8pm na pero madami pa ding tao ang paroon at parito. Nagchat din ako sa group chat naming tatlo na mauna na silang matulog kasi nasa labas pa ako at huwag din silang mag-alala dahil si Riku naman ang kasama ko.
Tinawanan pa nga ako ni Riku dahil nabasa nya ang reply ni Angelou at Zia sakin.
Zia: Sino ba naghahanap sau?
Angelou: Kahit kila Riku ka na tumira HAHAHAHAHA kami na bahala magexplain sa parents mo
Naglalakad lakad lang kami ni Riku. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Wala ding nagsasalita saming dalawa.
Napadaan kami sa gate ng Shinjuku Gyoen Garden pero sarado na ito. May mga taong nakaupo sa benches at maliwanag naman ang paligid dahil sa mga nakabukas na street lights. Hindi din naman ako nag-aalala kahit pa ganitong oras na ng gabi kasi mababa naman ang crime rate dito at isa pa, may kasama ako na alam kong hindi ako pababayaan.
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Riku ang pinaglapat kong mga palad at pagrub ko nito. Inilapat ko yon sa pisngi ko dahil nakakaramdam na ako ng lamig. Sa sobrang excite ko ba naman ay nakalimutan kong magsuot ng isa pang layer bago ang makapal na coat na suot ko.
Tinanggal ni Riku ang scarf nya at inilagay iyon sa leeg ko. Inayos nya ang pagkaka-wrap noon. Pagkatapos ay nilagay nya sa kaliwang pocket ng coat ko ang isang heat pack. Hihingi pa sana ako ng isa pa para sa kanang kamay ko kaso umikot sya sa kanan ko. Hinawakan nya ang kanang kamay ko at inislide sa welt pocket ng coat nya.
Kanina lang ay lamig na lamig ako pero ngayon pakiramdam ko, ilang segundo mula ngayon ay pagpapawisan naman ako. Ang init bigla ng paligid!
"Gusto lang kita masolo."
Saglit na nanlaki ang mga mata ko. Nagtanong ba ako? Napakagat-labi na lang ako dahil sa sinabi. Pakiramdam ko anumang oras ay bibigay ang mga tuhod ko. Nakakaubos pala ng lakas ang sobrang kabog ng dibdib.
"Fluent ka ba sa tagalog?" nangangatal kong tanong. Buti na lang malamig, may dahilan bakit ako bigla nautal.
"Oo. Tagalog kami mag-usap ng mama ko. Even my papa know how to speak tagalog fluently."
"He really love your mama that much, 'no?" sabi ko at mahigpit na napahawak sa heatpack na nasa kaliwang bulsa ko.
Ayaw maalis ng kaba sa dibdib ko!
"Uhm..." tango nya.
Tumigil kami sa isang bakanteng bench. Pinaupo nya ako doon. Inilabas nya mula sa coat nya ang heatpack at kinuha ulit ang kanang kamay ko at mahigpit na hinawakan.
Marunong din naman ako humawak sa heatpack mag-isa. Saka may sarili din akong kamay.
"Di ka ba uupo?"
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay nginitian nya lang ako. Kaiba sa madalas na binibigay nya sa ibang kaharap na maliit na ngiti ay makikita ang sinseredad sa mga ngiti nya ngayon.
"I miss this. Namiss ko ang makipag-usap ng tagalog. Speacially to a pinay."
Napaiwas naman ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi namumula na ang mukha ko. Bakit ba sya biglang ganito makitungo sakin? Saka isa pa, for sure madami namang Pilipino dito. Madami syang makakausap.
"Uhm... Bakit mo pala ako gustong masolo?"
Kumunot ang noo ni Riku.
"I-I mean... We can talk naman via chat? Or video call? Or audio call... Uhm... Kasi... I mean... bakit?"
I heard a soft chuckle escaped from his lips. Napaangat tuloy ang tingin ko sa kanya. May nakakatawa ba?
"Why are you stuttering?"
BINABASA MO ANG
CONNECTED
RandomDahil sa hindi sinasadyang aksidente ni Angela, nagising sya sa lugar na hindi nya alam at hindi nya tukoy kung anong taon o panahon. Nang makilala nya ang Dyosang si Haliya ay saka nya nalaman na kinakailangan ni Anastasia ang tulong nya, ang babae...