One

25 2 0
                                    

tdhsa01

—'—

My parents don't have any idea about my chosen department. I know that once they knew, they'd scold me again and again, until I memorize.

I'm so tired of it.

Matatawag ko pa ba itong pangarap ko kung sila naman ang namimili para sa akin?

Naglalakad ako ngayon sa corridor papunta sa meeting room namin. Medyo walang students dito dahil siguro nasa meeting room na nila. "Miss!" He's here. In a short span of time, I memorized and recalled his voice immediately, maybe because kaunti lang din ang taong kinakausap ko, and also, he's the only one who calls me 'Miss'.

Sa loob ng ilang linggo palagi siyang ganito. Kapag nasa canteen ako sumasabay siya sa akin, kahit sa pag-uwi hinahatid niya ako hanggang gate lang dahil daw baka makita ako ni Kuya Delfin.

"How many times do I have to tell you that I'm Stella Adeline?" Masungit kong sabi. Hanggang ngayon 'di ko alam kung anong pangalan niya. Malay ko ba rito, feeling close na sa akin pero hinayaan ko na dahil I don't want to push people away.

"Okay, Adeline."

"Don't call me that," I warned him. Nagulat siya sa sinabi ko, mukhang naguguluhan din.

"Ha? Sabi mo ikaw si Stella Adeline? Tinawag kitang Adeline ayaw mo naman. Saan ako lulugar?" Aniya at kumamot sa ulo.

"Sa pluto siguro?" Pilosopong sabi ko. Ngumisi naman siya at tumingin sa akin.

"Wala na 'yon, ah?" Pag sakay niya sa walang kwenta kong sinabi.

"You sure?" Sabi ko at nilampasan siya. "Uy, sandali!" Habol na naman niya. Wala ba siyang department o kahit anong mapupuntahan man lang.

"May meeting ngayon, ah? Bakit 'di ka pumunta sa department mo?"

"Ha? Pareho lang tayo 'no," nagulat ako roon. Paano? Medyo ilang linggo na simula nung nakasali ako sa Arts & Designs pero ni minsan hindi ko siya nakita. Kung sa bagay, ngayon lang naman nag call ng meeting.

"Gaya-gaya ka ano?" Pag-aakusa ko.

"Luh? Grabe siya, oh? 'Di ba puwedeng nagkataon lang?" Napangiti ako roon kaya naman napahinto siya saglit pagkatapos ay ngumiti rin sa akin. Mabuti hindi pa nagsisimula ang meeting, naka-abot kami.

"Sa main building tayo, okay? May ibang gamit na tayo roon ang kailangan na lang 'yung mga artworks niyo at kung paano iyon ilalagay sa loob.." tahimik akong nakikinig nang kumalabit sa akin ang katabi ko.

"Bakit ba?" Inis ko siyang hinarap, pangatlong kalabit niya na kasi. Seryoso akong nakikinig rito tapos.. "Nagugutom ako, Adeline," inirapan ko siya dahil narinig ko na naman 'yang 'Adeline' na 'yan.

"Gusto mo sikmuraan kita?" Bulong ko sa kaniya kaya medyo napalayo siya, tinawanan ko siya roon. Sumabit ang nakasabit sa leeg niya roon sa table ng chair na inuupuan niya at doon ko nakita ang I.D. niya.

Kenji Lorenzo V. De Guzman 4-A

Kenji, huh?

What should I call him?

Kenzo?!

"Kenzo.." bulong ko kaya agad siyang napalingon sa akin. Nanlalaki ang mga mata pero agad naman iyong napawi.

Ngumisi siya at inilapit ang mukha sa akin kaya napalayo ako. "Anong sabi mo?" Mapaglaro niyang sabi.

"Huh?" I pretended that I didn't hear anything. Hindi naman nawala ang ngisi sa labi niya kaya paulit-ulit ko siyang inirapan.

The Day He Slipped AwayWhere stories live. Discover now