CHAPTER 9: Nitty gritty!

256 6 1
                                    

“WHERE ARE you going?”

“Away from you!” sigaw ni Rayleigh sabay padabog na nagmartiya sa gilid ng kalsada. Pahamak talaga ang lalaking ‘to. Tsk. I-text na lang kaya niya ang Kuya Chaz niya na sunduin siya dito.

Oh my gulalay! Ang galing mo talaga kahit kailan, Rayleigh!

Kukunin na sana niya ang lintik na cellphone nang maalala niyang nasa kamay pala ng demonyo ang kanyang bag. Nilingon niya ito.

Napasinghap pa siya ng makitang naglalakad na rin pala ang binata sa likod niya. At sobrang lapit nito. Amoy niya ang swabeng pabango mula sa katawan ng gago. Lumakad siya ng mabilis para dumistansya sa lalaki.

“Where are you going?” tanong na naman nito.

Paulit-ulit? Unli tayo?

“Sa impyerno. Gusto mo ng direksyon?”

He chuckled. “Nagsusungit ka na naman. Pa-cute ka lang eh.”

“Nagsusungit ka na naman. Pa-cute ka lang eh.” Panggagaya niya dito.

Lumapit na naman ito sa kanya. “Gusto mo buhatin na lang kita?”

“May paa ako.”

“So?”

“Ayoko.”

“Why not?”

“Because I don’t want to?”

“Sige na. Don’t be shy.” Nakangising wika ni Dice.

“Ayoko sabi eh! Ba’t ang kulit-kulit mo?!”

Tumawa ito. “Eh ba’t masungit ka? Nasa menopause stage ka na?”

Pinatikim niya ito ng isang suntok sa braso. “Gago!”

He just shrugged while massaging his harmed arm and then smiled at her again.

Pinagpatuloy ni Rayleigh ang paglalakad. Mahaba-haba ang lalakarin nila ha? At wala yatang balak sumakay sa taxi ang lalaki ito. Naku! Oras na makakuha siya ng tiyempo at maagaw ang bag niya sa lalaking ito, swear, iiwan niya talaga itong mag-isa sa daan.

“Bubuhatin na nga kita.” Pangungulit nito.

She looked at him furiously. “No way. Sayang naman ang paa ko no. Ginawa ‘yan ng Diyos para gamitin.”

“I didn’t know you’re such a religious one. Bagong buhay?”

Ngumisi lang siya dito.

Uy kahit naman papaano maka-Diyos din siya. Hindi nga lang halata. Kasi siya ‘yung tipong nahihiyang magdasal sa harap ng mga tao. Kahit sa anim na lukaret. Kahit sa Kuya niya. Kahit sa parents niya. Siya lang talagang mag-isa. Mas gusto niya kasi iyon at nakakapagmuni-muni siya.

“Baka mapunta ka sa langit niyan.”

“I don’t like to commit myself about heaven and hell. You see, I have friends in both places.” Rayleigh explained.

Dice laughed idiotically.

She raised an eyebrow.

Tumigil naman ito agad.

She continued walking the endless road.

“Bad attitude is like a flat tire. You can’t go anywhere till you change it.” Narinig siya sabi nito.

“So your point is?”

“Wala. May masabi lang.”

Hindi niya alam kong bakit ha? Pero gusto niyang matawa sa lalaki ito. Adik rin pala ito minsan.

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon