CHAPTER 3: The game is on!

438 9 4
                                    

This chapter is dedicated to @Beastyy. Salamat at napansin mo 'yung story ko. Hahaha! Kahit pangit. Thank you!

❤ ❤ ❤ ❤ ❤ 

“YOU are a big mistake!”

Napakibit-balikat na lang si Rayleigh sa sinabi ng ama sa kabilang linya. “I know, Dad. Seriously.” Kung siya lang ang papipiliin, matagal na niyang ibinaba ang telepono. Pero dahil may natitira pa kabaitan sa kuko niya, hindi niya binagsakan ang ama. As usual, sinisermonan na naman siya nito sa kadahilanang ito lang ang nakakaalam. Marahil badtrip na naman ito sa mundo at siya ang pinaka-effective na pwedeng pag-initan. Sigurado siya. As in hundred and five percent. Mamaya, ang mommy naman niya ang susunod na tatawag. Second trip. Whew!

“Rayleigh! Are you listening?”

Halos mabingi siya sa lakas ng boses ng kausap. “Yes, Dad!”

Pugal! Naiinis na siya. Punung-puno na ng dugo ang ulo niya. Wala sa loob na iniwan niyang nakalapag ang telepono sa mesa at nanatili itong nakabukas. Naririnig pa niya ang sinasabi ng ama. Badtrip talaga! Bahala itong magtatalak. Aalis siya. Nakakabanas!

Pumasok siya sa kwarto para kunin ang susi ng kotse niya. Tsk. Saan naman kaya siya gagala ng ganitong oras? Pasado alas-nuebe pa lang ng umaga. Tulog pa sana siya kung hindi tumawag ang ama.

Business Administration ang pinag-aralan niya. Ayaw ng daddy niya ang kinuha niyang kurso. Pati na rin ang ina. Malamang! Ang gusto ng mga ito, Engineering ang kunin niya.

Duh! Ang hirap kaya ng math.

Lagi naman talagang mali ang mga ginagawa niya para sa mga ito. Kailan pa ba siya naging tama sa mata ng dalawa? Minsan lang siyang kumustahin ng mga magulang. Lahat iyon, puro pangaral. Sweet, di ba? Nganga.

“O? Sa’n ka pupunta? Saturday ah.” Ani ng Kuya Chaz niya ng dumaan siya sa kusina para kumuha ng tubig.

“Kina Vi.”

“Dad did call you, right?”

She just shrugged. “Nakabukas pa ‘yung phone, bro. Ikaw na ‘yung bahalang bumaba. Nagsasalita pa si Daddy.”

Napailing na lang ang kapatid sa kanya.

“Bye for now.” She kissed her brother goodbye.

“Ingat. Umuwi ng maaga ha?”

She nodded.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Ano ba ang gagawin niya?

Pesteng pugal naman ‘to, oo!

Magpapasko na pero wala pa ring pagbabago sa takbo ng buhay niya.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Hinanap niya ng pangalan ni Violet. Alam niyang tulog pa ito. ‘Yun pa! Eh daig pa nila ang mga buntis kapag natutulog.

Hindi niya nagustuhan ang sinasabi ng operator sa kabilang linya. Ibig sabihin lang niyon eh sarado ang cellphone ng kaibigan.

Walang hiya ‘yan!

Napatigil siya sa harap ng kotse niya.

Tutuloy pa ba ako? O babalik na lang ako sa kwarto?

Hindi niya alam kung bakit pumasok pa rin siya sa loob ng kotse. Pinasok ang susi at saka tinapakan ang silinyador ng kanyang sasakyan.

“Ah! Bahala na!”

Pinaharurot niya ang kotse.

Hindi masyadong traffic.

Mabuti.

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon