CHAPTER 6: Lover Boy

335 4 1
                                    

“TITA Simang!”

Pinandilatan ni Rayleigh ang pamangkin sa tinawag nito sa kanya. “Hoy, Tanyarita! Lumaki ka lang tinawag mo na rin akong ganyan. Gumalang ka ha.”

Humahagikhik namang sumagot ang labing-limang gulang na pamangkin niyang babae. “Tita Simang, Tanya po.”

Kadalasan kasi, ‘Aling Simang’ ang tawag sa kanya ng Kuya Chaz niya. ‘Aling Simangot’. Lagi daw kasi siyang nakasimangot.

“Tanyarita, Tita Ray po.”

Tumawa naman ito. “Bumaba ka na daw po sabi ni Daddy. Kakain na tayo.”

“Anong oras ba ‘yung klase mong bata ka?” tanong niya sa pamangkin.

“7:30 po.” Nakita niyang pinapakialaman nito ang mga gamit niya.

Binato niya ito ng unan. “Lumabas ka ng bata kung ayaw mong samain sa’kin.”

“Ang sungit mo talaga, Tita. Tatanda kang dalaga niyan eh.”

“Hoy! Tumahimik ka diyan. Maganda ako. That’s impossible.” Sagot niya at inayos na ang sarili para bumaba.

Hinila niya ang sa buhok ang pamangkin. At sabay na silang lumabas sa kanyang kwarto.

“Hey!” masayang tawag sa kanya ng Kuya Chaz niya.

Nasa puder siya nito nakatira. Ayaw niya sa bahay ng mga magulang niya. Lagi lang siyang napapag-initan doon. Aside from the fact that her brother spoiled her a lot. Pero plano rin niyang kumuha ng apartment. Hindi pa nga lang siya nakakahanap ng matino-tinong lugar na pwedeng tirhan ng kagaya niya.

Sigurado kasi. Kapag nakakita siya ng pwedeng upahan, doon agad ang gagawing tambayan ng mga loka-loka niyang kaibigan at gagawin nilang bahay inuman.

Ang Kuya Chaz niya ang kaisa-isang kapatid niya. Maaga itong nag-asawa kasi malandi ito. Hindi rin naman sila tutol kay Ate Cheska, ang asawa nito, ng mag-live in  ang dalawa. Kaya nga malaki na ang burara din niyang pamangkin eh. Manang-mana daw sa kanya.

Aba’y dapat lang! Malakas yatang makahawa ang kagandahan niya. Lalo pa at lagi silang magkasama ng pamangkin.

Tinangnan niya ang mga nakahain sa mesa. Anak ng pucha naman talaga oo! Bigla siyang natakam ng makita ang mga lalamunin niya sa ibabaw ng paboritong gamit niya sa bahay.

Sinangag. Fried eggs. Hotdogs. Hams. Pandesal. Kanin. At mainit na kape.

Yum! Yum! Yum! Yum!

“Ihahatid na kita, Ray.” Ani ng kuya niya.

She smirked. “2:30 pa ng hapon ang klase ko.”

“Ganun ba?”

“Yes.”

“Ikaw na lang ang maghatid kay Tanya.”

Tumanggi naman ang Ate Cheska niya. “Honey, baka magpapahinga pa iyang si Ray. Today is the start of her practice, remember?”

“Ay naku, Ate! No problema! Ako na ang bahala sa bata natin dito.” Sagot niya na ang tinutukoy ang ay dalagita niyang pamangkin.

Umangal ito. “Tita Simang! I’m fifteen.”

“So?”

“Hindi na ako bata.”

“Weh?”

“Oo naman.”

“May boyfriend ka na no?” pang-aasar niya sa pamangkin.

Nag-react naman ito agad. “Wala ah!”

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon