Chapter 29

10 4 0
                                    

That night, sa bahay nila Riku kami natulog. Doon na din nalaman nila Angelou na half japanese si Riku at fluent ito magtagalog. Miski ako nagulat ng magsalita na din ng tagalog ang tatay nya. Hindi kasi aakalin na pure japanese ito sa sobrang galing magtagalog. Ni hindi mariringgan ng slang na salita. Bawat punto at salita ay tagalog na tagalog.

3rd day namin ay saktong day-off ng papa ni Riku kaya niyaya kami nito sa Yokohama. Dapat daw ay makita din namin ang magagandang tourist spots sa dati nilang tinirahan.

Tinawagan ni Riku si Hiroto na samahan kami sa Yokohama pero bago iyon ay nagpatulong muna itong kunin ang mga gamit namin sa hotel. Inoffer na din kasi ng papa ni Riku na sa kanila na lang muna kami magstay. Bukod sa makakatipid kami sa gastos ay magkakaroon pa daw ng kasama si Riku sa condo unit nila.

10am na kami nakarating sa lumang bahay nila sa Yokohama. May bago ng nakatira doon. Sumilip lang ang papa ni Riku saglit. Agad itong napaluha ng matanawan ang buong bahay.

Tinapik ni Riku ang balikat ng kanyang ama. Tumango naman ito at nagpunas ng luha at pagkatapos ay humingi pa samin ng pasensya pero yakap ang ginanti sa kanya ng dalawang kaibigan ko. Nahihiya naman akong makiyakap kaya hinawakan ko na lang sa braso ang matanda at nginitian ito.

Una naming pinuntahan ang Shin Yokohama Ramen Museum. Syempre busog na ang mga mata ni Angelou at Zia, busog pa ang mismong tyan nila. Akala ko nung marinig ko ang pangalan ng lugar ay mga picture ng iba't ibang ramen ang madadatnan namin. Hindi lang pala picture dahil totoong ramen ang nandoon. Main attraction sa Shin Yokohama Ramen Museum ay ang mga pagkain dito. Museum + food court + Yokohama = Heaven sabi nga ni Angelou kanina.

Pagkatapos mabusog sa Ramen Museum ay sunod naming pinuntahan ang Yokohama Chinatown. Ito daw ang paboritong puntahan ng mama ni Riku noong buhay pa ito. Sa tuwing mamamasyal daw ito dito ay palaging bukambibig na nito ang Binondo Manila. Madaming chinese owned stores ang makikita dito. May mga temples din. Wala ngang ibang pinupuntahan si Angelou kundi ang mga stores kung saan may pagkain. Hila-hila niyo si Hiroto na kanina pa nagrereklamong busog na.

Si Zia naman wala ibang alam kundi ang kuhaan kami ng litrato ni Riku sa kung saan may magandang spot para magpicture. Palitan pa nga sila ni Riku sa pagkuha ng picture. Meron dyang dalawa kami ni Riku o di kaya ay dalawa kami ni Zia. Meron din syang solo picture na ako naman ang kumukuha. Wala kasi yung personal photographer nya. Hindi na sya nito nireplyan simula pa kagabi.

Kasunod na pinuntahan namin ang Elephant Nose Park o Zounohana Park. Parang mga bata sila Angelou at Zia ng makita ang mga cute na elephants doon. Wala sawa sa pagpapapicture ang dalawa. For sure, nagpapaligsahan na naman ang mga ito sa padamihan ng likes sa social media accounts nila.

"Papicture ka?"

Umiling naman ako. "Ikaw? Gusto mo ba?"

Ngumiti si Riku at mahinang tumango.

"Sige. Phone mo na lang gamitin natin." binigay nya naman agad ang cellphone nya.

Natawa pa nga ako sa pattern na tinuro nya sakin kasi yung pattern nya kahit siguro 1 year old na bata ay mahuhulaan yon. Isang line lang doon sa gitna ang pattern noon.

"Pwesto ka na doon." turo ko sa isang cute na elephant statue pero hinila nya din ako at tinawag si Hiroto.

Asar na asar itong lumapit samin kasunod ang nakasimangot ding si Angelou at Zia.

"私たちの写真を撮ってください (take a picture of us)" animo'y boss na utos nito.

Walang katakot takot na hinagis ang cellphone nya na nasalo naman ng isang kamay lang ni Hiroto.

"うざい! (Annoying!)" sigaw nito kay Riku pero kinunan pa din kami ng picture.

Kung paano sa kanya hinagis ni Riku ang cellphone ay ganon din nito ibinalik sa may-ari. Nakatingin na lang ako sa kamay ni Riku na sumalo sa cellphone nya.

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon