Chapter 24

6 4 0
                                    

Kaming dalawa lang ang naiwan dito sa hospital room ko. Lumabas saglit sila mama para bumili ng makakain at talagang sumama pa si Angelou para daw makapag-usap kami ng maayos.

Awkward.

Walang nagsasalita samin. Nakatanaw ako sa may bintana habang sya naman ay nakayuko at nakaupo sa tabi ko.

Ayaw ko syang tingnan. May malungkot na gumuguhit sa puso ko sa tuwing mapapatingin ako sa mukha nya. Hindi naman iyon dahil sa pagkakaaksidente ko.

"Uhm..."

Napalingon ako sa kanya at agad ding napaiwas.

"I... I just want to say sorry about what happened that day."

Tumango lang ako at hindi pa din sya tiningnan. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko mahanap ang dahilan. Ang alam ko lang, ayaw ko syang tingnan dahil baka hindi pa magtagal ang tingin ko sa kanya ay humagulhol na naman ako gaya nung mga unang oras na magising ako.

Nagsorry pa sya ulit bago sya nagpaalam na aalis na. Nakagat ko pa ang ibabang bahagi ng labi ko para pigilan ang pagtulo ng aking luha.

5mins siguro na nakaalis sya sa room ko ay dumating naman sila mama.

"Nakasalubong namin si Riku, 'nak. Nakapag-usap ba kayo ng maayos?" tanong ni mama habang inaayos ang mga pagkain sa side table.

"Opo ma."

"You know 'nak, nung siguro 1 week ka nang hindi pumapasok sa school, he approached me. Tinanong nya talaga ako kung bakit wala ka. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na anak kita. Siguro pinagtanong tanong nya. Nung nalaman nya na nasa hospital ka, tuwing hapon binibisita ka nya. Lalo na nung nasa ICU ka pa."

Nakita ko si Angelou na nakanguso at tatango-tango din sa mga sinasabi ni mama.

"He was really really sorry anak. Inoffer nya pa nga na sagutin na lang yung bills mo dito sa hospital dahil may kasalanan din sya sa nangyari sayo. Pero syempre, hindi kami pumayag. Kasi alam naman din namin na hindi nya sinasadya yon."

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Sobrang sorry pala sya tapos kanina parang pinaramdam ko pa na dapat maguilty sya sa ginawa nya.

Sana pala tiniis ko na lang at hindi ko sya iniwasan. Pero kasi... iyung pakiramdam na iiyak ako kapag kaharap ko sya. Iyon. Iyon ang hindi ko mapigilan. Baka bigla syang magtaka at magtanong nakakahiya naman na hindi ko masagot iyon at masabi kung bakit.

"Anak..." hagod ni mama ang likod ko habang ako, hindi pa rin mapigilan ang umiyak.

"S-sorry po ma. Na-natakot lang po ako. Akala ko po kasi... Akala ko po kasi hindi ko na kayo ulit makikita." pagdadahilan ko na lang.

Niyakap ako ni mama ng mahigpit at saka paulit ulit na sinabing hindi mangyayari ang bagay na iyon.



---



Almost 2 weeks pa akong nagpahinga sa bahay. Dahil wala akong kasama sa maghapon, in-enroll ako ni mama sa mga subject teachers ko para sa special class. Sa loob ng 2 linggo, halos nabawi ko naman ang kalahati sa mga lessons na namiss ko noong nahospital ako.

Bored na bored ako tuwing matatapos ang klase ko. 5:30pm pa kasi sila mama nakakauwi. Magkasabay sila ni papa dahil dinadaanan sya ni papa pauwi.

Si Angelou naman, sumasaglit din dito sa bahay. 1 hour siguro ang tinatagal nya tapos umuuwi na din dahil sa dami ng inaasikaso nya daw na final projects.

Oo nga pala. 3 weeks na lang mag-eend na ang school year namin. Scheduled na first week of June ang recognition at graduation naming mga magccollege na. Gustong gusto ko na makabalik sa school. Araw araw kong kinukulit si mama na kausapin ang principal na payagan ako bumalik sa school kahit na 2 weeks na lang or 1 week, wala akong pakealam. Basta gusto kong pumunta sa school.

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon