Ten

12 0 0
                                    

tdhsa10

-'-

"What?!"

"Oo, bago lang siya, siguro nitong month lang, pag-alis mo nandito na siya," tumango na lang ako dahil baka mahalata nila na ako.

Ngayon ko lang naisip na sinabi ko pa ang pangalan ko sa kaniya, kilala naman pala niya ako.

Ilang sandali lang din nang dumating si Kenji, nag-aasaran agad sila ni Floyd hanggang makalabas silang dalawa para may ayusin.

Kinabukasan ganoon lang din ang ginawa namin, naghintay ako kay Kenji hanggang sa matapos silang mag practice. Ewan ko ba kung bakit practice pa rin, graduation naman na sa susunod na linggo.

"Nasa labas si Kuya Delfin?" tanong niya sa akin, "Oo, nandoon 'yung mga pagkain natin na ipinagawa ko kay Nanay."

"'Yun oh, sakto nagugutom na ako. Saan ba tayo?"

"Secret," tiningnan niya lang ako at mukhang excited na umakbay sa akin. Bumati pa si Kenji kay Kuya Delfin, ngumiti lang ito at tumango. Pumasok kami sa van dahil siya rin ang mag hahatid sa amin.

Hindi ko na iniintindi kung isusumbong ako ni Kuya Delfin, kasama ko man si Kenji o hindi pareho lang ang kalalabasan, papagalitan pa rin ako.

"Uy! Ang ganda rito, ah," ngumiti ako dahil napansin niya na kung nasaan kami.

"Paano mo nalaman 'to?" tanong niya.

"Edi nag-search ako."

"Ang ganda, Adeline."

Nang makarating kami, inalok ko kung gustong sumama ni Kuya Delfin, hindi na raw dahil may inuutos sa kaniya si Nanay.

"I-text mo na lang ako, Hija kapag tapos na kayo. Mag-iingat kayo rito," tinulungan niya kaming magbaba ng mga gamit at pagkain pagkatapos ay minasdan namin siyang umalis. "Pinaghandaan mo talaga?" tanong niya.

"Yes, I feel like these days kahit na practice lang ang ginagawa mo nakakapagod pa rin, this is also a reward for myself. Let's celebrate because you're going to graduate na!"

I bring the picnic blanket that I bought a long time ago, I didn't know why, kahit isang beses hindi ko naman 'to nagamit.

"Ayos, ah. Puro paborito ko ata ito," aniya habang kumakain kami ng leche flan. "Huwag marami ang kainin mo, marami pa naman diyan na masasarap, eh," tumango siya at naghanap pa ng makakain.

"Ang sarap tumira dito, Adeline. Ang tahimik at ang sarap ng simoy ng hangin," pinagmasdan ko siya. Nakaupo kami at magkatabi, medyo naka-forward ang katawan niya kaya hindi niya nakikitang nakatingin ako sa kaniya.

Maayos ang buhok niya ngayon, ang kutis niya ganoon pa rin, maputla. "Gusto mo magpatayo tayo rito?" aniya kaya napatulala ako.

"Hey," aniya at iwinagayway ang kamay sa harap ko. Ginalaw ko ang ulo ko nang bumalik ako sa huwisyo.

"H-ha?"

"Sabi ko magpatayo tayo rito, bahay, ganoon. O kaya naman sa kalapit na subdivision," napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. Napatigil siya sa pagnguya nang nakita ang reaksiyon ko.

"Huwag kang mag-alala, ayos lang kahit ayaw mo. Natuwa lang ako ang ganda kasi rito," may parang humaplos sa puso ko dahil ang ibigsabihin gusto niya akong kasama. "Adeline naman, magsalita ka, mapapanisan ka na ng laway niyan, eh."

Tinigil ko ang pagngiti ko pagkatapos ay tinarayan siya, "Ang dami mong choice para magsabi ng magagandang words today, pero pinipili mo talaga 'yung maasar ako 'no?"

The Day He Slipped AwayWhere stories live. Discover now