tdhsa06
—'—
When I got home that day, they celebrated. Sila lang, hindi ako sumama. I don't know how to celebrate anymore. I've done my part. Ayos na ako ro'n.
"Anak, pakisuot mo nga itong sinulid sa karayom," si Nanay ang kumatok kaya binuksan ko agad ang pinto. Pinapasok ko siya para maupo sa couch.
"Bakit wala na ang mga gawa mo rito, Hija? Tinanggal mo?" malungkot akong ngumiti sa kaniya. Napansin niya siguro na wala na ang paintings ko. "Tinapon po ni Dad, Nanay," mahina kong sabi.
"Ano?! Bakit? Kailan pa, 'nak?" Noon kasi ay mayroon na talaga akong paintings na naka-display sa kwarto ko. Tapos ay itinapon din nila, sa mismong harapan ko pa nila sinira. Pagkatapos noon hindi na ako naglagay.
Nitong nakaraan nag lagay ako ng dalawa lang dahil sobrang saya ko na may nakaka-appreciate ng gawa ko. Pero nakita ni Mommy at isinumbong kay Daddy.
Wala naman daw kwenta ang gawa ko at hindi naman daw maganda.
"'Nak, sa kuwarto ko puwede mong itago.. Masasayang ang lahat ng gawa mo kung patuloy na makikita at sisirain lang." Tumango ako sa kaniya, nasa kaniya pa nga 'yung iba kong artmats.
"Opo nanay," inabot ko sa kaniya 'yung sinulid at karayom. "Salamat, 'nak. Gusto mo ba ng pagkain? Dadalhan kita rito." Busog pa naman ako at nakakahiya kay nanay kung aakyat na naman siya rito. Kaya ko namang kumuha mamaya.
"'Di na po, magpapahinga pa po ako, 'Nay."
Tumango siya at umalis na. I took a nap and when I woke up it's already six in the evening. Dahil sa gutom ay bumaba na ako para kumain. Tahimik sa baba at tanging si Nanay na lang ang naroon, naglilinis.
"Hi, 'Nay." Bati ko, lumingon naman siya sa akin at ngumiti habang nag pupunas ng kamay at braso.
"Kain na, anong gusto mong ulam? Sandali lang." Naglabas siya ng apat na putahe.
Caldereta, Chicken Curry, Bicol Express at Adobo.
"Sarap! Ikaw nagluto lahat, 'Nay?"
"Oo, talagang sinarapan ko ang luto sa B.E at Adobo dahil paborito mo 'yan 'di ba?" Tumango naman ako at ngumiti. Inaya ko siya pero ang sabi niya tapos na rin daw siyang kumain, sandali siyang nagkwento sa akin tungkol sa nga nangyari kanina. Pagkatapos noon ay nagpaalam na siya dahil nga pagod siya at kailangan niyang magpahinga.
"Adeline!" si Kenji ulit. Ngayon ko na lang siya nakita, absent kasi siya for one week.. na naman. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman na raw tungkol sa aso niya.
Sinalubong ko siya ng yakap dahil na-miss ko siya! I felt his warm hug, I look so tiny when I'm with him! Parang yumayakap lang siya sa little sister niya!
"Sarap naman ng salubong niyan," aniya at ginulo ang buhok ko bago ako pakawalan.
Hinampas ko siya sa braso na agad naman niyang ikinangiwi. Masakit ba 'yon? Hindi naman malakas, pabiro lang ang hampas ko, hindi pa nga mamamatay ang lamok doon, eh.
Malapit na ang finals namin, hindi ako makapaniwalang aabot ako sa fifth year knowing na hindi naman ito ang gusto kong path na tahakin. "You're graduating! Anong gusto mong regalo?" I asked him while we're eating ensaymada here in garden. "Hindi na kailangan, basta kasama kita regalo na 'yon." Ngumiti siya pagkatapos ay sinimot ang natirang cream sa daliri niya.
"One year na lang, Adeline. Makakapagtapos ka na rin, sana makita manlang kita sa araw na 'yon," napakunot ang noo ko. "Bakit? Aalis ka ba?" nagulat naman siya sa tanong ko. "Ha? Hindi! Kasi limited slots lang 'di ba? Kaya sana.. mapanood kita."
YOU ARE READING
The Day He Slipped Away
CerpenLiving with too much pressure caused by her family, will she be able to escape? Stella Adeline was a girl living her life manipulated by her family. After she met Kenji Lorenzo she realized so many things that changed her life. Everything went wel...
