Chapter 30

36 4 0
                                    

FINAL CHAPTER

Ilang minuto na lang at babalik na ulit kami sa Pilipinas.

Magkausap si Angelou at Hiroto na para bang hindi na magkikita ulit. Umiiyak kasi si Hiroto at humihirit pa kay Angelou na magstay kahit ilang araw pa. Gaya ni Riku, hindi pa din pwede umalis si Hiroto ng basta dito sa Japan dahil sa kanya pala naiwan ang mga Condominuim buildings na pagmamay-ari ng mga magulang nito. Nasa US kasi ang parehong magulang nya dahil ikinasal ang nakakatanda nitong kapatid na babae.

Si Zia naman, nasa kabilang gilid. Syempre parang teleserye na kung kelan aalis ang isa, saka sila magkikita ng taong gusto nya. Hindi! Biro lang.

Sinadya ni Zia na maging meeting place nila itong airport. Gusto daw kasi syang makita ng kanyang random tour guide guy bago sya umalis. So ayon.

Ito namang akin, heto na naman at hawak ang kamay ko. Kanina pa. Ayaw nyang bitawan dahil matatagalan pa daw bago nya ulit ito mahawakan. Natatawa na nga ako. Konti na lang talaga puputulin ko na itong kamay ko at iiwan ko sa kanya! Sinagot ko nga ang tawag kanina ni Mama gamit ang kaliwang kamay ko. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil isang kamay lang ang gamit ko.

Hinawi ko ang kaunting buhok ni Riku na bumaba sa may noo nya. Nginitian ko sya pero seryoso pa din ang buong mukha ni Riku.

"Smile ka na. Ayaw ko umalis na nakasimangot ka." sabi ko at hindi na napigilang mapasimangot din.

Ngumiti naman sya ng kaunti. Kaunti lang. Hahawakan ko sana ang magkabilang gilid ng labi nya para ipormang ngiti kaso tinawag na kaming ang mga flight ay pabalik ng Pilipinas.

Napatayo na lang tuloy ako at itinaas na ang hawakan ng maleta ko. Sa kanang balikat ko naman nakasabit ang sling bag ko. Inilabas ko na din ang passport at plane ticket ko para hindi na ako mahirapan mamaya.

Bago ko pa matalikuran si Riku ay mabilis na itong tumayo at saka ako niyakap. Naramdaman ko din ang tatlong halik nito sa ulo ko.

"Wait for me." bulong nito bago ako binitawan.

Tumango ako sa kanya saka kumaway. Sabay kaming tatlo na tumalikod sa aming mga hapon at hindi na sila nilingon ulit. Sure ako na pareho kaming tatlo na kapag lumingon pa kami ay baka hindi na kami makauwi pa ng Pilipinas.

---

6 years later...


"I'm sorry Kriza. I have to go home na e. You see over over time na ako. Nandyan na din naman si Claire. You can ask her na lang about your task." nagmamadali kong iniligpit ang mga gamit ko. 7pm na. 2 hours na akong OT!

"Ma'am kasi... si Ma'am Claire masungit po yun e." nagmamakaawang sabi ng bagong employee ng department namin.

Maglilimang taon na ako dito sa isang domain merchandising company na pinagtatrabahuhan ko sa Research and Development department. Nasa gilid ng cubicle ko si Kriza na bagong employee at non-voice agent pero hiniram ng department namin from CS dept dahil sa dami ng kailangan gawing research. Nagmamakaawa kasi ito na tulungan ko sya sa ibinigay na task sa kanya ng head namin bilang training nya. Gusto ko syang tulungan kaso may importante akong lakad ngayon.

"Don't worry. Kakausapin ko si Claire. May lakad kasi ako e. Sorry talaga Kriza. I'm sorry." sabi ko at binitbit na ang body bag ko.

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon