Seven

14 0 0
                                    

tdhsa7

—'—

Nang kinagabihan ding iyon ay umuwi ako sa bahay, as usual.. napagalitan ako pero I don't really mind it. Sanay na nga kasi ako. "Sorry, hindi muna ako makaka-attend sa seminar, Missy," pinayagan naman niya ako, sabi ko kay Kuya Delfin dalhin ako sa hospital, bahala na kung magsumbong siya o ano.

"Ako na lang po uuwi mag-isa, Kuya. Okay lang po na sabihin niyo kina Mommy kung nasaan ako," pilit akong ngumiti sa kaniya, dala-dala ang duffel bag ay pumasok ako sa hospital.

Kinuha ko siya ng iilang notes para sa mga napag-aralan nila nitong nakaraan dahil hindi na siya nakapasok ng tatlong araw.

Pagkarating ko sa room niya ay tulog siya, nagkaroon pa ako ng pagkakataong bumili ng pagkain para sa amin. Bumili na rin ako ng prutas para sa kaniya, pati na tubig. Pagpasok ko ulit ay gising na siya. "Kanina ka pa?"

"Kararating-rating ko lang, namili lang ako ng pagkain. Gutom ka na ba?" tanong ko at nilapitan siya. Umamba naman siya na yayakapin ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi mo kuhanan kita ng mga notes, eto na," bumalik ako sa upuan kung nasaan ang notes tapos ay ibinigay iyon sa kaniya. "Hirap naman intindihin," aniya at tumawa.

"Sure namang ga-graduate ka na, last niyo na raw 'yan," Iyon ang sabi sa akin ni Kelvin, kaklase niya na kaibigan din.

"'Yon na nga, eh. Last na tapos papahirapan pa kami, awit," aniya at tumawa. "Anong gusto mong kainin?" he just looked at me, walang sinabing kahit ano. Nakaka-asar talaga 'to!

"Kenji!" mas lalo siyang tumawa nang makitang naiinis na talaga ako. "Wala, mamaya na sabay tayo. Nagugutom ka na ba?" Napairap ako roon. "Wow, sino ba ang pasyente sa ating dalawa, ha?"

"'To naman, concern lang, Madam! Mukhang pagod ka na sa school, ah? Last niyo na rin 'di ba? Nakita mo na final grade mo?"

"Hindi pa, gusto ko sabay tayo sana! Kaso hindi pa ata computed ang sa inyo kaya I'll wait."

"Bakit may dala kang duffel bag? Sa 'yo 'yan?" turo niya sa duffel bag na dala-dala ko kanina. "Damit at gamit ko 'yan, bukas ay saturday, may papakuha ka ba sa unit mo?" agad siyang umiling.

"Kailan uuwi si Tita?" nag-message na rin kasi ako nung araw na na-hospital siya. Hindi mapakali si Tita no'n at gusto na agad makauwi para kay Kenji, kaso ay may problema pa sa pagbili ng ticket.

"Baka bukas nandito na. May magbabantay na sa akin kaya puwede ka na mag pahinga bukas." aniya.

"I insist! Sasama ako kay Nanay bukas para mamalengke pagkatapos ay dadalaw kami rito," nakangiti kong sabi kaya naman tinaasan niya ako ng kilay ngunit may multo ng ngiti sa labi. "Nanay? 'Yung ikinukuwento mo sa 'kin?" tumango naman ako, kinuha ko ang bangko at tumabi sa higaan niya. "Papakilala kita," sabi ko ulit.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko, kaya natawa ako sa loob-loob ko. "Adeline naman, hindi pa ako handa sa meet-the-nanay segment," mahina ko siyang tinampal sa braso dahil sa kalokohan niya. "Whatever you say, Kenji Lorenzo!" inirapan ko siya habang nakangiti.

"Okay, Stella Adeline, LOML," naguluhan ako sa sinabi niya. "Ano na naman bang sinasabi mo?" kunot-noo kong tanong, labo talaga nito minsan, eh. Kung ano-ano na kang ang sinasabi!

"Secret walang clue," aniya kaya inirapan ko siya bago pa man pumasok ang nurse na nag mo-monitor sa kaniya.

Nang matapos siyang i-check ay sinabi ring mayamaya lang ay darating na ang pagkain na kakainin niya. Paglabas nung nurse ay bumaling siya sa akin, nakabusangot. "Oh, bakit?" natatawang tanong ko.

The Day He Slipped AwayWhere stories live. Discover now