tdhsa05
—'—
Umalis ako sa bahay hindi para mag layas, gusto ko lang huminga at magpahinga. Hindi ko alam kung saan ang bahay ni Kenji, hindi niya rin naman sa akin sinabi, at kung alam ko hindi rin naman ako pupunta.
I don't like visiting other people's house without reminding them.
Sinipa ko na lang ang bawat batong nadadaanan ko papunta sa Park. Nang nasa Triny Park na ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mommy at Daddy, pero hindi ko iyon pinansin. May natanggap din akong messages na galing kay Kenji.
Kenji:
kauuwi ko lang, bossing
Kenji:
kain ka na
Kenji:
busy?
Me:
saan ka galing?
Umupo ako sa swing at idinuyan ang sarili. Mabilis namang nag-reply si Kenji.
Kenji:
sa vet, may sakit aso ko
Kenji:
kumain ka na, ma'am?
Me:
nasa park ako
Kenji:
ha? nag-aano ka?
Kenji:
daya 'di ako sinama :((
Me:
umalis ako sa bahay
Hindi na siya nag-reply pagkatapos no'n. Baka busy na dahil nga may sakit 'yung aso niya.
Suddenly, I wondered how does it feel to be cared for. Since then, I learned how to take care of myself, whenever I get sick, I'll just look for meds and sometimes Nanay helps me kapag nalalaman niya.
Muntik na akong mahulog nang biglang may gumulat sa akin, matalim kong tiningnan si Kenji na tumatawa.
"Ano ka ba! Pinakaba mo 'ko!" sigaw ko sa kaniya, tumatawa pa rin siya, 'di pinansin ang pagsigaw ko.
"Ayos, ah? Paduyan-duyan na lang tayo, sali ako!" aniya at pumwesto roon sa katabi kong duyan.
"Kumusta na ang aso mo?" tanong ko sa kaniya, nawala naman ang ngiti sa labi niya pero ngumiti ulit nang makabawi.
"Medyo okay na," mahina niyang sabi, ganoon niya ba kamahal 'yung aso niya na iyon? Sa bagay, kung ako man, mamahalin ko rin ang alaga ko. "Adeline," lumingon ako sa kaniya, nakangiti.
Huminga siya nang malalim.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala lang," tumawa siya at naiiling. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin, baka may kung ano lang na pumipigil sa kaniya.
Gumaan ang pakiramdam ko nang magkwento siya, panay rin ang tawa ko sa mga not-so-corny jokes niya.
"Oh, tama na baka mautot ka," biglang nawala ang ngiti ko nang sinabi niya 'yon. "My gosh, Kenji! What a good time to ruin the mood!" I rolled my eyes, ngumisi lang siya sa akin.
After a long silence huminga ulit siya nang malalim.
"Adeline, kaya mo na bang mag-isa?" nabigla ako at napakunot ang noo sa tanong niya, bakit bigla siyang nagtatanong? Kapag ganitong seryoso siya ay hindi ko maiwasang kabahan.
YOU ARE READING
The Day He Slipped Away
Historia CortaLiving with too much pressure caused by her family, will she be able to escape? Stella Adeline was a girl living her life manipulated by her family. After she met Kenji Lorenzo she realized so many things that changed her life. Everything went wel...
