“RAYLEIGH!”
Lumingon si Rayleigh sa kanyang likuran para alamin kung sino ang tumatawag.
Napangiti siya.
“Hi, Dice!”
Hinalikan siya nito sa noo. “How’s your day?”
“Fine. Sayo?”
“Boring,” he shrugged and gave her a tight smile. “Pero hindi na ngayon. I miss you.”
Nag-init naman ang pisngi niya sa sinabi ng binata. “Mas na-miss kita.”
“I know.” Hinawakan nito ang kamay niya. And then he kissed her knuckles one by one. “I have a surprise for you.”
Tumawa siya. “Surprise na naman!”
“I know you hate surprises. But trust me. You’ll gonna love it.”
She caressed his cheek. “Okay. Basta ikaw. Lahat gusto ko sayo.”
“I love you. Come.” Bago pa siya makasagot ay hinila na siya nito.
They end up in a bar. Or not. Hindi siya sure kung anong klaseng lugar ang pinagdalhan sa kanya ni Dice. Pero walang katao-tao.
“Where are we?”
“Secret.”
Hinampas niya ng mahina sa braso.
He just chuckled cutely. “Wait here.” Iyon lang at pumasok si Dice sa isa sa mga pinto sa naturang lugar.
Nae-excite siya.
Hindi matanggal ang ngiti sa labi niya.
Maya-maya ay may lumapit na babae sa kanya. Naisip niyang baka kasama sa sorpresa ni Dice ang babae. The girl was a little bit smaller than her. Nakangiti ito sa kanya. May nakasabit na ID sa leeg ng babae.
Amber.
She smiled back.
Lumapit ito sa kanya.
“Hi─” hindi na siya nakapagsalita dahil bigla siyang sinampal ng babae.
“Mang-aagaw!”
Natigalgal siya sa kinatatayuan.
“How dare you to try stealing my boyfriend?! Ang landi mo!”
“I-I don’t─”
Sinampal siya nito ulit. “Dice is mine. Kabit ka lang! Kaya kung ayaw mong magkagulo tayo, layuan mo ang boyfriend ko! Uto-uto ka rin no? Akala mo mapapasaya ka ni Dice ngayon. Gaga! Naloko ka! ‘Wag na ‘wag kang lalapit ng Dice kung ayaw mong maulit pa ito. Malinaw ba?”
Ang bilis ng pangyayari. Wala man lang commercial ang babaeng ‘to. Hindi siya nakapaghanda. Pain. Pain. Pain.
Hindi niya namalayang tumutulo na ang luha niya. “Yes.” She whispered.
“Good.” Pagkasabi ng babae ay dire-diretso itong lumabas.
Ito ba ang surprise na sinasabi ni Dice? Wow! Ang ganda ha.
Maya-maya ang biglang bumukas ang tabing sa stage at nakita niya ang mga kaklase niya pati na rin ang ilang sa mga batchmates nila.
“Surprise!” sabay-sabay na sigaw ng mga ito.
At sa gitna. Nandoon si Dice. Ngiting-ngiti sa kanya.
Tumulo na naman ang luha niya.
Dice walked towards her.
She stepped back.
Nagulat si Dice sa ginawa niya.
“Don’t. Touch. Me.”

BINABASA MO ANG
WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)
JugendliteraturTHIS IS NOT X-Rated. She's a bully. She's bad. She's a bitch. Kaya kung naghahanap ka ng babaeng perpekto, swak na swak ang pinipilahan mo. Siya lang naman kasi ang magtuturo sa'yo ng shortcut papuntang impyerno. Spell 'Whore'. R-A-Y-L-E-I-G-H. Her...