tdhsa04
—'—
Nagpaalam ako agad kay Sir na magbabanyo lang pero gusto ko lang talagang sundan si Kenji. Hindi kasi ako makapakinig sa sinasabi ni Sir dahil kinakabahan ako at iniisip kung anong nangyari. Hindi pa naman ganoon kahirap ang topic namin kaya kaya ko naman.
"Kenji!" Tawag ko pero hindi siya lumingon.
Nakita ko siyang nagmamadaling maglakad hanggang sa makaliko na siya sa C.R. Napahinga na lang ako nang malalim. Hindi niya ata ako narinig. Umupo ko ako sa hagdan na malapit sa kinatatayuan ko para maghintay sa kaniya. Baka kasi kung ano ang isipin ng iba kapag sumunod ako hanggang doon.
Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa nakita ko. Bakit siya nagkaganoon?
Pagkatapos ng limang minuto ay nakita ko siyang lumabas kaya tumayo na rin ako. Hindi niya ako nakita kaya humarang ako bago pa siya makalampas. "Anong nangyari?"
"Uy, Adeline!" Bakas ang gulat sa kaniya nang makita ako, itinago niya agad 'yung panyo niya nang makita ko iyon. "Bakit may dugo?"
"Ah.. Nag nosebleed ako. In-english kasi kami ni Prof. Rosa ayan tuloy," siningkitan ko siya ng mga mata. "Umayos ka nga! Ayos ka lang ba?" Lumapit ako sa kaniya, lumayo naman siya kaya napatigil ako sa paglapit.
Napakunot-noo naman akong tumingin sa kaniya. Do I have a disease para lumayo siya ng ganoon?
"Ang init kasi kaya nag nosebleed ako. Paano mo naman nalaman?" Tanong niya habang nakangisi.
"Nakita kitang nagmamadali kaya sumunod ako," hindi ko maiwasang irapan siya dahil mas lalo siyang ngumisi. Hindi ko alam pero hindi manlang nabawasan ang pag-aaalala ko kahit na mukha naman siyang ayos lang.
"Yie. Crush mo ba 'ko, ha? Concern ka sa akin kinikilig tuloy ako," aniya kaya natawa na rin ako. Nakakainis! Palagi siyang ganito! Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos dahil hindi talaga seryoso ang mga sagot niya sa akin.
"May dala ka bang tubig?" pag-iiba ko ng usap.
"Wala. Nakalimutan ko," aniya kaya inirapan ko siya. Sabi ko magdala palagi! Ang tigas ng kulit!
"Pumasok ka na nga mag C-C.R muna ako." pagtataboy ko sa kaniya, pano'y nakangisi sa akin kanina pa. "Bye, sungit," aniya na naman, pang-asar talaga! 'Yan ang tawag niya kapag gusto niya pa akong asarin lalo!
Nang umalis na siya ay tumakbo ako papuntang cafeteria. "Ate Lors, tubig nga po."
"Maliit ba? O malaki?"
"1L po, Ate," nagbigay ako ng sapat na halaga pagkatapos ay umalis na rin dahil baka kung ano ang isipin ni Sir, at isa pa, baka pumasok na ang next teacher namin.
Namili na rin ako ng tinapay para kainin ni Kenji mamaya. Nang matapos ako bumili ay tinakbo ko ang papunta sa building nila. "Ches!" Tawag ko sa kaklase niya, medyo close kami dahil kasama rin siya sa ADD, may iilang works kami noon na magkasama naming ginawa. "Si Kenji?" Tanong ko. Itinuro niya ang bandang dulong upuan. "Hoy, Kenji, may dalaw ka," sabi nito sabay tawa. Lumabas din ang iilan nilang kaklase pagkatapos ay ngumisi nang makita ako.
"Panget mo magbiro, Ches," dinig kong sabi niya. "Stella's here. Stupid!" Narinig ko ang kalampag ng mga bangko para bang bigla siyang tumayo dahil sa pagmamadali.
"Stella?!" Sigaw niya habang tumatakbo palabas sa pinto, tumawa ako. Ano 'yon? Parang 'di kami nagkita kanina lang, ah? Excited much?
"Hi!" Bati ko sa kaniya, kita ko na naman ang mga kaklase niyang nakikinig sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/269129363-288-k520226.jpg)
YOU ARE READING
The Day He Slipped Away
ContoLiving with too much pressure caused by her family, will she be able to escape? Stella Adeline was a girl living her life manipulated by her family. After she met Kenji Lorenzo she realized so many things that changed her life. Everything went wel...