Chapter 20

9 5 0
                                    


Pagkarating sa kubo ay dumiretso ako sa lalagyan ko ng damit at kinuha ang sulat na iniwan ni Atalia. Niyakap ko iyon ng mahigpit habang patuloy na lumuluha.

Kahit pa sabihin na hindi si Anastasia ang nasa loob ng katawang ito ay pareho pa rin kaming nasasaktan. Iniiyakan ko din ang masasakit na alaala nya na nagpapahiwatig na sa panahong ito kami ay iisa.

Ang pagkamatay ni Atalia ang dahilan ng pagkakaratay ni Anastasia ng halos isang buwan.

Hindi sya nagkasakit.

Binalak ni Anastasia na magpakamatay. Pakiramdam nya ng mga panahong iyon ay hindi nya na kaya pang mabuhay ng wala si Atalia sa tabi nya. Ang taong itinuring nya ng nakakatandang kapatid.

Si Atalia ang palaging sumasalo sa galit ni Mathilda sa kanya. Si Atalia ang nagtatakip sa mga kapilyahan at katigasan ng ulo nya. Si Atalia ang araw araw na pumuprotekta sa kanya mula sa pagtulog hanggang sa paggising.

Kaya noong mawala ito ay pakiramdam ni Anastasia ay nawala na sa kanya ang lahat. Ang kanyang mga magulang. Ang kanyang hilig sa paghahabi na kailanman ay hindi nya na magagawa dahil pagiging babaylan ang nakalaan sa kanya. Maging ang malayang pagmamahal sa lalaking iniibig nya. At ngayon ay ang taong itinuring nyang kapatid wala na rin sa kanya.

Nang gabing mailibig si Atalia ay palihim nyang ginawa ang lason na itinuro sa kanya ni Atalia. Iyong lason na maaari lamang gamitin sa panggagamot kung may nais tanggalin sa loob ng katawan, gaya ng pagpapalaglag.

Sa mga oras na iyon ay wala ng ibang gusto si Anastasia kundi kitlin na lang ang sariling buhay kaya dinoble nya ang tapang ng lason. Saktong alas dose ng gabi, pagkatapos ni Bel tingnan at sigurihin kung tulog na ba sya ay saka nya ininom ang lason.

Mabuti na lamang at lahat ng antidote ay naituro ni Atalia kay Bel. Sa bawat lason na ginagawa ni Atalia at itinuturo kay Anastasia ay sya ding antidote na sinasabi nito kay Bel. Alam kasi ni Atalia na maaaring gawin at subukan ni Anastasia ang bawat lason na itinuro nya dito. Kaya kung sakali man na wala si Atalia upang bigyan ng antidote ang lason ay naroon naman si Bel upang gampanan ito.

Madaling araw noon na nag-aagaw buhay si Anastasia ng masilip sya ni Bel. Kaya nabigyan sya ng antidote. Yun nga lang ay kumalat na ang lason sa buong katawan niya. Puro antidote ang pinaiinom sa kanya ni Bel ng halos isang buwan.

Kaya kinailangan ni Dyosa Haliya ang tulong ko.

Hindi duwag si Anastasia.

Hindi nya lang matanggap ang lahat ng nangyari sa buhay nya at lunod na lunod sya sa sakit na dulot nito sa kanya.

Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap mula sa likuran ko.

Ang mga brasong ito...

"Mahal ni Regan si Atalia." tumango ako.

Oo alam ko.

"Inamin sakin ni Regan nung araw na mamatay si Atalia ang totoong nangyari. Katulad ko ay hindi tuluyang nakontrol ng aming ama ang isip ni Regan kaya ang puso nito ang ikinulong sya sa kapangyarihan nya."

"Bago pa man mangyari iyon ay nasabi na ni Regan ang tungkol dito. Lahat ay sinabi nya kay Atalia. Mula sa paghihiganti kay Mathilda dahil sa pagkawala ng aming ina at sa pagpaslang sa bawat babaylan sa ilalim ng pagsasanay ng punong babaylan. Nang araw na makita namin kayo ni Regan ay pinagplanuhan naming kunin ang loob nyo ng sa ganon ay madali namin magawa ang nais na paghihiganti. Pero sa bawat araw na lumilipas unti-unti na naming tinalikuran ang paghihiganti dahil sa pagmamahal."

"Nalaman iyon ng aming ama. Bilang si Regan ang nakatatanda ay sa kanya nabunton ang galit nito. Kinuha nyang pareho ang isip at puso nito upang kontrolin.".

CONNECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon