Three

19 0 0
                                    

tdhsa03

—'—

Lumipas ang ilang buwan, minsan lang kami magkita ni Kenji dahil nag-out of the country kami. Pero we're still connected at nakakapag-chat na kami ngayon.

He's already fifth year and I'm fourth year. Kasisimula lang ng semester namin kaya kabilaan na naman ang mga paalala sa akin ng ama ko.

Kumakain kami ngayon bago pumasok sa school, sila naman ay sa trabaho.

"You know what to do, right?" Tahimik lang ako, kanina pa nagsasalita si Daddy.

"I'll try my best—"

"Don't try. Do it," matigas niyang sabi, nang lumingon ako kay Mommy ay tahimik lang din siya pero alam kong kampi siya kay Daddy.

"You know that—" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang tumayo.

"Be home at five, we'll be going now," tumayo na rin si Mommy. Naiwan na ako rito.. mag-isa.

Alam kong ayaw nilang pakinggan ang lahat ng sasabihin ko kaya sila umalis. Kailan kaya nila ako mapakikinggan?

Kailan kaya nila ako hahayaang ilabas ang mga gusto kong sabihin?

"'Nak, Stella. Dumating iyong package mo ng art materials mo kanina. Kukuhanin mo na ba? Nasa kuwarto ko iyon mabuti't hindi naabutan ng Daddy mo," tumango ako kay Nanay Delia. Siya lang ang tumatawag sa akin ng 'Nak' o 'Anak' dito sa bahay.

"Nay, puwede po bang patago muna roon? Kukuhanin ko po kapag kailangan ko na."

"O, sige. Basta sabihin mo lang, ha? O siya magliligpit na ako, mag-ayos ka na para maihatid ka na ni Delfin," tumango ako at nag-ayos nang sarili para makapasok na.

"Adeline!" si Kenji!

"Kenji!"

"Long time no see, ah?" Aniya at humalakhak. Mahina niyang kinurot ang pisngi ko at saka marahang ginulo ang aking buhok. "Hey, stop!"

"Hey, stop!" Pang-gagaya niya sa maliit na boses.

"Kumain ka na?" Tanong niya.

"Ha? Oo. Ikaw ba?"

"Oo rin. Tara hatid kita," sabay kaming lumakad papuntang building number three. Sila ay sa building number two kaya hindi mahirap pumunta sa isa't-isa. "Bye, Miss," aniya at ngumisi. Ang kulit!

Pumasok ako sa class ko. First day pa lang kaya walang gaanong pumapasok na teacher sa amin. "Marquez, tawag ka sa faculty," hindi ko alam kung bakit pero pumunta na lang ako. Medyo mainit pero wala akong dala na payong. Naka-polo shirt pa naman ako.

Pagkarating ko sa faculty ay namataan ko si Mommy na kausap si Mrs. Recto. "Oh, she's here."

"What's happening?"

"Nothing. I just wanted you to know that you'll be enlisted in Arts & Design Department," parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. What?

I already knew that this day would come, but does it have to be this fast? Hindi man lang ako nakapag-enjoy pa nang mas matagal.

"But, Mom—"

"Thanks, Mrs. Recto," ngumiti naman ito sa kaniya at saka ako hinatak ni Mommy palabas pero bumitiw ako.

"Mrs. Recto, this is so unfair! I'm the one you should talk about this. My Mom's out of this—"

"How am I out of this? You're my daughter, of course, I'm concerned about your grades. It might affect you and you might get rid of DL."

The Day He Slipped AwayWhere stories live. Discover now