Chapter 18

8 5 0
                                    


(1 araw bago ang pagsapit ng pagkaganap na babaylan)



Nagising ako sa huni ng mga ibon. Maliwanag na siguro sa labas. Napalingon ako sa tabi ko at nakitang wala na doon si Rio. Maaga talaga magising ang batang iyon at palaging nakikipaglaro sa mga isda sa tabing ilog. Minsan naman ay kinukulit si Bel habang nagdidilig ito ng mga halaman.

Nung nakaraan habang kalaro nya si Rio ay nagulat ako ng makita kong nakalugay ang buhok ni Bel. Nakakamukha nya si Angelou kapag nakalugay sya. Sa tagal naming magkasama ay iyon ang unang beses na nakita ko syang naglugay ng buhok. Palagi kasing nakapusod ang buhok nya at ni minsan ay hindi ko nakitang naglugay ito.

Sa dami ng perwisyo ko kay Bel ay masusuklian ko na ito dahil bukas ay pumayag na si Mathilda na gawin na ang ritwal upang maging isang ganap na babaylan na ako.

Sino ang makakapagsabi na sa dami ng pagkakamali ko ay matutupad ko pa din ang maging isang ganap na babaylan? Para kay Bel at para kay Anastasia.

Oo, alam ko naman na si Riyu at Rio ay kay Anastasia. Pero maaari naman sigurong may parte na sa akin din sila hindi ba?

Habang nililigpit ko ang pinagtulugan namin ni Rio ay naririnig ko ang halakhak nito sa labas. Mukhang naglalaro muli silang dalawa ni Bel. Mayamaya ay natahamik sila na ipinagtaka ko. Kahit ang huni ng mga ibon ay saglit na natahimik.

Madali kong tinapos ang pag-aayos ng higaan at mabilis na binuksan ang pinto. Pero sa hindi inaasahan, sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay gulat kong tinitigan ang taong nasa harap ko.

Ang taong dalawang taong hindi ko nakita.

Ang taong dalawang taon na simula ng makita kong naglaho.

Ang taong minahal ko dalawang taon na ang nakakalipas.

Ang taong pinaniwalaan kong patay na.

Ang taong nag-iisang ama ng anak ko.



"Riyu..."



Sa pagbigkas ko ng pangalan nya ay sabay na tumulo ang luha ko at ang pagkirot ng dibdib ko. Hindi ko na nasundan ang nasabi ko. Hawak ko ang dibdib ko dahil sobra sobra ang kirot niyon. Kirot na kasabay ang pauunti-unting hangin na nalalanghap ko.

Umiikot ang paningin ko dahil sa kakapusan ko ng hangin. Napalingon pa ako kay Rio na parang biglang nagslow motion ang takbo papunta sa kinaroroonan ko. Naramdaman ko ang biglang paghawak sakin ni Riyu. Mayamaya din, bigla ng nandilim ang paningin ko.



---
(3rd person's POV)


"Anastasia!"

Ilang ulit ng tinawag ng lalaki ang pangalan nito ngunit hindi pa din ito gumising. Kahit gaano kalakas ang pag-alog nito ay para bang nalunod na ito sa pagkakahimbing.

Lumapit si Bel sa katawan ni Anastasia at nanginginig ang kamay na hinawakan ang palapulsuhan nito sa kanang kamay. Abot langit ang kaba ng dalaga ng walang maramdamang pulso dito. Inilipat nya ang kamay sa kaliwa ngunit ganoon din, walang pulso si Anastasia.

Kagat-labi ay dahan dahan nyang inilagay ang dalawang daliri sa leeg ng walang malay na babae at doon ay napatingin na sya sa katabing lalaki at umiling. Sunod sunod ang pagtulo ng luha ni Bel dahil sa takot na baka wala na talagang buhay si Anastasia.

Mabilis na tumayo si Riyu habang buhat ang walang malay na katawan ni Anastasia. Isa lang ang nasa isip nya, ang tulong ni Mathilda. Alam nyang peligro ang papasukin nya pero kung iyon ang makakatulong upang magising muli ang babaeng tinatangi nya ay handa nyang ibigay ang buhay nya para dito.

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon