Chapter 26

9 3 0
                                    

5 years later...




"Ano ba naman to si Zia! Ang tagal tagal! Pag tayo naiwan ng plane natin, sasabunutan ko talaga yon! Kakalimutan ko na family friend sila ng mama at papa ko!" nanggagalaiting sabi ni Angelou.

Bahagya kong hinila ang laylayan ng shirt nito at pinatatahimik. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao dito sa airport na naghihintay din ng flight nila.

Naging kaibigan namin si Zia ng tumungtong kami sa college. Doon namin nalaman na close friend ng mama at papa ni Angelou ang mga magulang ni Zia. Hindi yon alam ni Angelou kasi sa tuwing isasama sya ni Tita Mina para imeet ang family ni Zia ay tumatanggi sya at tinuturo si Kuya Andrew para ito na lang ang isama.

Paminsan-minsan, nagbabangayan si Zia at Angelou at ako? Ako ang taga-awat nila. Minsan hinahayaan ko na lang sila kasi sumasakit na din ang ulo ko kakaawat.

May 10 mins pa naman bago kami umalis pero kasi itong si Angelou, atat na atat na.

Mayamaya lang din dumating na si Zia. Sakto lang para tawagin na ang pasahero ng flight na kinabibilangan namin. Hindi sya pinapansin ni Angelou kaya sakin sya humingi ng sorry. Nagpaliwanag sya na naipit sya sa traffic kaya medyo late sya.

Actually, malaki ang pinagbago ni Zia. From that brat highschool girl to this sweet fresh grad woman. Hindi ko alam kung anong dahilan pero i can say, she's a great friend.

2 months after ng college graduation namin at heto kami ngayon magbabakasyon ng isang linggo sa Japan. Pinayagan kami ng parents namin dahil according to them, after this vacation we're going to work na at hindi na alam kung kelan ulit makakapagvacation.

Si Angelou ang gusto na sa Japan kami magbakasyon. Meron kasi syang nakilala thru internet na Japanese guy at mukhang nagkamabutihan ang dalawa. Alam naman ng mama at papa nya ang tungkol doon at dahil unica hija, pinagbigyan. Syempre bilang kaibigan at kapatid sa ibang ina, hindi makakaalis si Angelou na hindi ako kasama. At dahil kaibigan na din namin si Zia, niyaya ko na din sya.

To be honest, pagkakataon ko na din to para makita sya ulit. It's been years.


---



Paglipas ng ilang oras na byahe, nakarating na din kami sa Shinjuku Granbell Hotel dito sa Tokyo. Iisang room lang kinuha namin. Malaki naman ang bed at kasyang kasya kaming tatlo at isa pa medyo pricy kaya goods na tatlo kami maghahati hati sa expenses.

Kahit na matagal ang byahe namin, hindi kami nakaramdam ng pagod. Or maybe, ako. Isa lang nararamdaman ko. Excitement.

"Huy tara shopping tayo!" yaya ni Angelou. Kakalabas nya lang galing CR at nagpupunas ng basa nyang buhok.

"Wow! You surely have dami money huh?" si Zia.

Inirapan sya ni Angelou at pagkatapos ay tumawa.

"Nag-ipon ako girl! The entire college days natin nag-iipon ako. 500 everyday. So i have dami money talaga!"

Miski ako nag-ipon. Hindi dahil sa bakasyon na ito kundi dahil naisip ko lang na baka magamit ko ang perang naipon ko pagdating ng araw. At ito na ang araw na iyon.

"So are you guys in?" tanong ni Angelou.

"Yep!" sabi ko naman at hinagilap ang makapal kong jacket.

Naghanda din naman si Zia at sinabit na sa balikat nya ang sling bag.


---



Makapal na ang mga jacket namin at meron pa kaming dalawang pang-ilalim pero nanunuot pa din talaga hanggang buto ang lamig!

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon