Eight

17 1 0
                                        

tdhsa09

—'—

"Master!" masiglang bati ni Kenji pagpasok na pagpasok ko. Sumilip pa siya sa likod ko kung nasaan si Nanay, matamis siyang nakangiti habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Hello po, Nanay!" bati niya rin kaya naman halos matawa ako dahil mukha siyang ewan habang binabati kami. "Kumusta ka, Hijo?" nakangiting tanong sa kaniya ni Nanay.

Inilapag ko ang dala naming prutas doon sa side table kung saan maaabot niya rin iyon para hindi na siya tumayo pa. Hinayaan ko silang mag-usap doon, lumabas ako dahil kailangan kong kausapin 'yung nurse ni Kenji. Sa pagmamadali ko ay nakatabig ako ng bata. Batang babae.

"Sorry, nasaktan ba kita?" nag-aalala kong tanong. "Ayos lang po, mas masakit pa ang turok ng karayom doon," aniya at ngumiti sa akin.

Nagtaka pa ako noong una pero agad ko rin namang na-realize nang makitang naka-hospital gown din siya. "Saan ka ba papunta? Baka hinahanap ka na ng parents mo?"

Napatitig siya sa akin sandali pagkatapos ay nagsalita rin, "Wala po ang magulang ko rito," mas mahina niyang sabi. Dahil may mga dumadaan, tumabi kami at umupo para hindi maka-abala sa iba.

"Kung ganoon, kahit isa sa pamilya mo ay wala kang kasama?" naguguluhan kong tanong, tumango siya kaya napa-awang ang labi ko. "Simula noong pinasok ako rito sa hospital, madalang po silang dumalaw sa akin. Minsan isang beses sa isang buwan," nararamdaman ko ang lungkot na nararamdaman niya.

Sa murang edad may sakit siya, at ang malala hindi man lang siya mabisita ng magulang niya.

"Dumalaw ba sila ngayong month?"

"Three months na po silang hindi dumadalaw," nakayuko siya habang sinasabi iyon. Hinawakan ko ang kamay niya na ikinagulat niya. "Gusto mo kausapin ko ang magulang mo?"

"Huwag na po, ginawa ko na po iyan pero hindi naman sila nakinig. Ayos na po ako rito, nakakausap ko naman po ang ibang bata, at saka si Nurse Gigi pati po si Doctor Yuan," nilalaro niya ang tali ng hospital gown niya. Minasdan ko lang siya, wala ni isang nagsalita sa amin.

"Uh.. Pag bored ka at gusto mo ng kausap, punta ka sa room 168," tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ate, puwede mo po ba ako ihatid sa room ko?"

"Ha? Sure, saan ka ba?" nakahawak pa rin siya sa kamay ko.

"Room 273, Ate," tumango ako at sinamahan siya, hindi namin ginamit ang elevator dahil mas gusto niya raw na gamitin ang hagdan.

Pagpasok namin sa room niya ay may decorations iyon. May ilang drawing paper na nakakalat sa couch at table. Ang higaan niya ay magulo rin, nagulat ako nang makitang nakatanggal ang dextrose sa kaniya. "Tinanggal mo ba?" turo ko roon.

"Opo, namalikmata po ata ako, akala ko nakita ko si Mommy na dumaan kaya sinundan ko 'yong babae. Kaso mali po ako, same hair lang po pala sila."

"Tatawagin ko lang ang nurse mo, ha?" tumango naman siya at bumalik na sa hospital bed. Iyong Nurse Gigi na tinutukoy niya ang nag-asikaso sa kaniya. Bilib ako sa kaniya dahil hindi manlang siya umaray sa tusok ng karayom, kung ganoon. Anong turok ng karayom ang tinutukoy niya?

"Nurse Gigi, meet my Ate," matamis na ngumiti sa akin ang Nurse niya. "Salamat at ikaw ang nakakita sa kaniya, malikot kasi ito. Tingnan mo at tinanggal pa ang dextrose niya, kung si Doc Yuan ang naka-abot sa 'yo pagagalitan ka no'n." Humalakhak si Nurse Gigi.

"Sandali lang, babalik din ako. Kukuhanin ko na ang pagkain mo, Qeunah."

Nang makalabas iyong Nurse ay lumapit ako kay Quenah. "Ilang taon ka na nga pala?"

The Day He Slipped AwayWhere stories live. Discover now