Chapter 25

8 4 0
                                    

Mabuti na lang last lesson na yung kahapon namin. Projects na lang ang pinapapasa hanggang end ng May para sa lahat na nag subjects yon.

May mga group projects at meron din namang individual lang pero ang advice samin ng mga subject teachers namin ay maggroup project na lang kami dahil may mga kaklase kaming baka hindi kayanin ang individual dahil may mga hinahabol din silang kailangang ipasa. Isa na ako doon.

"Kambal tara na sa canteen! Jutoms na ako." nakangusong sabi ni Angelou at ipinagpag ang skirt nya dahil sa mga kumapit na glitters.

Wala naman sa sarili na tumayo ako. Kinakabahan kasi ako sa malaking portrait ng dyosang ginagawa namin. Nahati ang group namin sa dalawa. Anim kami sa grupo kaya tig-tatlo kami para sa dalawang portrait. Ang kabila ay ginagawa ang portrait ni Artemis, ang greek goddess of hunters. Sa amin naman napunta ang filipino goddess na si Haliya.

"Ikaw Diana? Sabay ka na samin? Nanjan naman sila Johnny para bantayan yung portrait natin."

"Ah may baon ako Angelou. Dito na lang ako sa room kakain." nakangiting sagot naman nito.

"Sige. Wait mo kami ni kambal. Saka natin ituloy yan. Lalunch lang kami ha?"

Tumango tango naman ito at saka nagbabye sa amin.

Hawak hawak ni Angelou ang braso ko habang papunta kami sa canteen ng makasalubong namin sila Zia. Katulad ng dati ay malamig ang mga tingin nito na may kasamang pang-uuyam.

Pamilyar... Pamilyar ang mga tingin na iyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko at gusto ko na namang umiyak. Para bang may parte sa akin na kilala ang mga tingin na iyon. Saan ko nga ba iyon nakita?

"Kambal!" malakas na yugyog ni Angelou ang nagpabalik sakin sa reyalidad.

"Okay ka lang ba? May trauma ka na ba kay Zia? Natatakot ka na ba sa kanya? Kambal bakit ka umiiyak? Ha? Huy!" sunod sunod na tanong nya.

Napahawak ako sa pisngi ko. Oo nga. Umiiyak ako. Umiiyak na naman ako ng hindi ko alam. Umiling ako.

"H-hindi Angelou... Ano... Siguro nabigla lang din ako." pagsisinungaling ko.

"Sure ka?"

Ngumiti na lang ako sa kanya at tumuloy na kami sa canteen.



---



Napaiwas kami ni Diana ng iunat ni Angelou ang mga braso nya.

"Finally! Tapos naaaaa!" sabi nya at pinagpagan ang illustration board upang maalis ang mga glitters sa gilid nito.

Nagsimulang gumilid ang mga luha ko. Alam kong magaling magdrawing si Diana. Magaling sa color combination si Angelou at tumulong lang ako sa paglalagay ng glitters bilang kulay nito.

Pero ang natapos namin... Ang mukha ng dyosang ito. Ang mga mata nya, ang labi, kahit ang kulay ng buhok. Ang maamo nitong mukha. Kilala ko. Alam kong kilala ko at nakita ko na ito pero saan? At paano ko ito makikita e nasa present na kami. Noong unang panahon pa sila nakipaghalubilo sa mga tao at matagal ng hindi sila nakikita ng mga gaya ko pero bakit? Bakit alam at kilala ng puso ko kung sino sya?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako palabas ng room namin. Wala akong pakealam kung sino man ang mabangga ko basta ang mahalaga ay makahanap ako ng lugar kung saan walang makakakita ng mga luha ko.

Simula ng magising ako ay naging iyakin na ako kahit sa maliliit na bagay.

Parang may sariling utak nga ang mga paa ko dahil dire-diretso ito hanggang sa rooftop. Pasalampak akong naupo sa isang gilid, niyakap ang sariling mga tuhod at doon umiyak ng umiyak.

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon