CHAPTER 8: Schoolboy loves to play.

260 5 1
                                    

BAKIT parang may humahaplos sa likod niya?

Lumingon siya para tingnan kung kaninong kamay ang nagmamay-ari niyon.

Natuwa siya ng makita ang lalaki.

Ngumiti siya dito.

Ngumiti rin ito sa kanya.

Kinuha niya ang mga nagkalat na damit sa ibaba ng kama.

Tinupi niya ang mga ito.

Nilingon niya ulit ang lalaki.

Nakangiti pa rin ito at tumigil sa paghaplos ng likod niya.

Tumayo ito.

“Bye, Dice!” aniya.

Yumuko ito at marahang dumampi ang labi nito sa mga labi niya.

“INGAT HA?”

“Yes, Tita!” sagot ni Tanya habang nagtatanggal ng seat belt.

Malas niya. Siya pa ang napag-utusang maghatid sa makulit na pamangkin niya.

May napansin siyang binatilyong nakasandal sa may puno ng mangga sa may gate ng eskwelahan ni Tanya. Nakatingin ito sa direksyon nila. Kay Tanya.

Hmmm…

Bumaba na ang pamangkin niya. Her niece waved goodbye. Rayleigh waved back.

Pinaandar na niya ang sasakyan. Ngunit nang ipapaharurot na sana niya ang sasakyan ay saktong nakita niya sa rearview mirror ang pagyakap ng pamangkin sa binatilyo. She stopped the car. Inikot niya ang manibela. Umatras siya para balikan si Tanya.

Nagulat pa ang pamangkin niya ng makita siya.

Nasa kotse pa rin siya. “What the heck is that?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang magkahawak na kamay ng mga ito.

Halata namang nahintakutan si Tanya sa kanya. “Ang ano po?”

Nagtaas siya ng kilay.

Noon lang siguro na-realize ng dalawang teenager ang tinutukoy niya. Matapos noon ay parang napaso ang mga ito at bumitaw sa isa’t isa.

“Tita kasi…”

“Laters, Tanya.” Iyon lang at pinaharurot na niya ang sasakyan palayo.

Napapailing na lang siya.

So my niece got a boyfriend. Sasabihin ko ba kay Kuya o ano? Hmm. Well. Papel. Bahala na.

Kakausapin niya muna ang bata bago ipaalam sa tatay nito ang nakita niya. Hindi pwedeng hindi niya sabihin dahil siguradong papagalitan siya ng Kuya niya. At ayaw niyang mangyari ‘yun.

Nasa kahabaan na siya ng daan pabalik sa bahay. Mamaya pang alas-dos ng hapon ang klase niya at naisipan niyang ihatid ang pamangkin. Tiyumempo talaga siya sa bukingan eh no?

Naalala niya ang panaginip niya kagabi. Ang weird. Si Dice? Hinalikan siya? At parang may nangyari sa kanila sa panaginip na iyon ha. Asar! Gusto niyang masuka nang magising siya kaninang umaga. Seryoso ba ‘yun? Kahit sa panaginip sinusundan pa rin siya ng lason ni Dice. Gah!

Nasa bahay pa rin si Theo. Nag-aalmusal ito nang iwan niya para ihatid si Tanya. At mamaya… nyahaha! Siya naman ang ihahatid ng kinakapatid sa school. Wataah!

Ako na!

May assignment pa pala siya sa management. Ah letse! Essay lang naman ‘yun. Yakang-yaka. Lalaki niya lang ang penmanship niya, solve na.

Aha! Aha!

Ba’t ba kasi nauso ang assignments, quizzes, exams eh pwede namang mag-aral na puro lecture lang. Ba’t kailangan pa ng grades? Nakakainis! Tapos nauso pa ‘yung NO ERASURE policy. Ang churba! Eh paano kung bigla kang nagkamali sa spelling mo? Eh di patay na. Minus five agad. Wala ka pa ngang tama, may bawas na. Ano ‘yun? Negative? May utang ka?

WHO'S THAT WHORE IN JERSEY 24? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon