hospital.

"Nung humingi ng tulong si mama mo if okay lang daw na tingnan tingnan kita magbibigay na lang sya ng pera sakin. Nung una medyo hesitant ako kasi yung bunso kong kapatid nagcoma din. Ako ang bantay nya. Unfortunately..." ngumiti sya sakin ng maliit at umiling.

"I'm sorry..." sabi ko.

"No, it's okay." sabi nya sa masiglang tono na ulit.

"Syempre may alaala pa ako noon kaya hindi ko agad matanggap yung alok ni mama mo. Medyo nadala magbantay ng coma na pasyente. Hehehe."

Quarter to 12 na sya umalis sa room ko. Humingi pa sya ng pasensya dahil sa dami nyang naikwento tungkol noong wala akong malay. Goods naman yon sakin kasi kahit papaano nakalimutan ko yung pakiramdam na masakit sa puso ko.

Around 3pm bumalik yung nurse na kausap ko para daw icheck ako. Okay naman lahat, kahit blood pressure ko normal naman. Tinanong ko sa kanya kung pwede ako gumamit ng phone. Sabi nya kung may tatawagan ako, okay lang pero kung gagamitin ko for leisure, hindi daw muna. Matagal daw kasing nakapikit ang mata ko at bago pa lang nag-aadjust sa surroundings. Baka daw makasama sa mga ugat ng mata ko kapag tumitig agad ako sa phone.

Almost 2 hours pa ako naghintay and finally! Dumating na sila mama. Magkakasama sila. Si mama, si papa at si Angelou.

"Kambaaaaaaaal!"

Namiss ko yun! Nakangiti kong inangat ang mga kamay at braso ko para salubungin ang yakap nya. Nakangiti at halos maiyak iyak naman si Mama na makita ako.

"Nak..." si papa at niyakap ako pagkatapos ni Angelou. Ganon din si Mama.

Pagkatapos ng yakapan namin, si mama parang may nakalimutan. Dali dali syang bumalik sa may pinto at binuksan yon.

"I'm sorry! I forgot about you. Come in! Come in!"

Napalingon ako sa gilid ko dahil sa pagbunggo ni Angelou sa braso ko na parang kinikilig.

"Nak, may bisita ka pala. Si Riku Asahi."

Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko ng magtama ang tingin namin. Tumigil ang pagtibok non. May pamilyar na pakiramdam akong naramdaman ng makita ko sya ulit.

Hindi dahil sa una naming pagkikita na naging dahilan ng aksidente ko. At hindi ko din mahulaan kung bakit may ganon akong pakiramdam.

Pamilyar sya. At parang matagal ko na ring kilala.

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon