Atherelle's POV
Better Life
The rule is the best of three. Meaning, kapag nanalo ng pangalawa ay champion na. Natalo kami ngayon at kapag matalo ulit ay champion na sila Emerson pero kapag nanalo kami ay may last game pa. Pang ikatlong laro.
Kung kanina wala akong gana, ngayon lumala na. I was trying to have good teamwork with him but he won't talk to me. I want us to talk regarding that matter, so we could do the game right, but it's now too late.
I was lazily finding a hero to ban. Dahil sa kawalang gana ay bi-nan ko ang Rafaela. Harrith sana 'yon pero wala ako sa mood at kahit saan-saan na lumipad ang isip.
There's no chance we'll win the championship if this is our setup.
"Sorry," I lazily said without looking at them.
"Atherelle," Gaviel suddenly called me.
Kung kanina lahat kami ay nakayuko, ngayon sabay kaming apat nag-angat ng tingin. Parang naging apat bigla ang Atherelle dito. All of us are waiting for Gaviel's next move.
"Sit beside me."
Nakatitig lang si Gaviel habang papalapit ako sakaniya. Umusog pa ang tatlo kahit kasya naman ako sa tabi ni Gaviel para lang bigyan kami ng privacy na dalawa. I was at the edge and then Gaviel.
"Pick Guinevere," Gaviel said.
We're so close to each other that our arms touched. Umusog ako ng konti para bigyan ng distansya pero hinila niya ako sa baywang pabalik sa pwesto ko kanina.
"I'm sorry," he whispered.
Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Masama pa rin ang loob ko, hindi dahil sa marami akong deaths sa huling laro pero dahil sa halik ni Alessia sakaniya.
The game started and this match was way better. We already have a strong teamwork. I am using Guinevere and he was using Jawhead. Itatapon niya ang kalaban sa gawi ko at deritso gamit ako ng set at ultimate kaya napapatay.
I heard our opponents laugh everytime we did it. Nagpatuloy ang ganoong set up namin ni Gaviel hanggang sa nag build na sila Emerson ng anti para kay Jawhead. Hindi na sila maitatapon, but it's too late now.
We won the second game so we still have last game. Kung sino ang manalo rito ay champion na.
I was again using Guinevere but Gaviel didn't use Jawhead anymore. Depende na rin kasi sa pinili nilang hero. Dalawang hero ang pang long game namin; Claude at Hanabi. Ang isa core at isa side lane. Our mage is Nana pang anti sa Aldous nila. Simula ng laro ay lamang sila Emerson. They are monster in ML but their heroes are only strong in intro. Because our marksman and core got items, doon kami nakakabawi. Sobrang tagal ng hauling laro namin namin na halos umabot na nang isang minuto bago mabubuhay ang hero.
"Sa Lord na," Gaviel said .
I was about to come with Gasper when Gaviel stopped me.
"Sa likod ka dumaan. Their core was missing, probably hiding in the bush. Dito" he pointed at the bush above.
I nodded as I get what he's trying to say. Una kong pipitasin ang core nila at siya na bahalang mag set doon sa iba. When I used Guinevere's second skill and jumped to that area, and got Emerson's hero. Nakabawi pa siya kaya nabawasan ang life ng hero ko pero may execute pa ako kaya napatay din ang hero niya.
I smirked at that. Huli.
Sa ibaba ay nagka-clash din sila. Naunahan sila ng set ng Silvanna at akala ko mapapatay ang hero ni Gasper at Vince pero na set ni Gaviel ang Silvanna at Kagura nila kaya nakabawi.
BINABASA MO ANG
Till the Last Game Do Us Part
Romance"He became my home when everything in me fell apart. He adopted my abandoned heart, hugged all my pain, and danced with my flaws like they were his favorite part of them all."