tdhsa02
-'-
Escape. That's what I really want, but how?
I want to escape in this cruel world.
Dad scolded me dahil namimihasa na raw ako sa kanonood ng kung ano-ano kaya bumaba ang grades ko.
I thought he's done about it, because I am.
Really? That was months ago and now, he's talking about it again. He always bring my grades whenever he's mad.
I fixed my things to get ready for school.
Open na ang exhibit namin ngayon. Actually tapos naman na talaga ang semester namin. Next school year fourth year na ako. Tapos graduating na si Kenji.
"Mark, pakipasok mo na rito 'yang table na white," sumunod naman agad si Mark sa utos ni Missy.
"Ang ganda!" Tuwang-tuwa na sabi ni Missy. "Thank you, guys. Ang gaganda nito! Sana may mag inquire na sa atin!"
"Meron 'yan, master," sigaw ni Geoffrey.
Tinuro ni Wendy 'yung gawa ko sa isang malaking canvas. Mga bata iyon sa kalye na nanghihingi ng barya at isang jeep na nakaparada.
"Bakit ito 'yung ginawa mo, Stella? Naisip mo lang ba 'to o may meaning?" Tanong niya sa akin. Napatitig ako roon.
"Actually, I'm not in a good state when I painted this one. I'm amazed that it came out fine."
"Anong title mo para rito?" Nakangiting tanong ni Missy. Noong nakaraan pa nila ako tinatanong tungkol doon.
"Monete d'oro," sabi ko, ang ibig niyon ay gintong barya.
"Adeline, pembarya," malokong sabi ni Kenji sa likod ko. Nandito na pala siya. Sabi niya kasi ay may pupuntahan muna siya, may tumawag sa kaniya kanina nung nag-aayos kami rito.
Muli kong ibinalik ang tingin sa art ko.
Barya.
Mga batang humihingi ng barya sa daan upang mayroong maipangkain at jeepney dahil sa umaga sinasabi roon na 'barya lamang po sa umaga'.
Well, it wasn't that deep. Medyo naisip ko lang na they both need barya. Medyo napangiti ako sa naisip ko na 'yon.
"How about this, Stella?" Hawak ni Wendy 'yung painting kong madilim. May full moon doon at silhouette ng isang babae na nais abutin ang mga bituin sa langit.
"That was Luna & Stella," ngumiti sila sa akin.
Moon and Star.
Tinitigan ko 'yung painting ko na 'yon habang inaayos nila kung pantay ba ang pagkakalagay.
It's all about a girl who's afraid to come out of her cage, because she's been monitored.
She put her hands up onto the sky, because she wants to reach her dream without pain and disappointment. It was like she wants to be as free as a bird.
After I painted that. I realized that we're the same. I even imagined that, that was me.
It can also be you.
It can be whoever you think.
Luna & Stella was one of my favorite, because this is where I can relate the most. Pero masaya ako na ibenta siya dahil magagamit naman namin ito para sa department at sa charity na pupuntahan namin. I can paint many more like that.
"Adeline, kain tayo," nilingon ko si Kenji na nakanguso at nag-puppy eyes pa. "'Di bagay, Kenji," inirapan ko siya at humalakhak, napatigil ulit siya sa pagtawa tapos ay ngumiti sa akin.
YOU ARE READING
The Day He Slipped Away
NouvellesLiving with too much pressure caused by her family, will she be able to escape? Stella Adeline was a girl living her life manipulated by her family. After she met Kenji Lorenzo she realized so many things that changed her life. Everything went wel...